Kabanata XXXIV

83 3 1
                                    


"Ahhhhh ahhhh ahhhhh" sigaw ko at pinagsisipa ko ang lalaking nasa tabi ko ngayon, hanggang sa mahulog siya sa kama ko, kinuha ko agad ang kumot at binalot ko ang katawan ko at bumangon ako agad

"Sino ka?!" Umalingawngaw ang buong boses ko sa kwarto, feeling ko rinig hanggang kabilang barangay ang sigaw ko

"Uhh, Reize" aniya at bumangon siya mula sa kama at sinasapo ang ulo nito, namilog ako ng makita ko si Benj ito! Anong ginagawa niya dito? At paano siya nakapasok dito sa kwarto ko?! At bakit nasa tabi niya ako?! Tinignan ko ang mukha niya at meron siyang pasa sa gilid ng kanyang labi

"Anong nangyari sa'yo?!" Tanong ko at lumapit na ako, nakaupo na siya sa kama at hinihilot ang sentido niya

"Hindi ko din alam, kagabi pag hatid ko sa'yo nawalang ka ng malay ng buksan mo ang bahay niyo, tapos binuhat kita, bigla na lang may sumuntok sa akin, tapos hindi ko na alam, tapos sinipa mo pa ako"

"Eh bakit ba kasi dito ka natulog?! At sigurado ka na may sumuntok sa'yo dito sa bahay? Baka naman sa bar ka nakipag away!" Sabi ko, tinignan ko ang damit ko at ito pa ang damit ko ng pumunta kami sa bar, so hindi nga niya ako hinawakan

"Hindi ko nga alam paano tayo napunta dito sa loob ng kwarto mo, ni hindi nga kita nabuhat paloob kasi nga may sumuntok sa akin" tumayo siya at pumunta sa may salamin ko para tignan ang kanyang mukha

"Damn! Ganoon ba ako kalasing at hindi ko man alam na sinuntok na ako?" Mahinang tanong ni Benj sa sarili niya, nagbuntong hininga ako at hindi ko din alam ano talaga ang nangyari, hindi na talaga ako iinom, I always end up being dead drunk!

"Kuha lang ako ng first aid" sabi ko sa kanya, tumango lamang si Benj at lumabas na ako ng kwarto, paglabas ko napansin ko na nakabukas ang pintuan namin, kaya dali dali ako pumunta doon at pati ang gate nakabukas din!

Hindi ko alam pero bigla ako kinabahan, at chineck ang bahay wala naman mananakaw sa amin pero mahirap na din ang malooban, ang stupid namin dalawa ni Benj,natulog kami na nakabukas talaga ang bahay, at sino yung tao sumuntok sa kanya? Buti suntok lang ang inabot niya paano kung mas malala pa?!

Lumabas naman si Benj mula sa kwarto ko "Reize?" Tawag niya, agad ko kinuha yung first aid kit at pinuntahan siya

"Bakit lumabas ka na, hinintay mo na lang sana ako sa kwarto" sabi ko, tinuro ko yung couch namin at pinaupo ko siya doon

"Ang tagal mo kasi nainip ako" aniya, nagbuntong hininga ako at sinabi ko sa kanya na nakabukas ang gate at pinutan ng bahay buong gabi, kaya sinabi ko na chineck ko muna ang buong bahay

"Hah?! Paano?! Sorry talaga Reize hindi ko alam talaga ang nangyari, nakakahiya nga at tulog ako agad sa isang suntok" aniya habang kinakamot ang ulo niya

Kinuha ko na ang bulak ang nilagyan ng gamot at dinampi sa may gilid ng labi niya "ayos lang wala naman nawala sa bahay at wala naman nangyari sa atin dalawa, I mean wala naman nangyari sa akin, kasi nasuntok ka naman" sagot ko

Tumawa naman si Benj sa sinabi ko "langya talaga mukha may nangtrip sa akin, buti talaga walang nangyari masama sa'yo" at hinaplos niya ang aking mukha, nanigas naman ako agad sa ginawa niya at bahagya ko iniwas ang mukha ko

"Kaya nga at buti wala sila mananakaw sa bahay" pagtawa ko para mawala ang kaba sa ginawa in Benj sa akin, tumingin naman siya ng seryoso sa akin, and he cupped his palms on my face

"Hindi ko mapapatawad ang sarili ko Reize kapag may nangyari hindi maganda sa'yo" tinignan ko ang mata niya and he looked at me warmly, pero hindi siya nakakapaso katulad sa mga titig ni Nic sa akin, hindi ko nanamalayan unti unti lumalapit ang mga mukha namin sa isa't isa, napapikit ako as I remembered how Nic make my heart beats so fast.

LEAF OF FAITHWhere stories live. Discover now