Kabanata XXIII

1.4K 19 0
                                        


Alas syete ng umaga ng sunduin kami ni Nic, at imbes yung sasakyan niya ang gamit namin ngayon isang hi - ace na van, understandable naman para kasaya kami, meron din kinuha na dalawang driver si Nic.

Gaya noon trip namin sa tagaytay may naka ready mga unan at kumot ang sasakyan, eight hours din kasi ang layo ng probinsya nila mama dito sa Maynila. Si mama panay kwento at halatang excited siya namakauwi, ako naman nakatingin lang sa bintana inaalala ang mga nangyari kagabi

Kamusta na kaya si Bella? Sana okay naman siya, kahit naman mahal ko si Nic mahal ko din naman anak niya, and I truly care for them both, bakit pa kasi si Nic pa ang daddy ni Bella eh! Mas masaya siguro kaming dalawa kung hindi siya ang daddy niya, pero andito na kami and gaya nga ng sinabi ni Nic inexpect na namin na hindi lahat matatanggap kami agad, swerte lang ako kay mama

Nakatulog ako kakaisip, nagising na lamang ako na meron humalik sa sentido ko, nakahiga na pala ako sa kandungan ni Nic, kaya agad ako bumangon at uminat "sorry" sabi ko ngumiti naman siya at hinawakan mukha ko

"Okay lang talaga hiniga kita dyan para komportable ka, maglulunch na tayo" aniya at doon ko napansin naka tigil na pala ang sasakyan, tumango ako at sabay na kami bumababa ni Nic sa van.

After namin nag lunch, si Nic naman ang pinahiga ko sa kandungan ko, tulad na ginawa niya inayos ko ang unan sa lap ko at humiga naman siya, ayaw niya sana ngunit pinilit ko may apat na oras pa ang tatahakin namim

"Reize, ok lang ba kay Nic ang bahay nila mama? Alam mo naman maliit lang ang bahay nila at walang aircon" pag aalala ni mama. Sa bahay kasi ng lolo at lola ko ay malayo sa bayan, kaya walang hotel or inn na malapit sa bahay nila.

"Ayos lang naman daw ma, sabi ni Nic" hindi ko tuloy maiwasan guluhin ang buhok ni Nic habang mahimbing siya natutulog.

Nakarating na kami sa probinsya nila mama pero additional thirty minutes pa ang byahe namin para makarating sa bahay nila lola, ginising ko na si Nic, na kinusot naman ang mga mata at bumangon na

Matatagpuan sa gitna ng malawak na bukid, simple lang ang bahay nila lola, two storey na bahay na gawa sa nipa hut at napapalibutan ito ng mga matatangkad na coconut trees.

Ang banayad na kaluskos ng mga dahon ng buko ay lumilikha ng isang nakapapawi na musika, habang ang halimuyak ng masaganang lupa at namumulaklak na mga bulaklak ay pumupuno sa hangin. Kaya hindi ko din masisi si mama kung bakit gustong gusto niya dito kahit malayo ang byahe dito.

May mga paru-paro na lumilipad sa paligid, at sa hindi kalayuang maririnig mo ang mga manok, ang mga ingay nila ang nagbibigay ng tunog sa napakatahimik na kapaligiran ng bukid. Sa gilid ng bahay nila lolo at lola ay may maliit na hardin ng gulay, and ganda lang tignan ito dahil iba't iba  ang kulay nito. Habang may mga ilang mga puno ng prutas ay makikita sa di kalayuan

"Ang payapa" sabi ni Nic habang bumaba na kami sa sasakyan, bitbit niya ang mga gamit namin habang yung dalawang driver niya ang mga gamit naman ng aking ina,

Tinatahak namin ang isang maikling winding gravel path patungo sa front porch ng bahay nila lolo at lola, makikita mo nakatayo na sila nag aantay doon, meron din dalawang rocking chairs sa porch nila.

"Apo ko!" Sigaw ni lola na makarating kami, agad nila ako niyakap ni lolo at yumakap din ako pabalik

"Ang ganda ganda mo, grabe dalaga ka na apo!' Sigaw ni lola, tumawa naman ako at nagmano ako sa kanila ni lolo, bigla naman sila tumingin sa likod ko at alam ko nakatingin sila kay Nic ngayon

"Magandang hapon po maam and sir. Nicholas Bojorquez po, or Nic na lang po, boyfriend ni Reize po" at nilahad niya ang kamay niya sa kanila, agad naman tinaggap nila lolo at lola ang kamay niya.

LEAF OF FAITHWhere stories live. Discover now