"Gosh Reize, hindi ko alam..pero wala naman pa sinasabi sa akin si mommy, knowing her agad siya magtatanong sa akin" saad ni Bella, naka video call kami ngayon katatapos ko lang mag enroll, ng finorward ko yung email sa kanya agad niya ako tinawagan"Sorry Bella, pero siya lang ang naiisip ko kasi" kinagat ko ang labi ko dahil nakokonsensya ako na paratangan si tita Irene.
Nagbuntong hininga si Bella at tumingin ng seryoso sa akin "No worries Reize, siguro si mommy din ang iisipin ko agad kung ako ang nasa sitwasyon mo, sinabi mo ba kay daddy tungkol sa email?" tanong niya
Umiling ako at bumuga ng hangin "Hindi, and wala ako balak sabihin sa kanya, ayaw ko mag over react daddy mo, it is just a nuisance email from an insecure person, hindi na importante iyon"
"Hmmm sabagay, sana talaga hindi si mommy, baka meron crazy ex or meron patay na patay na iba kay dad at insitalk kayo, mahirap yan Reize, so you need to be careful. I'll try to talk to mom tignan ko kung may alam siya at hindi niya lang sinasabi sa akin" aniya
"Thanks for the concern Bella, and I am sorry talaga kung pinagdududahan ko si tita Irene" malungkot ko sinambit, as much as I don't want to think negatively kay tita but I can't help it.
"I am sorry Reize na naexperience mo iyan right after nag propose si dad sa'yo" nasabi ko na din kasi na nagpropose na ang daddy niya sa akin. She was so happy, and gustong gusto niya ako yakapin but she is miles and miles away
Ngumiti naman ako ng maalala ko paano siya nag propose, it was simple nothing grand but that's all I ever wanted "Dapat andito ka sa kasal namin ha, kundi walang ikakasal" masungit ko sinabi, para ma divert na ang topic namin
Tumawa naman si Bella at tumango "Opo, and after naman ng graduation mo right? So matagal pa, and by that time sisiguraduhin ko uuwi talaga ako" pangako ni Bella "patingin nga ulit yung singsing mo" aniya
Tinaas ko ang kamay ko at hinarap ko sa kanya, isa itong gold band princess cut diamond ring, sa palibot nito ay maliit na diamonds. Simple ngumit elegante ito.
"Ang ganda grabe hindi ko aakalain na ang ganda ng taste ni daddy" tumawa si Bella at binaba ko na ang aking kamay, namiss ko yung tawa niya, and alam ko kung andito siya hinahaplos haplos na niya ang aking sing sing.
Tumingin ako kay Bella ng seryoso at hindi ko mapigilan ang lumuha, pag mga ganitong panahon ineenroll ko na siya, pero ngayon ako lang ang nag eenroll, we've dream before na sabay kami mag gragraduate ng college pero hindi mo talaga hawak ang mga maaring mangyari.
Sa next school year na niya tatapusin ang pag aaral niya, at sabi niya sa abroad niya na tatapusin ito, need lang niya icheck kung ano ang mga subjects ang pwede niya macacarry over, alam niyo naman iba ang educational system ng mga ibang bansa compare sa atin.
She also need to take a break from school because she need to do something very important in her life, and I am so proud of her for prioritizing it over anything else.
"I miss you Bella, mas masaya siguro kami ni Nic kapag andito ka, ingat ka lagi dyan ha! Huwag mo pabayaan sarili mo, sabihan ko si Nic na bisitahin ka dyan" sambit ko habang pinupunasan ang mga panibagong luha ko
Suminghot din si Bella at tumango "I miss you too Reize, miss ko na kayong lahat" sambit niya. I don't know kung kasama si Raf doon, pero ever since umalis na ng bansa si Bella hindi na namin pinagusapan si Raf, according to Nic nasa Paris siya and currently handling their business, baka nga pupunta sa Nic sa Paris din to check on it too, pero sinugurado niya na isasama niya ako if ever
"Oh sige na andito na ang kotse ng daddy mo, I love you Bella, see you soon" sambit ko
"I love you too Reize! Ingat kayo dyan ha, balitaan kita tungkol kay mommy, and gusto ko baby brother ha!" Pang aasar niya sa akin

YOU ARE READING
LEAF OF FAITH
RomanceAnong gagawin mo kapag na in love ka sa daddy ng iyong best friend? Ito ang tanong ni Reize sa kanyang sarili. Lalo pa hindi ito ang goal niya sa buhay, not until she met Nic. He is caring, loving and everything she ever hope as a boyfriend, but as...