"Damn that bitch! Damn her!" Rinig na rinig ko ang sigaw ni tita Irene pagpasok ko sa bahay nila, nakita ko ang mga kasambahay nila na nakatayo lang sa gilid na parang takot na takot."Mommy stop it, just move on and stop it mom!" Rinig na rinig ko ang sigaw din ni Bella sa mommy niya, dali dali ako pumunta sa taas at tinungo ang kwarto ni tita Irene, nakabukas ang pintuan ni tita at may dalawang kasambahay din na nasa gilid na nakahawak ng panlinis
Sabay pa sila ni Bella na tumingin sa akin ng nakapasok na ako sa kwarto ni tita Irene agad ko dinaluhan ang mag ina "what's going on tita? Are you okay?" Sabay luhod ko sa tabi niya
"See that Bella?! Mas inuna pa tinanong ni Reize ang kalagayan ko kesa husgahan ako!" Sigaw ni tita Irene kay Bella, ako naman nabigla sa sinabi niya, ayaw na ayaw ko pa naman na kinocompare ako lalo pa kung kay Bella ito, nakita ko naman umirap si Bella at umiling iling
"Mom I am different and I can see right through it! Ikaw lang naman ang umaasa na babalikan ka pa ni daddy eh! I told you he is so in love with that girl! Stop your delusions mom! You need to wake up! If I need to be hard para matauhan ka then I will! Dalawang gabi ka na umiinom and do you think babalikan ka ni daddy dahil dyan?! Hell no!"
Pak! Pak!
Agad na dumampi ang mga palad ni tita Irene sa magkabilaang pisngi ni Bella na kinagulat ko at nakita ko din ang gulat kay tita Irene "I am sorry baby, I am sorry" bigla sinabi ni tita at lumapit siya kay Bella, pero hinawi naman ni Bella ang kamay niya
"And now you are capable of hurting me just because I am telling you the truth?!" At nag walk out si Bella, hindi ko naman alam anong gagawin ko, kung susunod ba ako kay Bella or aaluhin ko si tita, pero in the end kung aalis man si Bella alam ko safe siya sa pupuntahan niya, so dinaluhan ko muna si tita at niyakap
Umiiyak si tita na nakayakap sa akin, at unti unti ko naman siya nilabas sa kwarto niya, at pumunta kami sa katabing guest room, sinenyas ko ang mga helpers nila na linisin at ayusin ang kwarto ni tita
"Mang Sayong bigyan niyo po ako ng tubig dito salamat" at pinaupo ko na si tita sa kama, nakasandal lang siya sa akin habang patuloy na umiiyak
"I saw Nico yesterday" bigla niya sinabi hinaplos ko naman ang buhok ni tita, hindi ko naman alam anong sasabihin ko, natatakot naman ako magsalita baka mas lalo siya ma trigger
"Kasama niya yung babae niya, magkahawak kamay sila naglalakad sa mall" dagdag niya. Huminga ako ng malalim, is this the reason bakit uminom siya since yesterday?
"Pero hindi ko nakita ang mukha ng babae, pero I am sure that was Nico" nanginginig ang boses niya habang nagsasalita siya.
I wanted to say to tita na hayaan niya na lang sana si tito Nico, kitang kita na nga ng mata niya na may ibang mahal na ang daddy ni Bella
"Malaman ko lang kung sino iyon babae niya malilintikan siya sa akin, wala siyang karapatan agawan ng daddy si Bella, wala siyang karapatan sirain ang pamilya ko" pagpatuloy niya
"Shh tita, rest your thoughts, huwag mo aksayahin ang energy mo dahil lang doon tita" sabi ko sa kanya, narinig ko na humikbi nanaman si tita
"Reize, mahal na mahal ko si Nico, alam ko naman na kasalanan ko ang nangyari years ago, pero nagsisi na naman ako, pero bakit ang tigas ng puso niya? Ano pa ba ang gusto niya?" At umiyak naman muli si tita. Hinayaan ko na lang ilabas lahat ni tita ang sama ng loob niya at mga luha niya, at hindi nag tagal nakatulog na siya, inayos ko ang kumot niya bago ako lumabas sa kwarto niya
Binilin ko naman ang mga katulong nila sa bahay nila at nagpahatid na ako sa driver nila Bella, gusto ko sana mag overnight sa bahay nila pero wala din kasama si mama sa bahay, at buti na lang umuwi ako kasi hinihintay ako ni mama sa sala
YOU ARE READING
LEAF OF FAITH
RomanceAnong gagawin mo kapag na in love ka sa daddy ng iyong best friend? Ito ang tanong ni Reize sa kanyang sarili. Lalo pa hindi ito ang goal niya sa buhay, not until she met Nic. He is caring, loving and everything she ever hope as a boyfriend, but as...