Kabanata L

4.7K 48 0
                                        


"Ano may balita ka na kay Reize?" Tanong ko sa kaibigan ko nasa hotel room ako ngayon habang tinatawagan si Shawn, ayoko muna umuwi sa condo ko hanggang hindi kami nagkakabalikan ni Reize

"So I guess andito ka nasa Pilipinas huh?" Pangaasar niya, huminga ako ng malalim at nagmura, tumawa lamang siya sa kabilang linya

"Huwag mo muna sasabihin na andito ako sa anak ko" pagpapaala ko sa kanya, alam ko magkasama sila ngayon.

"Okay po boss, well alam mo naman marami nagpapansin kay Reize ngayon" agad naman niya sinabi

"Ilan beses mo na yan sinabi and wala naman siya pinagbibigyan sa mga iyon diba? kahit noon nasa Paris ako, sinabi mo na din mga iyan, wala ka ba bagong balita sa akin?" asar na sambit ki sa kanya, umupo ako sa gilid ng kama habang tumitingin sa may bintana ko

Thinking about those guys Reize rejected made me smile, after all this months ako pa din ba Reize? I can't help but to feel smug about it

"Well, actually pare meron siyang isang tao na constant niya kasama ngayon, pinagbigyan niya makipag date and I heard from Bella, gusto niya ito para kay Reize" seryoso na sinabi ni Shawn sa akin, nawala ang ngiti ko at agad ako napatayo sa kama

"Huwag mo ako pagtripan pare! Sino yan lalaki na iyan?!" galit na sinabi ko. Reize is mine! And walang lalaki pwede umagaw sa kanya!

"Calm down pare, hindi pa niya sinasagot" sabi ni Shawn sa akin, as if naman gagaan ang pakiramdam ko sa sinabi niya

"Nasaan ka? Sunduin mo ako dito sa hotel samahan mo ako bumili ng sasakyan" masungit ko sinabi, pumayag naman siya and no time andito na kami sa car dealership at bumili ng bagong Audi

Since nakabili na ako ng sasakyan halos lagi ko sinusundan si Reize, at buti na lang ginawa ko ito at buti andito ako sa karinderya na usually pinupuntahan niya, she lost her wallet at nakita ko isang tasa ng kanin at cup noodles ang binili niya kaya nag order ako ng food for her, and when I saw her post sa social media niya hindi ko napigilan ang kinilig!

Andito ako ngayon nakatambay muli sa school nila Reize, lagi ko siya nakikita na kausap si Bella at Shawn, tapos aalis agad siya pupunta kina Jayce

One time nakita ko na may bulaklak binigay si Bella kay Reize, napasulyap si Shawn kung saan naka park ang sasakyan ko, gusto ko sana makausap si Reize kaya kinausap ko si Shawn na gawin niya lahat para magkausap kami, pero lagi daw niya tinatanggihan yung offer ni Bella para sumama sa kanila.

Pinanood ko na tumakbo si Reize hawak ang bulaklak na galing sa pangit na si Benjamin Higuera, ng malaman ko na pinopormahan ni Benj si Reize mula kay Shawn araw araw ko na sinusundan si Reize, yes stalker na kung stalker pero Reize is mine! At once magpapakita ako hindi ko na siya papakawalan pa

Nag ring ang phone ko stopping me from my thoughts "Shawn" sagot ko sa tawag niya

"I want to let you know that Benj is taking Reize out for a date" aniya, hinampas ko ang manibela ko at binaba ko ang tawag ni Shawn, pumayag si Reize makipagdate sa ibang lalaki? Tapos after ng date saan niya dadalhin si Reize?! Hindi maari ito, so I drive my way papunta sa office ni Jayce!

Bumaba ako at pumunta sa opisina niya "what a pleasant surprise Nic! Susunduin mo na ba yung isang empleyado ko?" Pang aasar niya sa akin

"May nanliligaw ba sa kanya dito?" Sabi ko sa kanya habang umuupo sa couch niya

"Wala po, kahit gustong gusto ligawan ng mga ibang share holders ko" tuloy niya pang aasar. The day na umalis kasi ako binilin ko siya kay Jayce, kasi uupakan ko siya kapag nalaman ko ipapaligaw niya sa iba si Reize!

Tumingin ako ng matalim sa kanya "subukan mo at ipupull out ko ang shares ko dito, at sa lahat ng kompanya mo" sagot ko

Tumawa naman siya at tinapik ang balikat ko "Relax sinabi ko na may asawa at anak na si Reize, and huwag ka nga nakabusangot dyan! Bagay na bagay pa naman sa'yo ang long hair" dagdag na asar niya sa akin, umirap na lamang ako at pinagusapan na lang namin tungkol sa isang deal habang hinihintay ko mag out si Reize

LEAF OF FAITHStories to obsess over. Discover now