Kabanata XLV

97 1 1
                                    


Nic was very cautious na iwanan ako ng mga sumunod na araw, para siya pa ang trauma sa nangyari sa akin, I assured him that everything is fine, I never heard anything about tita Irene, wala din alam si Bella sa nangyari, so I think hindi din sinabi ni tita sa kanya.

Nakabalik na din ako sa bahay, since dumating na din si mama, buti na lang naghilom ang mga sugat ko bago siya dumating, patapos na din ang semester and isang semester na lang makakagraduate na ako, pero mas excited pa si Nic kesa sa akin

"You know why I am excited?" tanong niya sa akin one time habang naglalakad na kami sa lobby ni engineer Prieto, last day ko na ng OJT dito since na complete ko na yung hours ko, hihintayin ko na lang ang completion certificate ko.

"Tell me why" malambing ko sinabi sa kanya, napansin ko since nalaman na ni tita Irene ang tungkol sa amin mas naging open ako maging intimate kay Nic in public.

"Because I can marry you na baby, I really can't wait the day na hindi ko na kailangan ihatid ka at sunduin ka sa bahay niyo" seryoso at malambing niya sinabi sa akin, and I can't help but to feel excited sa future namin ni Nic.

Despite everything happened between us, andito pa din kami magkasama at masaya, alam ko naman na hindi maiiwasan ang magkakaroon kami ng problema along the way pero alam ko malalagpasan naman ito basta magkasama kami

I never heard about tita Irene after what happened, hindi ko alam kung andito pa siya sa Pilipinas or what, pero hindi na naman kami ginulo ni Nic, masaya ako habang hinihintay ko si Nic dito sa school katatapos ko lang mag enroll para sa second semester, and based sa sinabi ng dean namin if tuloy tuloy yung maganda kong grades I can graduate with latin honors

Grabe hindi ko akalain makakayaanan ko pagsabayin ang studies ko at love life ko, I thought before that having a boyfriend will be a distraction on my part, pero hindi ko namalayan na naging motivation ko pa ito para lalo mag pursige, kasi somehow I wanted na pantayan si Nic para naman kahit papaano I am not left behind, hindi naman sa naiinsecure ako sa status namin, I just wanted to make sure that aside from my mother I can also make him proud.

Biglang tumunog ang phone ko habang palabas na ako ng office, naka ngiti ako kinuha ito dahil alam ko si Nic ito at hinihintay na ako sa labas, pero laking gulat ko at si tita Irene ito

Tita Irene Higuera: Hello Reize, I want to apologize on what I did to you, gusto ko sana to ask an apology in person pero ayaw ni Nico, he doesn't like me to come near you, kaya nag text na lang ako sa'yo. Please come at our house, let's have dinner by Friday kayong dalawa ni Nico para malaman niyo how sorry I am Reize.

Pinakita ko agad kay Nic yung text ni tita, nagulat ako at binura niya ito at binalik sa akin ang cellphone ko na nakasimangot "No, tapos ka na niya sinaktan Reize wala na tayong paguusapan na tatlo"

"But Nic she is asking an apology, maybe that dinner thing will put an closure sa atin tatlo" I really wanted to go, ayaw ko naman na ganoon na lang kami magtatapos ni tita

"Reize please baby ayoko na magkaroon ng ugnayan kay Irene, enough with this talk hindi tayo pupunta" sabi niya with his voice full of authority, nag pabuntong hininga ako at hindi na ako nakapagtalo pa, pero I will still go with or without Nic, kaya ng maihatid ako ni Nic sa bahay agad ako sumagot kay tita Irene

Me: Hello tita, sige po punta ako sa bahay niyo sa Friday, pero po ako lang po makakapunta, sorry po talaga tita

Tita Irene Higuera: It's okay Reize, masaya ako at napaunlakan mo ako, see you then

When Friday came, hindi ko sinabi ni Nic na pupunta ako, akala niya mag oovertime lang ako sa work ko. Pagdating ko sa bahay nila tita Irene agad ako sinalubong ni tita, she is all smiles as she hugged me so tight, all her warmth and friendliness ay bumalik parang walang nangyari hindi maganda sa amin, and to be honest I am liking this one.

LEAF OF FAITHWhere stories live. Discover now