Kabanata VII

1.8K 20 0
                                        


"Yan ganyan" sabi ko kay Nic habang inaayos ko ang kanyang cap "mukha ka ng normal na tao" sabi ko while I smoothen his shirt

"Makasalita ka naman ng normal na tao para naman abnormal ako ah" pagmamaktol niya, tumawa naman ako at hinalikan ko ang pisngi niya at akma ko na ilalayo ang mukha ko pero hinila niya ang ulo ko at siniil niya ang labi ko ng halik.

Sinadya ko na pagsuotin ko siya ng simpleng damit at cap para hindi siya ma out of place, pero ang hirap mag hanap ng simpleng damit para sa kanya feeling ko kasi kahit naka khaki shorts at shirt lang siya ngayon out of place padin siya paano ba naman kasi lahat ng damit niya branded. It screams classic simple elegance

Bumaba na kami sa condo niya at tumawid sa kabilang kalsada para pumara ng jeep, may mga thirty minutes din namin pinagtalunan ito, bakit daw hindi pwede gamitin ang sasakyan sa palengke eh mga ibang tao dinadala naman nila ang sasakyan nila bakit daw siya hindi pwede

Sympre meron ka ba nakikitang Audi nakapark sa gilid ng palengke, of course wala! Mamaya mapag trip'n pa ng mga masasamang loob ang sasakyan niya, alas singko pa lang pero marami na din kami nag aabang ng jeep, napapatingin ang kababaihan sa katabi ko kahit nakasimangot pa ito, paano ba naman kahit napaka simple na ang get up niya agaw pansin pa din ito

Pumara ako ng jeep ng makita ako na may paparating, at ganoon din ang ginawa ng mga kasabayan namin, kinalibit ako ni Nic at at bumulong sa akin

"Ano ang ginagawa niyo?" Seryosong tanong niya habang tinitignan ang mga kamay namin na pumapara

"Tumatawag ng jeep?" sagot ko naman, kumunot ang noo niya at magsasalita pa sana ngunit hinila ko na siya para makasakay kami buti na lang at naunahan namin ang mga tao na umupo sa harap, inakyat ko ang jeep at tumingin sa likod ko. Nakatayo lang si Nic at naka cross ang kamay niya his dark gaze roam around the jeep

"Ineng sasakay ba yan boyfriend mo? Kasi papaandar ko na ito kung hindi" sabi ni manong driver, tumingin ako pabalik kay Nic at hinila ko ang kamay

"Huy! Sakay na what are you waiting for?" Sabi ko, nagbuntong hininga siya at sumakay naman ito, akala ko pati ito pagtatalunan pa namin, ng makaupo siya pinadausdos niya ang kamay niya sa aking bewang at bumulong ito

"Masyado ka malapit kay manong" at hinila niya ako palapit sa katawan niya, halos nakapatong na aking balikat sa kanyang dibdib tumingin ako sa kanya at kinurot ko ang ilong niya

"Bakit ka nakasimangot, smile ka nga dyan" sabi ko hinawi niya ang kamay ko pero hindi niya ito binitawan bagkus pinagsikop niya ang aming mga daliri. Nagliyab naman agad ang puso ko, ramdam na ramdam ko ang pag tibok ng puso nito at gumagalaw nanaman ang mga paru paro sa tyan ko

"Magkano ba kung aarkilahin natin tong jeep? Kung gusto mo sumakay pala ng ganito dapat sinabihan mo ako para bumili ako" masungit niya sinabi, pinikit ko ang mata ko at sinadal ko ang ulo ko sa dibdib niya, grabe akala niya kaya ayaw ko pagamit ang sasakyan niya dahil gusto ko lang mag jeep!

"Alam ko afford mo bumili, pero ano ka ba hindi mo need bumili! Naku magbayad ka na nga lang pamasahe" ang hirap din mag explain sa kanya eh! Binitawan niya ang kamay ko na hawak niya at bumunot siya ng isang libo sa kanyang wallet

"Wala ka ba smaller bills dyan?" Sabi ko sa kanya nahihiya pa ako kay manong na kanina pa nakikinig sa usapan namin, tumingin nanaman ng masama sa akin si Nic, haist kahit ganito ang itsura niya napaka gwapo pa din

"I don't keep change" masungit nanaman na sinabi niya huminga ako ng malalim at kinuha ko ang coin purse ko buti na lang at dinala ko ito at binunot ko ang fifty pesos

"What are you doing?!" sabay hablot ng coin purse at yung fifty pesos mula sa kamay ko at binigay ang isang kibo kay manong "bayad po keep the change!" masungit niya sinabi at binalik ang fifty pesos sa wallet ko at binigay sa akin ang coin purse ko

LEAF OF FAITHWhere stories live. Discover now