Kabanata XXIV

631 9 0
                                    


Habang nagiinuman sila Nic, yung dalawang driver namin nag simulan na sila sindihan ang mga kahoy na sinibak ni Nic kanina, nakita ko din na basang basa si tito Gerald, tito William at si lolo at may bitbit silang mga isda

Lumapit naman ako sa kanila para tumulong "ito apo linisan mo ang mga isda, hinuli namin niyan ng mga tito mo" pagmamayabang ni lolo.

Tumayo naman si Nic, nakita ko na namumula na ang kanyang mga balat "tulungan ko na po si Reize" aniya, pero pinigilan siya ni lolo

"Hayaan mo na ang apo ko sanay na yan, buti pa itagay mo na muna ulit, ito oh" at binigyan ni lolo ng shot glass si Nic, tumingin ako sa lamesa nila at nakita ko na lambanog ang iniinom nila! Hindi sanay si Nic sa ganyan!

"Lo hinay hinay po" pag aalala ko habang pinapanood si Nic na tumagay, tumawa naman si lolo at tinapik ang balikat ko

"Minsan lang ito apo, tsaka ngayon lang daw nakainom si Nic ng lambanog kaya pagbigyan mo na" malambing na sinabi niya sa akin. Nagbuntong hininga ako at wala na magawa

Kaya kinuha ko na lang ang nga hinuli nila lolo na isda, at pumunta na ako sa may ilog para malinisan ang mga ito. Hindi nagtagal sinundan ako ni Nic at tumabi sa akin

"Baby, sorry kung umiinom ako ngayon ha, hindi ko matinggahan ang lolo at mga tito mo eh" sabay kamot niya ng kanyang batok

"Okay lang Nic pero dahan dahan lang ha! Malakas uminom sila tito at lolo kaya huwag na huwag ka makikipagsabayan" sabi ko habang nililinisan ko yung isda

"Yes maam" sagot niya at tinignan ko naman siya at napairap ako, tumawa naman siya at kumuha ng isang pirasong isda "turuan mo na lang ako paano maglinis nito" aniya

"Sigurado ka? Hindi ka sanay Nic" sagot ko sa kanya, ngumisi siya at kinurot ang pisngi ko

"I want to experience everything with you Reize, kung lahat ng kiss, holding hands, making love all of that ako ang first mo, gusto ko ikaw din ang kasama ko sa mga first time ko like this cleaning a fish in a river, simple man pero mahalaga sa akin kasi first time ko gagawin at ikaw pa kasama ko"

Hindi ko naman napigilan kiligin sa sinabi niya, hindi ko inexpect na ganoon ang iniisip niya, sabagay marami din naman ako pinaranas sa kanya na sinabi niya first time niya na din nagawa, and I can't help to smile thinking about it, kaya pumayag na ako sa gusto niya at tinuruan ko siya paano maglinis ng isda, na kahit mas lalo pa ako natagalan dahil tinatama ko siya pero nag enjoy naman ako.

Tinulungan niya din ako ihawin ang mga ito, habang inaabutan siya nila tito ng shot niya, binigay na din ni lola yung liempo at hotdog na iihawin din namin. Pinupunasan naman ni Nic ang pawis ko sa leeg at noo ko habang pinapaypayan ko ang mga iniihaw ko.

"Aba Nic masyado ka naman ata sweet sa pamangkin namin" aniya ni tito William, tumawa naman si lolo at tumingin sa amin, ako naman nahiya sa sinabi niya

"Ganyan po talaga pag mahal niyo po" sagot naman ni Nic, sympre matapang siya sumagot ngayon kasi under the influence na ng alak, tumawa nanaman sila tito at lolo

"Aba kung lolokohin mo at papaiyakin mo ang pamangkin namin buong angkan namin papatay sa'yo" pang babanta ni tito Gerald, pumikit naman ako sa sinabi ni tito, hindi lang sila nahiya!

"Makakasigurado po kayo sir na aalagaan ko at pagsisilbihan habang buhay itong prinsesa niyo" sagot naman ni Nic

"Dapat lang! Siya lang ang babae na pamangkin ko, at siya lang apo na babae ni tatay kaya huwag ka mag kakamali saktan siya"

"Tito tama na nga iyan, nakakahiya po!" Pagsita ko sa kanila

"No Reize okay lang, mahalaga ka sa kanila kaya naiintindihan ko" sambit ni Nic, nagbuntong hininga na lamang ako, at tinuloy naman nila ang kwentuhan.

LEAF OF FAITHWhere stories live. Discover now