"Grabe ha! Ibang iba ang glow niyo mag best friend mukha maganda ang weekend natin ah!" Pangaasar ni Apple sa amin ni Bella, tumawa na lamang kaming dalawa sa komento niyaTruly our weekend was magical, hindi ko sukat akalain na sa first international trip ko ay kasama ko si Nic at si Bella, yung dalawang tao na mahal ko aside sa mama ko.
Sobrang tuwa ni mama na nag enjoy ako sa Taiwan na kahit mabilisan lamang ang bakasyon namin ay sinulit talaga namin ang mga araw namin doon, ang dami din pasalubong na binili ni Nic kay mama, sympre binilhan din namin sila ate Sarah at ang kanyang mga anak
"Ganyan talaga pag may dilig" walang hiya sabi ni Bella kina Apple, nag tawanan naman silang lahat sa sagot niya kaya binatukan ko na lang ang kaibigan ko.
Naging magaan ang pagsasama namin ni Nic lalo pa na tanggap kami ni Bella at masayang masaya ako dahil napansin ko na mas lalo pa naging close ang mag - ama, sana darating din ang time na masabi din namin ni Nic ang totoo kay tita Irene.
Nag daan ang mga buwan at walang naging problema sa amin ni Nic at Bella, minsan pa nga nagkakaroon kami ng mga out of towns na kasama sila Raf at Bella, naisama din namin ni Nic ang dalawa sa resthouse niya sa Tagaytay.
Hindi ko akalain na pwede pala ang ganito na magkasama kaming apat, na kahit medyo kumplikado ang mga connections namin ay masayang masaya pa din kami
Mas naging open din sila Bella at Nic sa isa't isa, at ang saya lang pagmasdan ang dalawang mag - ama ko, habang nag aasaran at nagkukulitan sila, hahaha ano daw? Ang feeling ko talaga!
Lagi naman ako tinutukso ni Bella na mommy tuwing dalawa lang kami o di kaya kapag kasama namin sila Nic at Raf. Dati naasar pa ako pero ngayon tumatawa tawa na lang ako
Regular din ang check up ni mama, so far hindi pa need ng surgery ang puso niya at kaya pa naman ng mga gamot niya, isang araw tumawag si lolo dahil naospital si lola at kailangan nila ng makakasama sa bahay nila, nag aalangan ako payagan si mama na pumunta doon at baka mapagod siya pero naawa din naman ako kila lolo lalo pa at kailangan mag pagaling ni lola
Wala din kasi si tita Amelia sa probinsya, bumalik na siya sa Dubai at si tito Gerald naman ay busy sa pagbubukid, isang buwan lang naman ang hinihingi ni lolo kay mama, kinausap naman ni Nic si ate Sarah kung pwede na samahan niya si mama, at buti naman pumayag siya
"Ate, ito konting pera para sa pagsama mo kay mama" palihim ko na inabot sa kanya habang busy si Nic na kinakausap ang driver nila mama,ayaw kasi pag commute'n ni Nic sila mama kaya nagpadala siya ng driver yung Montero sport ang gagamitin nila sa paguwi ng probinsya
"Hala ma'am Reize may binigay naman sa akin si sir Nic na bonus kaya okay na po" pagtanggi niya sa inaalok ko
Alam ko na binigyan siya ng bonus ni Nic, pero I feel useless na wala man ako maiambag, nanay ko padin iyon at responsibilidad ko padin siya kahit sa ganitong pamamaraan man lang ako makabawi sa lahat na naitulong ni ate Sarah sa amin
"Okay lang ate, huwag mo na lang sabihin kay Nic, tanggapin mo na po, mas magaan lang ang pakiramdam ko ate pag tinaggap mo" ngumiti naman siya at tumango at tinaggap yung sobre mula sa akin. Nakakaipon naman ako kahit papaano dahil nga may work naman ako.
"Maraming salamat ma'am, napaka swerte talaga ni sir Nic sa'yo, pag ikakasal na kayo imbitado ako ha" pangbibiro niya sa akin tumawa naman ako sa sinabi niya at umiling iling, sumakay na siya sa sasakyan at sumilip ako sa loob, gaya ng ginagawa lagi ni Nic may nakahanda nanaman mga unan at kumot sa back seat
"Mama tawagan mo ako pagkadating mo doon ha, ikamusta mo na din ako kay lola" sabi ko at hinalikan ko sa pisngi si mama
"Magpakabait ka anak dito ha" bilin ni mama sa akin at sumulyap kay Nic "ikaw na bahala sa anak ko, at maraming salamat talaga Nic sa mga tulong mo" aniya

YOU ARE READING
LEAF OF FAITH
RomanceAnong gagawin mo kapag na in love ka sa daddy ng iyong best friend? Ito ang tanong ni Reize sa kanyang sarili. Lalo pa hindi ito ang goal niya sa buhay, not until she met Nic. He is caring, loving and everything she ever hope as a boyfriend, but as...