Kabanata XXXII

1.3K 22 2
                                        


Dahan dahan ko minulat ang mata ko, ang nagaalalang mukha ni Nic ang agad ko nakita, napaupo ako agad na inalalayan naman niya ako

"Anong nangyari?" tanong ko

"You fainted Ms. Salguerra, nag hyperventilate ka dahil sa panic attack" aniya ng resident doctor sa company ni engineer, nasa likod niya si Nic, habang si engineer nakatingin sa amin

"Natrigger ito when you saw the four woman who did wronged to you and may I asked have you been lot of stress lately ba Ms. Salguerra?" Seryosong tanong ni doc, tumingin ako kay Nic at hindi ko maexplained the way he looks at me right now, kaya binaling ko ang tingin sa doctor

"Pagod lang siguro ako these past weeks doc" mahinang sagot ko, tumango naman ang doctor at tumingin sa hard folder at may sinulat at binigay sa akin

"Vitamins mga iyan Ms. Salguerra, I suggest you to drink a lot of water and electrolytes, kapag feeling mo wala ka ng energy" seryoso tanong niya, tumango ako tinignan yung reseta pero bago ko pa nabasa ito hinila na ni Nic sa akin ito

"Thank you so much doc, ipapabili ko ito nireseta niyo kay Reize" magalang na sinabi ni Nic

"I'll go ahead Engineer and Mr. Bojorquez" sumulyap sa akin si doc "mag rest ka muna ng three days, you've been through a lot, and I am sorry for what happened to you" mainit na ngiti ang binagay niya sa akin. I smiled back and gave my thanks.

Ng umalis ang doctora, tumingin ako kay engineer "need po ba natin bumalik sa HR?" Tanong ko, umiling naman siya at tumingin kay Nic

"You don't need to, nakausap na nila ang mga apat, nakuha na naman nila ang statement mo and they have the copy of the CCTV, so you don't need to worry about that anymore, huwag mo na iyong isipin" sagot naman Nic

"The three girls, is under two months suspension without pay, inamin nila na ginawa lang nila iyon dahil sa utos ni Mrs. Agustin, on the other hand Mrs. Agustin was forced to resign" sabi naman ni engineer

Namilog ang mata ko sa sinabi niya "Wait po, fifteen years na po siya dito bakit siya nag resign?" Tanong ko

Inis na nagbuntong hininga si Nic, samantala si engineer tinignan niya lamang ito bago sumulyap muli sa akin "after they heard what happened, maraming nag came forward kanina, they told HR that Mrs. Agustin bullied them as well, and I don't tolerate that here, buti nga forced resignation ang ginawa ko at least she will still received some benefits"

Napatulala ako sa sinabi ni engineer, guilty crept on my system again, but then again I reminded myself that they did something wrong not only to me but to others, kaya medyo gumaan agad naman ang pakiramdam ko

"Tama na yan Jayce, need na magpahinga si Reize, she don't need to stress about that one anymore" inis na sambit ni Nic, umiling lamang si engineer at tinapik ang balikat niya

"Okay you two take care, balik lang ako sa HR to finalized everything" tumingin sa akin ulit si engineer "Reize, alam ko three days ang sinabi ni doc na need mo magpahinga, but I will give you a week na lang din, don't worry with pay naman" ngiti niya sa akin

"Sa-salamat engineer" maligayang sinabi ko, ang bait niya talaga grabe ang swerte ni Livia! Kumaway naman si engineer at kumindat sa akin kaya tumawa ako

"Tss" saad naman ni Nic, at humalakhak si engineer bago umalis, at kahit naka alis na ang mga mata ko ay nasa pintuan pa din

"Ano mas naiinlove ka na kay Jayce dahil binigyan ka ng isang linggo na bakasyon?" Masungit sinambit ni Nic sa tabi ko, umirap naman ako sa kanya at binaba ko na ang aking paa mula sa kinahihigan ko

"Hindi pa tayo okay Nic" sabi ko sa kanya habang sinusuot ko ang sapatos ko, nagulat naman ako ng bigla siya lumuhod at siya na ang nag suot ng mga ito sa aking paa at tinali niya na din ang sneakers ko!

LEAF OF FAITHWhere stories live. Discover now