Kabanata XX

683 10 0
                                    


As we agreed upon, dumaan muna kami sa isang restaurant bago kami ihatid ni Nic sa bahay, ang pinili namin ay yung Japanese restaurant na una namin pinuntahan ni Nic and naka private room ulit kami, masaya si mama na nagbabalik tanaw sa mga ginawa namin sa Tagaytay, hindi niya napapansin ang palitan namin ng tingin ni Nic pero this is something na hindi na namin pwede i-delay na sabihin.

"Mama" tawag ko sa kanya na medyong nanginginig pa ang aking boses, hinila ko ang kanyang kamay kaya napatingin siya sa akin "uhm..may sasabihin..sana ako..I mean kami ni Nic"

Sumulyap ako kay Nic and he gave me an encouraging nod, napatingin din si mama kay Nic tila nararamdaman niya ang pag iba ng mood naming dalawa. Alam ko naman na ako ang nagsabi kay Nic na maging honest kami kay mama pero hindi ko pa din maiwasan ang nerbyosin

"Bakit ang seryoso niyong dalawa? Huwag mo sabihin buntis ka na Reize?" Biro ni mama, tumawa naman si Nic na para bang ang saya saya niya pa

"Wish niya po tita" gatong naman ni Nic, kaya hindi ko na napigilan na batukan siya! Grabe andito ako namamatay na sa kaba tapos itong hinayupak na ito pinatulan pa ang joke ni mama

Umiling naman ako at seyoso ako tumingin kay mama, nang humupa ang tawanan nila nag buntong hininga ako at hinaplos ko ang kamay niya na hawak ko.

Bigla nagbago naman ang itsura ni mama, from smiling nakita ko na nagatataka siya, at kumunot ang noo niya

Huminga ako ng malalim "Mama alam mo naman na kami na ni Nic diba?" Mas nagkasalubong ang kilay ni mama sa sinabi ko, nagtataka siguro bakit ganito ang sinabi ko "Ganito kasi mama, noon Biyernes birthday ni Bella, at napag alaman ko po na...na ano po..." napakagat ako ng labi habang ang bilis ng pintig ng puso ko

Hinawakan na din ni Nic ang kamay ni mama "I am Bella's biological father" siya na ang nagtuloy sa sasabihin ko.

Nakakabingi katahamikan ang bumalot sa aming tatlo, kumurap kurap ang mga mata ni mama sa binalita namin, naramdaman ko naman agad ang mga palad ni Nic sa likod ko na tila ba pinapakalma niya ako.

Tumingin sa akin si mama tapos kay Nic "pero...paano nangyari ito...mag best friend kayo ni Bella. Malaking bagay ito" winika niya

"We know po tita kaya nga sinabi na namain sa inyo po agad" si Nic, ang kanyang boses ay kalmado lang pero matapang "I care about Reize deeply, hindi namin pinlano ang lahat na ito, hindi po namin alam ang koneksyon na meron kami, not until last Friday and we wanted to be honest with you kasi po importante ka po sa amin dalawa"

Tumango si mama at tumingin sa akin "Salamat kasi sinabi niyo ito sa akin, pero alam na ba ni Bella? Paano si Irene?"

"Hindi pa namin sinasabi sa kanila" pag-amin ko "gusto ko po na kayo po muna kausapin namin bago ang lahat"

Nagbuntong hininga si mama at hinilot niya ang sentido niya "Hindi ko ito inaasahan, Pero gusto ko kayong paalalahanan kung gaano ka komplikado ito. Ang mga relasyon ay maaaring mabago ang lahat, lalo na kapag ang mga pamilya ay kasangkot"

"Naiitindihan ko mama" sagot ko "pero ayaw ko itago ito sa'yo mama, and I believe that what we have is special"

Nakita ko sumulyap si mama kay Nic "ikaw Nic? Sure ka na ba sa inyong dalawa ng anak ko? Alam mo na pwede din maapektuhan ang relasyon niyo ni Bella"

Sumulyap na din ako kay Nic, nakita ko tumango siya at kinuha niya muli ang kamay ni mama "Ayoko ko po saktan ang damdamin ni Bella, pero po ang nararamdaman ko kay Reize ay totoo po, mahal na mahal ko po anak niyo and I want to be honest with everyone involved"

Noon first time narinig ko na mahal ako ni Nic, grabe grabe emosyon ang naramdaman ko pero ngayon sinasabi niya na kung gaano ako kamahal ni Nic sa harap ni mama ay para ba sasabog na ang puso ko, and to be honest it is both thrilling and daunting, I feel incredibly cherished

LEAF OF FAITHWhere stories live. Discover now