"Sorry anak ayaw kasi kita mag alala" ito ang sinabi sa akin ni mama, umiiyak siya ngayon sa harapan ko, si Nic nasa tabi ko lang at nakahawak sa kamay ko"Mama, kahit na sana sinabihan mo ako para naagapan natin agad" medyo galit ko na sinabi kay mama.
Dali dali ako bumalik sa ospital pagkatapos ng test namin, sinabi ko na din kay Bella ang nangyari kay mama kaya hindi na muna ako pumunta sa bahay nila, gusto kasi ni tita Irene na andoon ako ngayon para magplano sa birthday ni Bella.
"Reize calm down, narinig mo naman ang sinabi ng doctor" mahinang sinabi ni Nic sa akin ang isang kamay niya ay hinahagod ang likod ko para pakalmahin ako.
Kinausap ako ng doctor ni mama kanina pagdating ko dito, he explained to me her condition, meron siya Pulmonary Edema, meaning meron tubig sa baga ni mama, at dahil doon bumaba ang blood pressure niya kagabi kaya nawalan siya ng malay.
Alam na din pala ni mama ang kondisyon niya bago siya makauwi dito, at kaya nag extend siya ng stay sa probinsya dahil nahimatay din pala siya doon at nagpalakas lamang bago umuwi dito, and with some furthers tests nalaman namin na cardiogenic ang pulmonary edema niya, meaning kaya may tubig ang baga ni mama dahil meron siya sakit sa puso
"The good thing about it Ms. Salguerro, there are maintenance na need inumin ng mother mo for this one, surgery is last resort naman, she needs to exercise daily at huwag masyado magpakapagod and when she is sitting down iangat niya ang kanya paa, and dapat pag matutulog siya dapat medyo naka angat bahagya ang ulo niya since meron nga tubig ang kanyang baga" naalala ko sinabi ni doc kanina
"I am sorry Nic and mama. I am just worried, mama next time pag mga ganitong bagay please sabihin mo agad sa akin, wala na nga si papa, pati ba naman ikaw mawawala? Hindi ko kaya mama" at niyakap ko na ang aking nanay.
The following days, nag sagawa pa sila ng physical tests kay mama, and chineck din nila ang kanyang puso, pinagsabihan din ako na dapat hindi naiiwan na mag isa si mama, huminga ako ng malalim at hinilot ko ang sentido ko, magkano ang bayad ng stay out na katulong ngayon? Need ko ata habaan ang oras ko sa opisina ni engineer Prieto
"Tara na baby, ayos na lahat pwede na umuwi si tita, andyan na din yung caregiver na hinire ko for her" sambit ni Nic, namilog naman ako sa sinabi niya
"Bakit ka nag hire ng caregiver?" Tanong ko sa kanya
"Narinig mo sinabi ng doctor? Hindi pwede mag isa si tita, hindi naman 24/7 na andyan ka sa tabi niya nag aaral ka at nag wowork, gusto mo ba maulit muli ang nangyari na paguwi mo wala na siyang malay?" Sagot naman nito
Tinikom ko ang bibig ko at sumandal sa pader, sobra sobrang tulong na ang ginawa ni Nic sa akin! Hindi ko alam kung paano ko siya babayaran at sobrang nahihiya na ako, ano na lang iisipin niya? Pinapaasa ko lahat ng gastusin namin mag ina sa kanya?
"Alam ko naman pero bakit caregiver pa? Kaya ko naman pagtrabahuan ang ibabayad ko sa kukunin ko stay out na makakasama sana ni mama sa bahay" alam ko naman na kaya niya, pero ma pride lang kasi akong tao at ayoko naman na may sabi siya sa akin
"Mas maganda na caregiver ang kunin natin para mas maalaga siya ng husto, bakit anong balak mo kunin? Yung matandang kapit bahay niyo? Baka dagdag isipan pa ni tita iyon, imbes na siya ang maalagaan baka si tita pa ang mag aalaga doon" katwiran niya
Tumingin ako sa kanya, paano niya alam na iyon ang balak ko? Since kilala ko naman si Aling Ising, at wala din naman siya ginagawa, siya sana ang kakausapin ko na kasama ni mama, pero may point din naman si Nic matanda na si Aling Ising at baka si mama pa ang mag alaga sa kanya
"Okay fine but with one condition" sabi ko at pinag krus ko ang aking kamay sa aking dibdib, tumaas naman ang kilay ni Nic sa akin
"Hati tayo sa bayad sa caregiver, ikaw na nga ang nagbabayad sa lahat lahat dito pati na din ang gamot ni mama sa susunod na mga buwan"
YOU ARE READING
LEAF OF FAITH
RomanceAnong gagawin mo kapag na in love ka sa daddy ng iyong best friend? Ito ang tanong ni Reize sa kanyang sarili. Lalo pa hindi ito ang goal niya sa buhay, not until she met Nic. He is caring, loving and everything she ever hope as a boyfriend, but as...