Andito ako ngayon sa bahay nila Bella, dumating kasi ang mommy niya galing abroad, katatapos lang proyekto nito sa New York at agad ako hinanap.Mabait sa akin si tita Irene, lagi niya ako tinutulungan pag need ko, ng malaman niya paano ko pinagtanggol si Bella sa mga bully noon ay pinagshopping niya ako. Tinuturing ko na pangalawang ina na siya, at sa edad niya na thirty five napanatili niya ang ganda ng katawan niya kung tutuusin para lang ate ni Bella ang mommy niya
"This Darling try this clothes I brought for you, and may mga sexy nighties din ako binili para sa'yo" aniya habang binibigay ang mga pasalubong ko
"Hala tita nag abala pa kayo" sabi ko sa kanya, habang isa isa ko tinignan ang mga bigay niya, meron siya binigay mga damit, sapatos, lipstick at pabango.
"Ano ka ba para na kitang anak, kaya huwag ka mahiya sa akin!" Masaya niya sinabi
"Mommy may boyfriend na si Reize!" Bigla sinabi ni Bella, pinandilatan ko siya ng mata habang humagikgik lamang siya
"Totoo ba ito Reize?! Oh my, ang swerte naman ng lalaki na iyon! Dapat ma meet ko iyon, ako kikilatis, putol ang kanyang pagkalalake pag niloko ka niya!" At tumawa sila mag - ina at umiling iling naman ako
"Hindi po tita wala pa, huwag ka maniwala kay Bella" medyo nahihiya pa ako kay tita sa usapang boyfriend, alam niya kasi na wala pa ako balak, dahil ang gusto ko maka focus ako sa pag aaral ko
"Naku mommy alam mo ba hindi ko na siya sinusundo? Meron na pumalit sa akin!" Kunwari pagtatampo ni Bella, umiling naman si tita Irene at hinaplos ang buhok ng kanyang anak
"Hayaan mo na si Reize anak, anong gusto mo hanggang mag asawa siya kasama mo siya?" Ngumiti si tita sa akin at kumindat, tumawa naman ako sa sinabi niya sa anak
"Oo mommy! Dapat talaga makilatis natin iyan manliligaw niya! Dapat dumaan muna sa amin ni mommy ito! Di ba mom?" Parang bata paslit si Bella na nagsusumbong sa nanay niya, tumawa naman at nag agree ang mommy ni Bella.
Hindi ko din naman alam papaano ko ipapakilala si Nic sa kanila, hindi pa naman kami, pero feeling ko kami na dahil halos araw araw kami magkasama, sabay kami nag didinner at lagi na lang kami naghahalikan pag may pagkakataon
Aaminin ko growing up Tita Irene help me with my confidence, pag nagbobonding sila ni Bella lagi niya ako dinadala sa mga lakad nila, she really treat me like her own daughter, kaya mahal na mahal ko din siya katulad ng pagmamahal ko kay Bella.
Ang bait at masiyahin ng mommy niya at nag tataka ako bakit hanggang ngayon wala pa siyang asawa, meron naman ako nakilala naging boyfriends niya pero wala siya pinakasalan ni isa sa kanila, that leads me to wonder ano kaya ang nangyari sa kanila ng daddy ni Bella? Ano kaya ang dahilan bakit sila naghiwalay?
Kahit cool at modern mom si tita Irene, lagi niya kami pinapaalalahan tungkol sa mga lalaki, noon hindi pa eighteen si Bella strict ito sa kanya, kasi natatakot siya na magaya siya sa kanya na nabuntis siya ng maaga, naging lenient na lang siya kay Bella na nag eighteen na ito pero andoon pa din ang pangaral niya
"Balita ko ang daddy mo mag sstay ng matagal dito sa Pilipinas ah, since tapos na ang work niya sa Paris" bigla sinabi ni tita Stella habang kumakain kami
"Uy si mom curious!" Panunukso ni Bella sa kanyang ina, umirap naman siya sa kanya at uminom ng tubig
"I am just asking, sympre mas may time na kayo magkita, ano kinikita ka ba niya?" Tanong ni tita Irene
"Noong first weeks niya andito mom, siya nag hahatid at sumusundo sa akin sa school, pero ngayon hindi na" tapos sumulyap siya sa mommy niya "I think he is busy with a woman" seryoso niya sinabi
YOU ARE READING
LEAF OF FAITH
RomansaAnong gagawin mo kapag na in love ka sa daddy ng iyong best friend? Ito ang tanong ni Reize sa kanyang sarili. Lalo pa hindi ito ang goal niya sa buhay, not until she met Nic. He is caring, loving and everything she ever hope as a boyfriend, but as...