Kabanata XXXI

1.2K 23 2
                                        


Pagkatapos ng isang linggo, nakalabas na si tita Irene sa ospital. Hindi pa kami nakakapag usap ni Bella, and I understand busy din siya sa pag asikaso kay tita Irene. Gaya ng pinagusapan namin ni Nic, mas naging maunawin ako sa sitwasyon namin.

Malimit na ako nasusundo ni Nic sa trabaho ko, yung usapan din namin na mamalagi ako sa penthouse niya sa duration ng bakasyon ko ay hindi na din nangyari kasi halos sa ospital na natutulog si Nic. Ang mga araw ay naging weeks, tatlong linggo na kami hindi nagkakasama ni Nic at namimiss ko na siya sobra, pero wala naman ako karapatan magreklamo, lagi ko na lang iniisip na hindi mentally stable pa si tita!

My Nicholas: baby, sorry hindi nanaman kita masusundo

My Nicholas: sorry Reize nagwawala daw nanaman si Irene

My Nicholas: ayaw nanaman uminom ng gamot ni Irene at ayaw matulog, alam mo naman na nakakasama pag hindi niya gawin iyon, the sooner she'll get better the faster na matapos ito

My Nicholas: Take care always baby, babawi talaga ako sa'yo I promise

Ito ang mga usual texts sa aking ni Nic, minsan hindi ko na talaga maiwasn makadama ng selos, usually natutulog na din si Nic sa bahay nila Bella dahil nagigising daw si tita at the middle of the night at nagwawala, gusto ko kamustanin siya pero mas nanaig ang pagseselos ko, ayaw ko naman dumaan sa bahay nila Bella dahil makikita ko lang kung paano alagaan ni Nic si tita at hindi ko kaya panoorin iyon

Kaya kahit ayaw ko mamalagi dito sa building ni engineer Prieto ay nagpakapagod na lang ako dito para hindi ko maisip ang sitwasyon ko

Tiniis ko lahat ng pangungutya ng mga tao sa akin, ang dami ko naririnig tuwing dumadaan ako. Pokpok, gold digger, bayaran babae, inosente ang mukha pero paputa, kabit, lahat ng masasakit na salita na linunok ko kasi alam ko naman na hindi ito totoo, pero grabe lang sila manghusga sa akin

"Reize! Tawag ka ni engineer Prieto! Simula ngayon ikaw na daw ang maglilinis ng opisina niya" galit na sinabi ni Mrs. Agustin ng isang araw. Tumango ako at kinuha ko na ang kart ko para pumanhik sa taas pero nagulat ako ng paglabas ko may mga tatlong babae naghihintay sa akin

Luminga linga ako sa paligid ko at nakita ko wala na si Mrs. Agustin, nagbuntong hininga ako at tumingin sa tatlong babae, mga kapwa housekeeping ko din ang mga ito "makikiraan lang ako need ko linisin ang opisina ni engineer" mahina ko sinabi

Tumawa naman si Megan at tinulak ang braso ko "naniwala ka naman? Hoy huwag ka mangarap na maging personal na tagalinis ni engineer! Balak mo pa ata maging next Livia?"

"Kaya nga ang kakapal ng mga mukha niyo makipaglandian sa mga gaya nila engineer at Mr. Bojorquez! Akala mo ba hindi namin nakikita tuwing sinusundo ka niya?" Sabi naman ng isa

"Paki alam niyo ba sa akin? Bakit galit na galit kayo sa akin?! Maka asta kayo para kayo mga asawa ni Nic at engineer Prieto ah?" Natigilan sila humagikgik na tatlo at lumapit sa akin si Femelyn at sinandal ako sa pader

"Ang tapang mo ah? Hindi dahil nabingwit mo si Mr. Bojorquez nag fefeeling feeling ka na dyan! Tandaan mo kung ano ka lang! Ang mga babae kagaya mo ay parausan lang ng mga lalaki kagaya niya!" At hinila na ang buhok ko, tinulak ko naman si Femelyn at tinignan siya

"Ano ba problema niyo kung parausan lang ako ni Nic? Kayo ba ang bumubukaka, kayo ba ang iiwanan niya pag nilaspag niya na ako? Hindi ko aakalain na concern pala kayo sa akin?" Umiling iling ako kasi sa totoo lang hindi ko gets anong problema nila sa akin eh!

"Malandi ka! Ayun ang kinaiinisan namin, at ang mga malanding gaya mo ay dapat alam kung saan ilulugar!" Bigla sinabi ni Mrs. Agustin, tumingin ako sa bandang niya at nakita ko na nakatingin siya sa akin puno ng galit! Isa pa ito ke tanda tanda ganito pagiisip, paano ba naging supervisor ito?

LEAF OF FAITHWhere stories live. Discover now