Kabanata XXI

1.4K 23 0
                                        


Tinitignan ni Nic ang mga grades ko habang naka pila kami sa registrar's office, hindi ko din mapigilan na mapansin ang tao na napapatingin sa amin dalawa, simula kasi ng nanalo ako sa Ms. Intramurals marami na ang mga tao kumakaway at bumabati sa akin kahit hindi ko naman sila kilala.

Nakikita ko din ang pag ka curious sa kanilang mata sa lalaking kasama ko, at buti na lang talaga maaga kami pumunta dito ni Nic kaya konti pa ang mga tao at wala pa yung mga talaga kilala ko

"Your grades are really impressive ha,deserve mo talaga ang full scholarship mo" aniya habang nakatingin pa din sa papel kung nasaan ang grades ko

"Thanks, alam mo naman na talaga nag pupursige ako para kay mama, you know I have lots of dreams for her" sagot ko naman, ngumiti naman na sumulyap sa akin si Nic

"And I will make sure to support you on your dreams and your dreams for your mother" malambing niya sinabi sa akin, at napa blush pa ako sa sinabi niya, kinuha ko na din ang grades ni Bella sympre binigyan niya ako ng authorization letter ay mali, ako gumawa ng authorization letter at finorge ko ang signature niya!

Kailangan ko pa kunin yung ID niya sa locker niya! Buti na lang meron kaming duplicate sa mga lockers namin kaya nabuksan ko ang sa kanya. Ang gaga kasi mas inuna nag Hong Kong kesa kumuha ng grades at mag enroll!

Binalik ni Nic ang grades ko sa akin at yung grades naman ni Bella ang tinignan "Hmmm...mas mataas ang grades mo pero okay naman din ito grades niya hindi naman kayo nagkakalayo ng marka, you are really a good influence kay Bella" komento niya habang tinitignan ang grades ng anak niya

"Bella is intelligent no doubt about that, sa tindi ba naman ng screening ng accountancy every semester eh nakakayanan naman niya so she is really good" sagot ko naman, tumango naman si Nic at binigay na din ang grades ni Bella sa akin para maienroll ko na ang mga sarili namin, pareho ulit ang schedule namin since sabay nanaman kami naka enroll.

Tinawagan ko naman si Bella para ibalita ito, pero nagulat ako kasi naririnig ko na umuungol siya! Tangina naman katabi ko lang daddy niya eh! Kaya bahagya ako lumayo, buti na lang at hindi naman nag komento si Nic

"Ang halay Bella! Pwede naman huwag sagutin! Pokpok ka!" Singhal ko, tumawa naman siya at huminga ng malalim, narinig ko sa background si Raf tinatanong kung sino kausap niya, at sinagot naman niya

"Kunwari ka pa hindi mo ginagawa ito! Anyways ano tapos na? Naka enroll na ako? Yung grades ko?" Aniya at umungol nanaman ang hindot! Napapikit ako sa kagagahan ng aking kaibigan

"Oo tapos na lahat kamahalan sige bye!" Sinabi ko at pinatay ko agad ang cellphone ko, bago marinig ko nanaman ang pag ungol niya, pinicture ko na lang ang grades at schedule niya at sinend ko sa messenger niya.

"Done?" Biglang tanong ni Nic kaya napaangat ang tingin ko sa kanya, tumango at ngumiti na ako sa kanya nilahad niya ang kamay niya para hawakan ko, tumingin naman ako sa paligid kung may nakakakilala sa akin bago ko ito kinuha

"Kinakahiya mo ba ako?" Masungit niya sinabi ng nagsikop ang mga daliri namin

"Hindi naman pero sympre hindi pa alam ni Bella ang tungkol sa akin, ayoko naman marinig niya sa iba bago pa natin siya makuausap" pagpapaliwanag ko bumababa na kami sa admin building ng bigla bumukas ang isang classroom, napatigil pa kaming dalawa ng makita ko na si Sir Calvin at Elia ang lumabas doon.

"Good morning sir" napabati ako ng nagkatitigan kami, nakita ko naman na bahagya namilog ang mata ni Elia tahimik lang na nasa likod ni sir Calvin

"Good morning din Ms. Salguerro, naka enroll ka na?" Tanong niya sa akin, sumulyap ako kay Elia ngayon at kumunot ang noo ko, nakita ko meron siyang pasa sa gilid ng kanyang bibig at namumula pa ang mata niya halatang galing siya sa pagiyak

LEAF OF FAITHWhere stories live. Discover now