Dapat hindi ako papasok ngayon bilang isang candidate kasi pwede na hindi ako pumasok buong intramurals namin, pero sympre ngayon yung cheerdance competition nila Bella kaya susuportahan ko, mamayang hapon ang search naman namin.Ramdam na ramdam mo ang excitement ng students at professors namin para sa cheer dance competitiom. The usually drab and functional space was transformed into a vibrant and energetic arena, maraming colorful balloons and streamers ng bawat college departments ang nakasabit ngayon.
The floor was marked with designated areas for each college departments, ang mga pangalan ng college departments were emblazoned in bold letters on the freshly painted surfaces. Yung mga bleachers namin na kulay puti ay ngayon meron nakasabit ng mga team flags at banners, pumunta na ako sa Business and Accountancy side at umupo na ako sa harap, buti na lang may space pa.
From what I heard mauuna ang College of Engineering, tapos College of Arts & Sciences, College of Education, College of Business and Accountancy at mahuhuli ang College of Computer and Information Technology.
"Go Business and Accountancy, Go CBA! Go! Go!" Sigawan namin dito sa bleachers, sumasagot naman ang mga ibang colleges. The sound system was blasting upbeat music, getting everyone in the for competition.
Nagsimula na ang cheerdance, and mind you ang gagaling nila, their routine was sublimed! And very very linis ng bawat galaw nila, ng turn na ng College of Arts & Sciences, nahagip ang mata ko si Elia, grabe litaw na litaw ang ganda at kaseksihan niya sa grupo, and she danced gracefully too, and since she is petite siya yung hinahagis hagis sa ere.
Napatingin naman ako sa side, kung saan nasaan si Sir Calvin, na parang estudyante lang din dahil hindi naka uniform ang mga professors ngayon dahil nga intrams namin. Nakahalukipkip siya ngayon at ang talim ng tingin niya sa mga nagsasayawan ngayon, hindi ko alam kung nagkataon na sila Elia ang nagsasayaw kaya ganyan ang tingin niya or sa lahat ng mga sumayaw ganyan na siya naka tingin, umiling iling ako kung ano ano kasi sinasabi ni Bella sa akin, ayan tuloy kung ano ano iniisip ko!
Kami na ang sumunod after ng College of Arts and Sciences and grabe team to beat talaga sila sa ganda ng pinakita nila pero sympre alam ko hindi mag papatalo ang own department ko " Go! Fight! Win! Business and Accountancy!" Nakisigaw na din ako sa mga kapwa kong taga CBA!
And I saw my best friend standing so tall while doing her routine, naka high ponytail siya ngayon at talaga ang galing niya mag tumbling at split! Marami din siyang fans, nasumisigaw sa name niya! Kaya nakisigaw na din ako
"Wooooowwww!" Napasigaw ang halos lahat sa tableau nila at hindi na namin naiwasan mag sigawan, dapat nirereserve ko ang boses ko dahil kakanta pa ako mamaya, pero wala akong paki alam, nakita ko si tita Irene na tumatalon talon din sa may side ng visitors, talaga stage mom siya.
Ng natapos ang lahat inannounce nila ang mga unang magkakalaban sa mga balls again, and niyaya nilang lahat manood ng search mamaya.
"Thank you for the magnificent showcase of talents for today, now we will announce the fourth place" sigaw ng emcee, at naghiyawan nanaman kaming lahat. Inannounce na fourth place ang College of Engineering, tapos third place ang College of Computer and Information Technology, tapos second ang College of Education
Naghiyawan kami kasi it's either kami or College of Arts and Sciences ang mananalo kaya tili ng tili kaming lahat "and in first place! College of Business and Accountancy! So our champion for this year's cheerdance competition is College Arts & Sciences!"
I heard groans all around me, habang naghihiyawan naman ang mga taga college of Arts & Sciences, nakita ko na nagyakapan sila, at si Elia ang pumunta sa harapan para kunin ang trophy

YOU ARE READING
LEAF OF FAITH
RomanceAnong gagawin mo kapag na in love ka sa daddy ng iyong best friend? Ito ang tanong ni Reize sa kanyang sarili. Lalo pa hindi ito ang goal niya sa buhay, not until she met Nic. He is caring, loving and everything she ever hope as a boyfriend, but as...