"Reize anak andyan na si Bella" sigaw ni mama at bigla siya umubo, kaya dali dali ako lumbas ng kwarto para daluhan siyaNasa labas siya ng pintuan ko at patuloy na umuubo "Ma, tatlong araw na iyan ubo mo, pacheck up na tayo" saad ko habang inaalalayan ko siya umupo sa sala namin.
"Ano ka ba anak ubo lang ito, may gamot naman ako dyan huwag ka mag aalala sa akin ang isipin mo lang iyan pag aaral mo" saad niya. Tinignan ko naman siya mabuti at umubo ulit ito kaya pumunta na ako sa kusina upang kumuha ng tubig niya at binigay ko sa kanya
Uminom siya at pinunasan niya ang kanyang bibig "sige na anak pasok ko na hinihintay ka na ni Bella sa labas" tinuro niya ang pintuan namin at tumango ako
"Sige ma pero pag hindi pa iyan gumaling pa check up tayo ha" sabi ko hinalikan ko na siya para makapasok na ako sa school namin.
Second year college na ako sa kursong accountancy, kahit na hirap kami ni mama sa buhay pinagsisikap niya na itaguyod ako, simula kasi namatay si papa noon ten years old ako, kaming dalawa na ni mama ang magkasama sa buhay.
Nag aaral ako sa isa sa mga mamahalin at sikat na unibersidad, swerte ako at nakakuha ako ng full scholarship pero sympre kailangan ko pa din ng pera para sa mga projects at sa baon ko
Binuksan ko ang back door ng sasakyan nila Bella, she is my best friend since high school, mayaman ang pamilya niya her mother is a renowned interior designer and her dad owned the largest and biggest IT company in the country, at the same time he also have a company abroad pero ayon sa kanya matagal na hiwalay ang mga magulang niya
"Hello Reize! Gosh I miss you!" Sabi niya sa akin at hinila niya na ako para yakapin, she looked so good as well
"Saya natin ah, ayos ba ang bakasyon mo?" Tanong ko sa kanya, ngumiti siya at tinuro niya ang mga paper bag sa likod namin
"Of course dad was so cool as always, and I brought you some pasalubong" aniya. Every summer kasi, kinukuha siya ng daddy niya kung nasaan siya para makasama niya si Bella, this summer sa Paris siya nagbakasyon since andoon ang dad niya
"Thank you hindi ka na sana nag abala, mukhang madami iyan ah" ngumiti ako habang tinignan ko ang mga pasalubong niya
"Konti lang yan nuh" finlip niya ang hair niya at hinila niya ang mga kamay ko "guess what?"
Tinaas ko ang kilay ko at alam ko na ang sasabihin nito "you meet a hot Parisian guy?" Tanong ko sa kanya. Hinampas niya ang kamay niya sa braso ko at tumili tili
"Oh you know me talaga Reize! Yes I met someone but not Parisian, his half pinoy but 100% pinoy at heart" at tumili nanaman siya na parang kilig na kilig
I know her if she wanted someone, she will not stop at nothing just to be close to that one, I don't know kung dahil spoiled siya both sa parents niya kaya ganoon ang ugali niya pero despite it she is still down to earth and very kind
"Hay naku makakalimutan mo din niyan pag nakita mo ang mga new students ngayon" sabi ko sa kanya, papasok na kami sa school namin at pinark na ng driver niya ang sasakyan nila. Pareho kami ng kurso ni Bella at pareho din kami ng schedule kaya talaga lagi kami magkasama
"No besh! Iba itong guy na ito, hmmm basta he is so mysterious and para bang ang hirap ko siya makuha, well I am up to challenge naman!" Aniya at pinulupot niya ang kanyang kamay sa akin braso
"Wow, I can't believe it the mighty Ms. Higuera is up to a challenge when it comes to boys!" Saad ko, siniko naman niya ako at tumawa siya
"Eh ikaw? Kailan ka mag boboyfriend? Paalala ko nag birthday ka last month, hindi ka na teenager! You are twenty na, wala ka pa experience! Baka kalawang na ang mga labi mo bago ka magkaroon" sabi niya, pumasok na kami sa kwarto namin at wala pa ang professor namin kaya tuloy pa din ang chikahan namin ni Bella

YOU ARE READING
LEAF OF FAITH
Roman d'amourAnong gagawin mo kapag na in love ka sa daddy ng iyong best friend? Ito ang tanong ni Reize sa kanyang sarili. Lalo pa hindi ito ang goal niya sa buhay, not until she met Nic. He is caring, loving and everything she ever hope as a boyfriend, but as...