Kabanata XL

1.4K 20 0
                                        


Nagaayos kami ni Nic ngayon dito sa may bahay, darating na daw si mama, at gusto ko supresahin siya tungkol sa amin ni Nic, damang dama ko ang lungkot niya noon nagkahiwalay kami, parang anak na din kasi ang turing ni mama sa kanya kaya kung nasaktan ako sa nangyari alam ko nasaktan din siya

Hindi ko pa kasi sinasabi kay mama na nagkabalikan kami ni Nic, gusto ko kasi na sulitin ko muna ang mga araw na kami na muna nakakaalam, of course pwera sila Raf at Bella.

Nagtake out na lang kami ni Nic ng dinner namin, since maghapon kasi kami naglinis, kung magluluto pa ako baka matagalan pa kami, tumunog ang cellphone ko kaya tinignan ko ito

Ate Sarah: Malapit na kami ma'am

Ngumiti ako at sumenyas ako kay Nic na malapit na daw sila, tumango naman siya at agad siya pumunta sa kwarto ko, narinig ko ang tunog ng kotse sa labas kaya dali dali ko pinuntahan si mama at ate Sarah

"Mama" at nagmano ako sa kanya at sumulyap sa bagahe nila na binaba ng driver "ang dami naman niyan" turo ko

"Ah eh oo ang lolo mo kasi, ang daming binigay, hatian ko daw si Nic, eh hindi ko naman masabi sa kanila na wala na kayo" malungkot na sinabi ni mama, ngumiti na lamang ako at tinulungan ko sila ipasok ang mga gamit nila, ng naipasok namin lahat tinawag ko na sila para kumain

"Mama, ate Sarah tara bumili po ako ng dinner natin" yaya ko sa kanila, kaya sinundan na nila ako sa kusina

Nakita ko na umawang ang bibig ni mama sa mga pagkain na nakahanda, nilingon niya ako at sinabi ko umupo na sila at may kukunin lang ako sa kwarto, tumango naman siya at tinawag si ate Sarah para umupo na din. Iniwan ko sila nila mama doon at pumasok sa kwarto kung saan naka upo si Nic ngayon sa kama ko na nakahawak ng bulaklak

"Ready?" Ngiti ko sa kanya, tumango siya at tumayo, hinawakan ko ang palad niya at pinagsikop namin ang mga daliri namin, at lumabas ng kwarto, dinig na dinig namin ang kwentuhan nila ate Sarah habang papasok kami sa kusina

Bigla sila tumigil ng makita kaming dalawa hawak kamay na nakatayo ngayon sa harapan nila, si ate Sarah ay ngumiti lamang tila hindi nagulat na andito si Nic ngayon, si mama naman naka awang ang kanyang mga labi habang bumagsak ang kanyang tingin sa kamay namin ni Nic

"Welcome back tita" sambit ni Nic, binitawan niya ang kamay ko at pumunta kay mama para ibigay ang bulaklak at hinalikan sa pisngi nito, tinignan niya si Nic na tila ba isa itong apparisyon

"Mama ang mga langaw baka pumasok sa bibig mo" pagbibiro ko, agad tinikom ni mama ang kanyang bibig at bumaling sa akin

"Akala ko ba for good ka na sa Paris?" Tanong ni mama ng maka recover siya sa pagkagulat niya.

"Meron po kasi ako hindi maiwanan sa Pilipinas eh" sabay baling sa akin ni Nic at pinalupot niya ang kanyang kamay sa bewang ko. Tumawa naman si ate Sarah at umiling iling

"Si sir Nic parang teenager" pang aasar niya, siniko naman si mama si ate Sarah,tumawa lamang si Nic at hinila na ang upuan ko para maka upo na ako at tumabi naman siya sa akin

"Ikaw ba bumili ng mga ito?" Tanong ni mama ng matapos kami magdasal

"Opo, naglinis kasi si Reize ng buong bahay, kaya hindi na siya nakapagluto so we decided na mag take out na lanng, ayaw niyo po ba ng food? May gusto po ba kayo iba?" Magalang na tanong niya kay mama

Umiling naman si mama at kinuha ang kanin at naglagay sa plato niya "hindi ok nga mga ito eh, salamat ha!" Sagot ni mama. Tumango naman si Nic at naglagay na din ng pagkain sa pinggan ko.

Habang kumakain kami, nagkwekwento si mama sa mga ginawa niya sa probinsya, si ate Sarah gustong gusto niya dalhin ang mga anak niya pag babalik siya doon sa probinsya nila mama, presko daw ang hangin at sure maeenjoy daw ng mga anak niya doon

LEAF OF FAITHWhere stories live. Discover now