What happened sa conference room ang iniisip ko ngayon habang nakahiga ako sa kwarto ko, sumulyap ako sa polo na nakasabit ngayon sa may cabinet ko, lalabhan ko na lang ito bukas at dadalhin sa opisina hindi ko naman alam kung sino yung lalaki na iyon at hindi ko alam paano ko ibabalik ang polo niya pero bahala na.Naalala ko ulit yung mukha ng lalaki, I can't deny that he so damn gorgeous! Isa siya siguro sa ka meeting ni engr. Prieto kanina, pero nakakahiya lang ang nangyari! Medyo sexy pa naman ang nasuot ko na panty! Nagbuntong hininga ako at pinilit ko matulog.
Nasa cafeteria kami ni Bella ng nilapitan kami ng isang magandang babae "excuse me can I ask lang po kung saan ang admin office?" Tanong niya.
"Sa tapat lang siya ng gymnasium, new student?" tanong ni Bella naman sa kanya, ngumiti siya at tumango.
"Anong year ka na?" Tanong ko naman pabalik
"Third year" matipid na sagot ng magandang babae.
"I am Bella and this is Reize, second year accountancy student" maligayang pakilala ni Bella sa amin
"I am Elia" tinignan niya ang kanyang relo at tumingin pabalik sa amin "girls I need to go I am running out of time, nice meeting you" tapos napasulyap siya sa likod namin, bahagya namilog ang mata niya at dali dali siya umalis
"Sir Calvin?!" Bigla sambit ni Bella kaya napatingin ako sa likod namin, nakita ko na sinundan ng tingin ni sir Calvin yung new student bago tumingin sa amin
"You are in my English class right? Accountancy?" tanong niya sa amin, ngumisi naman si Bella sa akin at siniko ako, umirap ako sa kanya alam ko nanaman ang iniisip nito
"Yes professor" malambing na sagot niya, tumango naman si sir Calvin at nagbuntong hininga
"Tell your classmates sa audio room tayo mag klaklase ngayon, I will be waiting for you all in there and better yet be there ten minutes before our class start" malamig niya sinabi at umalis na sa likod namin ni Bella, sinundan siya ng paningin ko habang naglalakad siya palayo sa amin, muntikan na ako mahulog sa upuan ko dahil tinulak ako ni Bella
"Ano ba?!" Galit ko sinabi habang tumingin ako sa kanya, nakita ko naka ngising aso siya
"Ano? Naiinlove ka na kay sir Calvin? Sabi ko sa'yo hindi ka na lugi sa kanya" at humagikgik siya sa tabi ko, I rolled my eyes at my best friend and grabbed my juice at tinusok ko ang straw doon
"Hindi ka pa ba natatakot sa sinasabi mo? My God Bella he is our teacher! Ma eexpel ako pag nalaman nila nilalandi ko ang professor natin!" mahina ko masabi pero sapat lang ang lakas ng boses ko para marinig ni Bella
"Hay naku best friend, ang ganda ganda mo! You have a boobs like mount Everest, you have long slender legs, ang kinis at ang puti mo, tapos ang tambok pay iyan pwet mo!" walang hiya niya sinabi at ang lakas pa ng boses niya, tumingin ang mga lalaki na nasa tabi namin kaya tinakpan ko ang bunganga niya!
"Ang ingay mo Bella!" galit na sinabi ko sa kanya, at tinanggal ko ang aking palad mula sa kanyang bunganga, humagikgik siya at kumindat sa mga lalaki sa tabi ng table namin
"Bella pakilala mo naman kami sa best friend mo!" Sabi ng isa sa mga lalaki sa kabilang table
"Oo nga para makita namin ang mount Everest niya!" sigaw ng isa, at tumawa silang lahat, tinignan ko ng masama si Bella at kinuha ko agad ang bag ko at nag walk out.
"Mga manyak!" narinig ko na sinigaw ni Bella at hinabol ako "Reize! Reize!" Sigaw niya pero hindi ko siya pinansim, hinatak ko ang daan papunta sa audio room na sinabi ni sir Calvin kung saan kami magklaklase.

YOU ARE READING
LEAF OF FAITH
RomanceAnong gagawin mo kapag na in love ka sa daddy ng iyong best friend? Ito ang tanong ni Reize sa kanyang sarili. Lalo pa hindi ito ang goal niya sa buhay, not until she met Nic. He is caring, loving and everything she ever hope as a boyfriend, but as...