Kabanat XXVIII

1.3K 21 0
                                        


Sakto kumatok si Bella ay maayos na maayos na ako na tila ba walang nangyari kanina, tinawag na kami para magdinner, at sinundan namin si Bella palabas. Tumabi si Bella sa left side ni tita, at si Nic sa right side naman, no choice na din ako tumabi kay Nic dahil iyon lang naman ang available sit na may plato at si tita naman sa center table

"Kain na tayo, ito Nico diba favorite mo ang sinigang na hipon, bumili din ako ng crispy pata at laing, lahat yan paborito mo right?" Malambing na sinabi ni tita, sinadukan niya ng kanin si Nic at nagkatinginan kami ni Bella sa ginawa ni tita ngayon

Hindi naman pinigilan ni Nic si tita at hinayaan niya maglagay ng pagkain sa plato niya, pero ramdam na ramdam ko ang mga palad niya sa hita ko, gusto ko sana siya suwayin pero baka mahalata kami ni tita

"Kain na din kayo Bella, Reize. Ito anak bigyan mo si Reize ng kare - kare, masarap iyan isa din sa paboritong ulam ng tito Nico mo" at inabot niya ang mangkong kay Bella na siya naman binigay sa akin

"Salamat po tita, dami mo naman paboritong ulam tito" sabi ko naman, ngumiti si tita sa akin at tumawa

"Ay sinabi mo pa, dati tandang tanda ko pa talaga inaral ko ang mag luto ng kare - kare kasi isa sa paboritong ulam ni Nico iyon, naalala mo iyon?" At hinawakan ni tita ang kamay ni Nic, nagkatinginan muli kami ni Bella, na napainom na sa kanyang baso

"Matagal na iyon Irene, iba na ang paborito ko ngayon" sagot niya habang sumusubo niya

"Huh hindi mo na paborito ang mga nakahain ngayon?" Malungkot na sinambit ni tita Iren at tinuro niya ang mga pagkain nakahain ngayon sa lamesa

Umiling naman si Nic "Hindi naman sa ganoon, gusto ko pa din ang mga ito, pero paborito ko na ngayon ang kwek - kwek, kikiam, fishballs at pares" napasulyap naman ako sa sinabi ni Nic at tumingin din siya sa akin, hindi ko sukat akalain na sasabihin niya ito ngayon

"Huh? What are those? Street foods? Kumakain ka na ngayon ng ganyan? Ni taho nga sa kanto noon hindi mo pinapansin" pagtataka na sagot ni tita, tumingin naman ako kay Bella at nakita ko ang mga ngiti sa labi niya at tinapik ang balikat ng mommy niya

"Ayaw mo iyon mom, normal na tao na si dad" paglalambing niya sa nanay niya, tumawa naman si Nic at tumingin sa anak niya

"Anong akala mo sa aking abnormal?" Ganito din ang sinabi niya sa akin noon, napangiti na lamang ako sa sinabi ni Nic

"Pero seriously Nico kumakain na ng street foods? Saan mo natutunan iyan?" Kitang kita ko ang pagkamangha at the same time yung curiosity sa mukh niya

"Ayun kasi ang mga hilig ng girlfriend ko lalo na iyon pares, meron kami pinupuntahan na paresan na sobrang sarap, you should try it Irene" sambit ni Nic, patago ko siya siniko sa sinabi niya bakit niya pa ito sinasabi, alam naman niya masasaktan si tita

Nakita ko nag buntong hininga si tita, at pinagpatuloy nila ang pagkain niya at hindi niya na kinausap si Nic, samantala si Bella masaya naman nakikipagkwentuhan sa daddy niya. Ng matapos kami mag dinner hinatid namin si Nic sa kanyang kotse

"Daddy magdidinner ka ba ulit dito bukas?" Tanong ni Bella at alam ko naalala niya iyong sinabi ng daddy niya na dadalhin niya si Raf

"Monday bukas eh, so baka hindi I'll try sa weekends" tumingin siya sa akin "pero it depends" depende kasi kapag papasok ako tuwing weekdays kina engineer Prieto, pero ngayon parang straight na muna ako papasok para kahit papaano hindi masyado makapunta si Nic dito sa bahay nila Bella, hindi naman sa ayaw ko pero hindi kasi nakakaya ang konsensya ko na naglilihim ako kay tita habang pinapakain niya ako.

"Pero daddy you promise" pagmamaktol ni Bella, tumawa naman si tita sa inasal ng anak niya

"Parang nagiging clingy ka na sa daddy mo Bella ah, remember he has companies to managed" pagpapaalala ni tita sa kanya, pero alam ko hindi naman talaga ang daddy niya ang habol ng hindot kong best friend eh, kundi yung best friend ng daddy niya!

LEAF OF FAITHWhere stories live. Discover now