Wala na ako nagawa ng ihatid kami ni Bella at tita Irene sa kotse ni Nic."Happy Birthday ulit anak, I hope you like my gift, kaw na bahala sa tito Shawn mo" sabi niya kay Bella, tumingin naman si Bella sa akin at nag smirk, umiling ako sympre ang gaga gustong gusto niya na maiwan si Raf pa dito
"Yes daddy, ikaw na din bahala kay Reize ha! Let us both take care each other best friends" masaya niya sinambit at niyakap na ang daddy niya.
Kung alam mo lang Bella, he does more than taking care of me!
"Irene" sumulyap si Nic sa mommy ni Bella
"Thanks for coming Nico" tipid na sinabi ni tita sa kanya, tumango lamang ito sa kanya at tumingin naman sa akin si tita
"I am sorry Reize for everything, please huwag mo isipin na ganoon din ang iniisip namin sa'yo, ate Irina went overboard tonight, hindi ko alam ano talaga problema niya, I will talk to her I promise" at niyakap na ako ni tita
"It's alright tita ayoko naman na kayong dalawa ang mag away pa" at kumalas na ako ng yakap at pinisil niya ang aking kamay
"No I don't tolerate those kind of behavior, sige ingat kayo ni Nico, pakamusta mo na lang ako sa mama mo" binuksan naman ni Nic ang front seat at sumakay na ako, pinaandar na ni Nic ang sasakyan at kumaway ang mag ina sa amin habang papalayo na kami.
Pareho kami tahimik ni Nic sa sasakyan niya, umimik lang ako ng mapansin ko iba ang tinatahak namin daan.
"Nic hindi ito ang daan papunta sa amin" sabi ko sa kanya
"Sa akin ka uuwi ngayon, maguusap tayo" he firmly said, pero hindi ako nagpatinag
"Pero walang kasama si mama sa bahay alam mo naman na bawal na wala siyang kasama diba?!"
Tumingin lang sa akin si Nic at binunot niya ang cellphone niya, meron siya pinidot sa may stereo niya at narinig ko na may tinatawagan na siya
"Sarah...kamusta si tita Anne?" Sabi niya ng sagutin ang caregiver yung tawag niya
"Tulog na po sir, hinihintay ko na lang si ma'am Reize po" narinig ko na sagot niya since naka bluetooth yung tawag
"It is okay na dyan ka na muna matulog? Kasama ko si Reize right now may paguusapan lang kami" sagot naman niya, nagbuntong hininga ako at tumingin na lang sa bintana ng kotse niya
"Ah..okay lang sir, wala din naman mga anak ko nakabakasyon sila sa probinsya ilan araw po ba?" tanong naman ni ate Sarah, tumingi ako kay Nic para pakinggan ko ang sagot niya
"Hindi ko alam Sarah, pero three days maximum..uhm paki sabi na din kay tita Anne, pero don't worry tatawagan ko din siya"
Namilog ang mata ko sa sagot ni Nic, ano ba talaga ang paguusapan namin at bakit aabot yun ng three days?! Hindi padin siya nagsalita after ng tawag na iyon, kaya hindi na din ako umimik pa, kahit paakyat na kami sa room niya wala pa din kaming imik na dalawa.
Binuksan niya ang pintuan ng kwarto niya at hinintay niya ako na mauna pumasok, kaya pumasok na ako at sumunod naman siya at agad ni lock ang kwarto, umupo naman ako sa gilid ng kama niya, my heart racing as I watched him move about the room.
Tinanggal niya ang kanyang mga damit, at pumasok agad sa banyo niya, naririnig ko ang ang shower niya mula dito kaya huminga ako ng malalim at tumingin na din ng damit sa closet at ng lumabas siya sa banyo sumunod naman ako agad.
I turned on the warm shower and steam immediately swirled around me in think, fragrant clouds, the warm water cascading over my body like a gentle embrace. Pinikit ko ang aking mga mata, at hiniyaan ko na umagos ang tubig sa katawan ko na tila ba inaalis niya lahat ng masasamang nangyari ngayon araw

YOU ARE READING
LEAF OF FAITH
RomanceAnong gagawin mo kapag na in love ka sa daddy ng iyong best friend? Ito ang tanong ni Reize sa kanyang sarili. Lalo pa hindi ito ang goal niya sa buhay, not until she met Nic. He is caring, loving and everything she ever hope as a boyfriend, but as...