Gusto ni Nic na andoon ako sa bahay nila Bella na ngayon pinapakilala na si Raf, pero sinabi ko na hindi naman kailangan na andoon ako eh, baka magtaka pa si tita bakit andoon ako sa isang importanteng family gathering nilang apatKaya andito ako sa mall, naglalakad tumitingin kung anong pwede ko gawin, habang naglalakad ako naka salubong ko sila engineer Prieto at si Livia. Well if you look at them bagay na bagay naman talaga
Ayaw ko na sana sila abalain pa ngunit si Livia ang unang tumawag sa akin, napatingin na din si engineer sa akin, habang lumalapit silang dalawa sa akin
"Magisa ka?" Tanong niya sa akin, ngumiti naman ako tumango, sumulyap sa akin si engineer at kumunot noo niya
"Hindi mo kasama si Nic?" At napatingin siya sa paligid niya, tila ba hinahanap niya ito
"Ah, hindi po engineer, may importante siyang ginagawa, kaya nga andito ako namamasyal ngayon eh, kasi pag wala siya ginagawa for sure sa akin iyon uuwi" pagbibiro ko, tumawa naman si engineer sa akin
"Tama ka dyan, baliw yun sa'yo eh!" Sagot niya, nagulat ako sa sinabi niya, close ba sila ni Nic? Tumawa na lang ako at tumango
"Sige alis na kami Reize, nag drop by lang ako para mag hello sa'yo" malambing na sinabi ni Livia "at tsaka paki sabi kay sir Nic na maraming salamat sa mga tulong niya sa akin" dagdag niya
"At ano naman iyon aber?" Pagsusungit ni engineer Prieto, nagkatitigan kami ni Livia, pareho nagpipigil ng tawa
Tumingin naman si Livia sa kanya at Hinaplos niya ang mukha ni engineer "Yung sa scheduling at lahat, alam mo naman sekretarya ako sa kanya hindi na janitor"
"I offered you to be my secretary as well, pero ikaw ang tumanggi" pagsusungit ni engineer, tumawa naman si Livia, at pinalupot niya ang kanyang kamay sa braso niya
"Ang sungit mo talaga, tara na nga, gutom na ako" panlalambing niya at tumingin si Livia sa akin "mauna na kami Reize ha!"
Kumaway naman ako sa kanila at umalis na sila, pero nakita ko na sinusuyo ni Livia si engineer, grabe who would have thought na magugustuhan ni engineer si Livia, akala ko mga mayayaman lang ang tipo nito. Sabagay mahirap din mag judge.
Naramdaman ko na nag vibrate yung phone ko na nasa back pockets ng jeans ko kaya binunot ko ito magkakasunod na text galing kay Nic at Bella ito
My Nicholas: Where are you? Susunduin na kita, tapos na kami dito, nag dinner ka na ba?
Nivia Isabella Higuera: Hoy maarte kong best friend nasaan ka? Hindi ako tinitigilan ni daddy sa pagtanong sa'yo!
Nagtipa ako ng reply kay Bella muna
Me: Nasa mall ako, ano kamusta?
Tapos nag reply naman ako kay Nic
Me: No need pauwi na ako dyan kina Bella kung tapos na kayo, yes nag dinner na ako
Agad ako lumabas at nag book ng grab, malapit lang naman itong mall na pinuntahan ko kaya mabilis din ako nakarating sa bahay nila Bella, tumunog ang phone ko kaya after ko nagbayad
My Nicholas: stay where you are, andito si Irina, wait me there
Pero it was too late, naka pasok na ako sa may garahe nila at nakatayo si Nic doon, sa likod niya sila tita Irene at Irina. Yung pokpok kong friend siguro nasa loob kasama si Raf.
"Anong ginagawa ng hampas lupa dito Irene?" Bigla sinabi ni tita Irina, kaya napasulyap si Nic sa likod niya
"Shut up!" sigaw ni Nic "wala na talaga lumalabas na maganda dyan sa bunganga mo!" dagdag niya, tumawa naman si tita Irina at umiling iling

YOU ARE READING
LEAF OF FAITH
RomanceAnong gagawin mo kapag na in love ka sa daddy ng iyong best friend? Ito ang tanong ni Reize sa kanyang sarili. Lalo pa hindi ito ang goal niya sa buhay, not until she met Nic. He is caring, loving and everything she ever hope as a boyfriend, but as...