Kinakabahan ako habang nag papalit ako ng uniform, hindi ko alam paano harapin si Bella, sinabihan ko si Nic na huwag na lang muna ako ihatid, habang mainit pa ang issue namin nila Bella pero mapilit si Nic, kaya wala nanaman ako nagawa
Don't get me wrong, pinapakinggan naman niya ako at may free will naman ko sa relasyon na ito, pero sabi niya hindi porket hindi kami tanggap ng anak niya ay hindi niya na gagawin ang mga nakasanayan na gawin niya para sa akin.
"Ibigay mo yung bagong schedule mo sa akin, eight ng gabi pa din ba ang end ng work mo kila Jayce?" Tanong niya sa akin, inabot ko naman yung schedule ko sa kanya at tumango
"Yes, ganoon pa din buti nga napakabuti nila sa mga working student na kagaya ko" maligayang ko sinabi, nasa school na kami at naka park pero meron pa naman kaming kaunting oras kaya nag uusap muna kami
Nagbuntong hininga siya at sumulyap sa akin "Sinabi ko naman sa'yo no need ka na mag work, kaya na kita buhayin Reize, hindi ka na nag iisa sa buhay" aniya habang tinatapik tapik niya ang kanyang manibela gamit ang mga daliri niya
Hinaplos ko naman ang kanyang mukha at ngumiti "alam ko, pero marami ka na nagawa para sa akin ni mama, hayaan mo na ako dito" malambing ko sinabi
Hinuli niya naman ang aking kamay at hinalikan ito "pero promise me pag once mag asawa na tayo, ako na ang bahala sa lahat" tumawa naman ako at hinila ko na ang kamay ko
"Malayo pa yun, mag gragraduate pa ako diba?" Sabi ko habang kinakalas ko na ang seat belts ko
"And I'll make sure nothing will keep us apart while I am waiting for you baby" malambing niya sinabi, at nilapit niya na ang kanyang labi, sa akin labi at hinalikan niya na ako bago ako bumaba sa kotse niya
Since nakauwi na kami sa probinsya lagi niya na lang sinasabi na aasawahin niya na ako, na sigurado na siya sa akin, sa totoo lang nakakatuwa isipin na siya din ang gusto kong makatuluyan habang buhay, sana hindi lang kami komplikado, at sana dumating ang araw na matanggap kami ni Bella.
Nakita ko agad si Bella na nakikipagwentuhan kina Apple, sumulyap lang siya sa akin bago bumalik ang tingin niya sa mga kausap niya, yumuko naman ako at naghanap ng mapwepwestuhan.
Nang dumating na ang professor namin ay agad naman kami nag ayos, nasa harapan ako at si Bella nasa likod, this is the very first time na hindi kami magkatabi, hindi ko din alam kung pansin ng mga classmates namin na hindi kami nagpansinan ni Bella, sanay na sanay na kasi sila na kapag nagkikita kami ay nagayayakapan at nagchichikahan kaming agad.
To be honest it feels weird na hindi kami naguusap at magkasama, pero sympre hindi ko naman mapilit na tanggapin niya ako, at naalala ko din yung pagsampal niya sa akin, pero hindi naman ako nag tanim ng sama ng loob, siguro kung nagkabaliktad kami ng sitwasyon ganoon din ang reaksyon ko
Pagkatapos ng dalawang period namin ay vacant, usually tumatambay kami ni Bella sa may soccer field, nakita ko siya kasama nila Apple papunta doon kaya hindi na ako pumunta, napagpasyahan ko na lang pumunta sa library at mag advance reading na lang sa mga lessons namin
Nakasalubong ko naman si Elia na kasama ang boyfriend na si Greg, naka akbay siya sa nobya niya na pero parang naiiyak na si Elia, hindi nga nila ako napansin na dumaan, nag kibit balikat na lamang ako doon, pagpasok ko sa library nakita ko agad si sir Calvin na mukhang malalim ang iniisip at tila ba balisa ito ngunit ng nakita naman niya ako agad naman niya ako ningitian at tumayo sabay labas mula sa library
Ang sabi ko mag aadvance reading ako, pero walang pumapasok sa utak ko, naalala ko kasi ang mga sinabi ni Bella sa akin, at nanghihinayang din sa friendship na nasira dahil sa kalandian ko, hindi ko naman talaga sukat akalain na sa daddy niya pa ako maiinlove.
YOU ARE READING
LEAF OF FAITH
RomansaAnong gagawin mo kapag na in love ka sa daddy ng iyong best friend? Ito ang tanong ni Reize sa kanyang sarili. Lalo pa hindi ito ang goal niya sa buhay, not until she met Nic. He is caring, loving and everything she ever hope as a boyfriend, but as...
