Kabanata XLII

1.4K 17 3
                                        


Yung nangyari kagabi ay nasa utak ko pa din hanggang ngayon, busy kami nililibot ni Lucy pero ang aking utak busy din nagtataka, kaya everytime na bumababa kami hindi ko maiwasan ang tumingin sa likod ko, feeling ko kasi parang meron naka masid sa akin, or nagiging paranoid na ba ako?

Nasa picnic grove ulit kami nila mama, si ate Sarah naman first time niya dito, kaya panay ang selfie niya, natutuwa ako kasi sobrang close sila ni mama, sana next time madala din namin yung dalawang anak niya.

Bigla naman tumawag si Nic kaya lumayo ako bahagya kina mama at sinagot ko ito

"Kamusta? Nag eenjoy ba kayo?" Tanong niya sa akin, nakatingin ako kina mama na kumakain at nagkwekwentuhan silang tatlo

"Okay lang naman kami, andito kami sa picnic grove, naglulunch, ikaw kumain ka na ba?"

"Yes tapos na ako kumain, bakit kayo pumunta dyan? Diba naka punta na si tita dyan?" sabi na nga ba magtataka ito bakit andito kami

"Gusto niya bumalik eh, and besides first time din ni ate Sarah dito" sagot ko naman, narinig ko siya nag buntong hininga bago magsalita

"I wish kasama ako dyan" malungkot niya sinabi, hindi ko naman napigilan ang ngumiti, haist kung pwede ko lang siya hilahin ngayon dito eh

"Okay lang yan we understand, tsaka three days lang naman yan conference mo, mabilis lang matapos yan" I assured him.

The next day hindi ako sumama sa kanila dahil sinumpong ang aking dysmenorrhea, kaya sila mama at ate Sarah na lang ang nilibot ni ate Lucy, okay lang naman sa akin since nakailan ulit na din ako pumunta dito sa Tagaytay.

At buti na lang malamig dito, kasi mas masarap magpahinga while dealing with my dysmenorrhea, pag ganito pa naman ang gusto ko nakahiga lang at kumain pero wala akong lakas bumababa ngayon, pero kailangan ko ng hot compress kaya dahan dahan ako bumaba na naka palupot ang kumot sa katawan ko

May nakita ako hot water bottle at kinuha ko ito at agad ko nilagay sa puson ko, wala na ako lakas na tumaas kaya dito na lang ako sa may living room, humiga ako as I rest the water bottle sa abdomen ko, napahinga ako ng malalim ng maramdaman ko ang konting ginhawa at hindi nagtagal nakatulog ako

May naramdaman ako humalik sa noo ko kaya agad ko binuksan ang mata ko at nakita ko si Nic ito, naka dungaw na sa akin "hey" bulong ko at ngumiti ako habang umuupo ako

"Hey, beautiful," sagot niya, at tumabi sa akin, he brushed a stray hair away my face "kamusta? Masakit pa ba puson mo?" Tanong niya

"Not great," pag amin ko at napangiwi ako ng gumalaw ako para lumapit sa kanya "the cramps are really bad today"

"Kung pwede ko lang tanggalin yan sakit, I will do it baby" kinuha niya ang remote at nilagay niya sa Netflix at pumili ng movie "Let's get you comfortamble. Gagawa ako ng hot chocolate, anong gusto mo kainin?" aniya habang tinatanggal niya ang tie niya

Kumunot ang noo ko at tinignan ko ang oras, eleven pa lang ng umaga! Dapat nasa conference siya ngayon, bakit siya nandito? "Hey Nic, ayos lang ako dito, bumalik ka na doon sa conference mo"

Umiling naman siya at inakbayan ako "ng malaman ko na hindi ka sumama kina tita at sinabi nila masakit puson mo hindi ako makapakali doon, you are in pain alone kaya I am here to take care of you" malambing niya sinabi

Hinilig ko naman ang ulo ko sa dibdib niya "you don't need to, normal lang sa amin mga babae ito Nic, mas importante yung conference mo"

Hinawakan niya yung bottle water na medyo hindi na mainit at nilagay sa may puson ko "walang mas importante sa'yo and besides hindi naman masyado importante yung topic sa conference, natutunan ko na iyon noon nasa Paris ako, kaya no worries okay?"

LEAF OF FAITHWhere stories live. Discover now