Hinatid ako ni Nic sa school namin after namin mag breakfast, tinanong niya ako kung anong oras matatapos ang klase ko para daw sunduin ako pero sabi ko dederecho ako sa trabaho ko.Naglalakad na ako sa hallways ng school namin ng tinawag ako ni Bella "Hoy pokpok!" Sigaw niya sa akin na napakalas, bwisit din tong kaibigan ko eh! Tumigil ako maglakad at hinintay ko siya makarating sa akin
"Nasaan ang mga gamit ko?" Tanong niya ng makalapit sa akin, kumunot naman ang noo ko
"Anong gamit? Ako nga dapat magtanong kung nasaan ang gamit ko eh!" Sabi ko naman sa kanya, at nagsimula na kami maglakad
"Huwag mo sabihin hindi ka din umuwi sa inyo!" Gulat na sinabi niya sabay kami tumingin sa isa't isa
"Anong ibig mo sabihin? Saan ka umuwi?" Tanong ko naman sa kanya, napakagat siya ng labi na tila ba pinipigilan niya ang kanyang kilig
"Wait wait Aurelia Maize akong una nagtanong, kaya sumagot ka hindot ka! Ano nag paka pokpok ka na ba?" Walang hiya niya sinabi, tinampal ko ang kanyang braso
"Huwag mo ako itulad sa'yo baka sinuko mo na ang bataan!" Sagot ko naman sa kanya, paakyat na kami papunta sa classroom namin, tumawa siya at inakbayan ako
"Virgin pa din itong beshie mo, pero naka third base na kami" bulong niya sa akin, tinulak ko naman siya, anong third base nanaman ito sinasabi nito?
"Ano ba yan nagbabaseball ka ba?" Naiinis ako nag tanong, tumawa siya at umiling iling siya sa akin
"At ikaw saan ka nagpunta?" Paguusisa niya sa akin, nag iwas ako ng tingin sa kanya, I don't know kung aamin ba ako sa kanya
"Wala meron lang ako nakilala sa bar, tapos ano..." hindi ko alam kung kaya ko magsinungaling sa kanya, siniko niya ako at tumawa habang pumapsok sa classroom namin
"Baka ikaw ang hindi na virgin sa atin ah!" Pangaasar niya sa akin, tinampal ko nanaman siya at sumimangot
"Oh please Bella kilala mo ako" sabi ko sa kanya habang umuupo na kami sa upuan namin
"Yun din ang alam ko, pero it seems you really have fun ah! Sige na nga hindi kita pipilitin sabihin sa akin kung anong nangyari sa'yo I just want to make sure hindi ka naman napahamak?" The concern on her voice is obvious
"Yes walang nangyari masama sa akin, thank you for your concern ikaw ok ka lang ba?"
"Never better, I think I found my soulmate" she singfully said at tumawa nanaman kaming dalawa
"Hoy Bella! Reize! Ito ang mga gamit niyo! Mga baliw kayo, saan kayo nagpunta?" Sabi ni Apple at binigay ang mga bag namin
"Mga ditcher kayo! Buti na lang Bella binilin mo sa akin itong card mo at meron kami pinagbayad sa club, saan ba kayo pumuntang dalawa?" Pagusisa ni Astrid, umiling lamang kami ni Bella, and I know whatever nangyari sa aming dalawa ay ginusto naman namin iyon.
"Ano Livia sanay ka na sa gawain mo dito?" Tanong ko sa kanya pagpasok ko sa locker room, nagpapalit na siya sa kanyang uniporme, sasagot na sana siya pero may biglang kumatok sa locker room, kaya pinuntahan ko ito at binuksan ito, nagulat ako ng makita ko si Engr. Prieto ito! Grabe ang gwapo niya at bango niya talaga
"Go-od afternoon sir" bati ko sa kanya, na medyo nauutal pa, tinignan ako ni engineer ng matagal at ngumiti
"Pumasok ba si Livia?" Tanong niya sa akin
"Ay opo sir tawagin ko lang saglit" ngiti ko sa kanya
"Salamat Reize" aniya, sumulyap ako sa kanya at nagulat, nagtaka ako at bakit kilala niya ako, pero naalala ko naka name plate pala ako, haha feeling ka talaga Reize

YOU ARE READING
LEAF OF FAITH
Storie d'amoreAnong gagawin mo kapag na in love ka sa daddy ng iyong best friend? Ito ang tanong ni Reize sa kanyang sarili. Lalo pa hindi ito ang goal niya sa buhay, not until she met Nic. He is caring, loving and everything she ever hope as a boyfriend, but as...