"Ma'am Reize! Ma'am Reize! Si Sayong ito! Ma'am si Ma'am Irene, nasa ospital!" Ang boses ng isang kasambahay nila Bella ang umalingawngaw sa telepono ko"Huh?! Bakit anong nangyari?!" Sagot ko, nakita ko na bumangon agad si Nic dahil sa boses ko at tinignan niya ako na nagtataka, kaya iniangat ko ang kamay ko "wait lang" I mouthed to him, tumango naman siya at pinulot niya na ang kanyang boxers at sinuot ito
"Naglaslas siya maam, nakita namin nakalubog sa bath tub kanina, tatawagin ko sana para mag dinner pero ayun naabutan ko, hindi ko makontak si maam Bella at nasa abroad si maam Irina kaya ikaw ang tinawagan ko maam" mangiyak iyak sabi ni mang Sayong
"Saan ospital kayo? Pupunta kami dyan" sinabi naman ni mang Sayong kung saan at agad naman ako nagpalit
"Nic, si tita Irene nag laslas daw nakita nila nakalubog sa bath tub, wala sila tita Irina at Bella we need to see her!" Pag alalang sinabi ko, tumango naman siya at nakita ko na nagpalit na din siya at mabilis namin tinahak ang ospital, naabutan namin si mang Sayong na umiiyak sa harap ng emergency room
"Kamusta na manang?" Tanong ko
"Wala pa hindi pa sila lumalabas, natatakot ako ma'am at baka nahuli na kami" niyakap ko naman yung kasambahay at hinaplos ang likod niya, sa tabi ko si Nic may kinakausap sa telepono niya
"Pauwi na sila Shawn at Bella baka bukas ng umaga andito na sila" aniya, tumango naman si mang Sayong, umupo kaming tatlo sa upuan sa harap ng emergency room habang nagaantay kami ng update ni tita, may lumabas na doctor at naghanap ng kamag anak ni tita, kaya agad kami tumayo ni mang Sayong
"Kamusta po si maam doc?" Tanong ni mang Sayong
"Kaano ano po ba ninyo ang pasyente?" Magalang na tanong niya
"Kasambahay niya po ako, ito po best friend ng anak niya, nasa abroad kasi ang anak niya kaya wala po siya dito" sumulyap naman si mang sayong kay Nic na nakaupo pero nakatingin naman sa amin "siya naman po si sir Nico, ex husband po ni ma'am"
Nagbuntong hiniga ako, sa sinabi ni mang Sayong, pero hindi naman ako nag komento, tumango ang doctor at lumapit kay Nic
"I heard ikaw ang ex - husband ni Ms. Higuera?" Tanong nito, umiling naman si Nic at tumingin sa doctor
"We were never married, ama ako ng anak niya wala kaming ugnayan doc, pero may I ask how is she?" Seryosong tanong ni Nic
"Well she lost a lot of blood, but we already took care of it, no major arteries was cut even though malalim agpagkalaslas niya, buti nakita siya agad kasi it would have been too late, we already transferred the patient sa private room"
Pinakuha ko ng mga gamit ni tita si Mang Sayong, at sinabihan ko siya bukas na lang siya bumalik at kami na muna dito, kaya dalawa lang kami ni Nic na nasa room ngayon, nakaupo kami dito sa may gilid, habang pinapanood namin si tita Irene na natutulog
Bigla naman pinadausdos ni Nic ang kanyang palad sa palad ko, at nagintertwine ang daliri namin, I know we should not be doing this pero I need his touch to calm me, sumulyap muna ako kay tita bago ko sinandal ang ulo ko sa balikat niya
"Naawa ako kay tita, I don't know why she wanted to end her life, pero sana kung ano man iyan sana maovercome niya" ayaw ko naman isipin kaya ginawa niya iyon dahil hindi siya maka move on kay Nic. How timely lang kasi na nagusap sila tapos bigla na lang siya nag laslas
Hindi umimik si Nic, at patuloy niya nilalaro ang mga daliri ko, napapadiin siya sa may palasingsingan ko pero hindi ko pinasin
"Nico..please..mahal na mahal kita" mahinang sinabi ni tita, akala ko pa nga na gising siya pero pagtingin ko sa kanya tulog padin siya

YOU ARE READING
LEAF OF FAITH
RomanceAnong gagawin mo kapag na in love ka sa daddy ng iyong best friend? Ito ang tanong ni Reize sa kanyang sarili. Lalo pa hindi ito ang goal niya sa buhay, not until she met Nic. He is caring, loving and everything she ever hope as a boyfriend, but as...