Titig na titig ako sa chat niya, andito ba siya? Paano niya nalaman na nanalo ako eh hindi ko pa naman sinasabi kaya dali dali ako nag replyAurelia Maize Salguerro: How did you know? You are here?
Nicholas Bojorquez: I watched it live, sa school page niyo
Nagbuntong hininga ako, all my hopes seeing him now immediately vanished, akala ko pa naman andito siya. Pero bakit hindi ko naisip iyon? Oo nga pala digital age na ngayon kaya natural napanood niya iyon, pero grabe naman ah napagtyagaan niya pinanood iyon?
Aurelia Maize Salguerro: I appreciate you watching it! It means a lot to me! Thank you so much!
Nicholas Bojorquez: Yeah I love every bits of it, most especially every time you come out on the stage na, well except for the talent portion, diba si Justin ang gumawa yung kanta?
Huminga ako ng malalim, katulad ko alam ko napansin niya din yung lyrics ng kanta
Aurelia Maize Salguerro: yeah he did
Nicholas Bojorquez: no wonder you did not get best in talent
I smile, naiimagine ko nanaman yung pangmamaktol niya na mukha haist ang sarap sarap siguro kurutin ang pisngi niya
Aurelia Maize Salguerro: grabe ka huh! Buti nga nanalo ako
Nicholas Bojorquez: of course you do, you are the best among the rest, I can't wait to celebrate your victory! I miss you
Aurelia Maize Salguerro: I miss you too, come home na!
Nicholas Bojorquez: Yes maam, see you!
Ngumiti ako ng ibaba ko ang cellphone ko, nakita ko naman nakatingin ng nakakaloka si Bella sa akin, nag make face na lang ako sa kanya kaya tinawanan niya lang ako. Dumating kami sa bahay nila at nagulat ako ay naka handa na pala ang victory party ko dito, grabe makahanda naman sila parang Ms. Universe ang sinalihan ko!
Meron pa banner na nakasabit na nagsasabi: CONGRATS REIZE OUR MS INTRAMURALS!
"Tita Irene, Bella grabe thank you so much, kayo na nga nag sponsor sa akin sa search tapos may pa victory party pa!" Sabi ko sa kanila
"So madame Bella ang bonus namin ha! Nanalo po si maam Reize!" Sabi ng bakla na tumatawa
"Sige sige meron iyan! Basta lahat tayo magsasaya ngayon ha!" Sigaw ni Bella na kinatuwa naman ng lahat, we partied all night long, si mama kahit hindi naman sanay sa ingay at gulo ay nakisabayan naman and I can see na masaya naman siya habang kinakausap si tita Irene.
May mga ibang block mates namin ang sumama din sa amin, talaga pinaghandaan nila tita Irene at Bella itong party na ito. Habang busy ako tumitingin sa mga foods, biglang lumapit si Astrid at Apple sa akin.
Nilalaro nila yung red cup nila sa kanilang kamay at bumulong sila sa akin "who is that guy na kausap ng mama mo Reize?" Bulong ni Astrid sa akin, tumingin ako sa kanila at tinuro naman ni Apple doon sa pool area nila Bella kung nasaan si mama kausap nila Justin at Mark, si Julia naman tahimik lang sa tabi ng kuya niya kumakain
"Ah that's Justin kasama ko sa work" sabi ko habang tumingin na din kina mama
"And the guy beside him?" Tanong naman ni Apple
"Oh kasama din namin sa work pero hindi ako close sa kanya that's Mark, they are both engineering students from other school" I nonchalantly said, tumili ang dalawa sa akin na tila ba kilig na kilig
"You did not say you have a hot guys as a friend Reize!" Siniko ako ni Apple habang sinasabi niya ito sa akin, bigla naman tumingi si Justin sa amin at kumaway sa akin, pero ang kumaway pabalik ang mga dalawang ka block mates ko.

YOU ARE READING
LEAF OF FAITH
RomanceAnong gagawin mo kapag na in love ka sa daddy ng iyong best friend? Ito ang tanong ni Reize sa kanyang sarili. Lalo pa hindi ito ang goal niya sa buhay, not until she met Nic. He is caring, loving and everything she ever hope as a boyfriend, but as...