Kabanata VIII

164 5 0
                                    


Nagising ako na para bang may naguusap sa labas ng kwarto ko, kaya napabangon ako at kinusot ko ang aking mata, at lumabas para tignan kung sino ang mga nasa labas. Nagulat ako na si Nic iyon! Nasa sala sila ni mama naguusap. Pareho sila lumingon sa akin ng lumabas ako sa kwarto ko.

Anong ginagawa niya dito? Alam ko naman na ihahatid niya ako sa school, pero kailangan ba na talaga na ganito kaaga? At talaga na kaharap niya na si mama ngayon ah.

"Anak, hindi mo naman sinabi sa akin may nanliligaw sa'yo akala ko ba si Justin ang nanliligaw sa'yo? Panay kamusta pa naman yung bata na iyon sa akin ng nasa probinsya ako" sabi niya, ano ba yan si mama hindi ko alam iyon ah! Pero sana prumeno naman siya kasi ng tignan ko si Nic naka busangot na siya

"Mama, alam mo naman na hindi ko siya sinagot diba? Si ano pala mama si Nicholas Bojorquez po" pagpapakilala ko kay Nic

"Ay oo si Nic, nagusap na kami may dinala siyang breakfast, ihahanda ko na muna maligo ka muna doon, halika Nic doon tayo sa kusina" magalang sinabi ni mama kay Nic

"Opo maam" sabi naman ni Nic, nang tumalikod si mama kinindatan niya ako bago siya sumunod, dali-dali ako naligo at nagpalit at pumunta na ako sa aming kusina, nadatnan ko nag tatawanan si Nic st si mama, hindi ko alam kung ano ang pinaguusapan nila pero mukhang tuwang tuwa silang dalawa

"Halika na Reize kain ka na at makapasok ka na, ihahatid ka daw ni Nic" saad ni mama, tumango naman ako at umupo sa tabi ni Nic, sumulyap sa akin si mama na tila ba meron siya gusto sabihin sa akin pero hindi niya masabi kasi andito si Nic

Nang matapos kami mag breakfast iniwanan ko muna sila since nag presenta si Nic ang magliligpit ng pinagkainan namin para maka toothbrush na ako, nang matapos ako kinuha ko na ang school bag ko at hinatid kami ni mama sa labas

"Salamat po maam for the warm reception, susunduin ka po namin ni Reize pagkatapos ng klase niya" magalang niya sinabi, nagkasalubong ang kilay ko sa sinabi ni Nic, at tumingin naman ako kay mama na nakangiti sa kanya

"Naku salamat Nic ha! Tsaka tita na lang tawag mo sa akin, hindi naman ako guro para tawagin mong maam" aniya, tumawa naman si Nic at tumango

"Mama pasok na po ako" saad ko, at hinalikan ko na siya

Ng makapasok na kami sa sasakyan nagulat ako dahil hinila ni Nic ang seatbelts ko at siya ang nagayos, dahil sa ginawa niya naamoy ko muli ang kanyang mabangong katawan na nakasanayan ko na, nagkatitigan kami and he licked his lips as he stared on mine, and before I knew it our lips gently pressed at each other.

Naghuhumerantado nanaman ang puso ko sa simpleng halik na iyon, at alam ko pulang pula nanaman ang aking mga pisngi, I will never ever get over his kisses talaga, tuwing hinahalikan niya ako it always feels like it is the first time.

Pinark niya ang sasakyan niya sa school, napapansin ko din ang mga estudyante tumitingin sa kotse niya, paano naman hindi, siya lang ata ang naka audi dito ngayon.

"Susunduin kita later, sasamahan ko kayo ng mama mo pumunta sa bangko, nabanggit niya kasi sa akin kanina, kilala ko yung manager doon para mabilis kayo matapos" saad niya, tumingin naman ako sa kanya at ngumiti

"Thank you Nic ha" at hinaplos ko ang kanyang mukha, hinuli naman niya ang aking kamay at hinawakan niya ito

"Kiss mo lang ang kapalit" aniya sa malanding tono tumawa naman ako at hinila ko ang kamay ko mula sa kanya

"Naka halik ka na kanina ah" ngumuso siya at tinuro niya ang kanyang pisngi

"Dito kiss mo ako" saad niya na parang batang na naglalambing, umiling ako at nilapat ko ang aking labi sa kanyang pisngi, tinuro naman niya ang kabilang pisngi niya at hinalikan ko din ito, tapos tinuro naman niya ang noo niya, ang tip ng nose niya at ang baba niya at lahat na iyon hinalikan ko.

LEAF OF FAITHWhere stories live. Discover now