After our steamy make out sa loob ng sasakyan ni Nic, I explained to him nawala dapat siya ipangamba tungkol kay Justin he is just a friend and he will remained that way to me.
The next morning as his usual routine sinundo niya nanaman ako, but this time meron siyang bitbit na gitara! Nagulat ako sa regalo niya sa akin at hindi ko mapigilan ang kagalakan ko.
"There use that para hindi mo na hiramin ang gitara ni Justin, at least kahit wala ako sa contest mo you still have a piece of me" malambing niya sinabi, tumawa naman ako and I strumed the guitar, grabe ang ganda talaga ng binili niya for me!
"Mamayang gabi na ang flight ko, but I'll make sure na mag uupdate ako sa'yo okay?" Then he kissed my forhead before ako bumaba sa kotse niya, pinanood ko habang umaalis ang kotse niya sa school namin, haisst I am going to miss him talaga, four weeks siya sa Paris, sayang nga ang uwi niya is three days after ng search
"Biyernes santo ka dyan?" Siniko ako ni Bella ng mapansin niya nilalaro ko laro ko lang ang pagkain ko, hindi ko ba alam bakit bigla na lang ang lungkot ko na wala si Nic, two days lang na wala siya pero feeling ko parang two decades na ang OA ko na ah
Huminga ako ng malalim at pilit ngumiti ayoko naman sabihin kay Bella na namimiss ko si Nic, at alam ko abot hanggang mars ang tukso niya sa akin pag nagkataon "wala kinakabahan lang ako sa search" sabi ko sa kanya
"Pinadala na pala ni mommy yung mga damit sa bahay niyo, tignan mo pala kung anong gusto mo doon, kamusta ang talent mo?" Tanong niya sa akin, talaga si tita Irene mukhang mas excited pa siya sa akin, she even tapped her own make up artist para siya mag aayos para sa competition ko
"Magprapraktis ako mamaya sa bahay, may ginawa si Justin na kanta orignal niya iyon ang kakantahin ko" sagot ko sa kaibigan ko, hindi naman niya napapansin na panay ang sulyap ko sa telepono ko, gusto ko kasi every chat ni Nic masasagutan ko ito agad, ang hirap pala ng LDR! Eme! Practice lang!
"Si Justin? Diba iyan yung nanligaw sa'yo at binasted mo agad?" Paguusisa ng best friend ko sa akin, tumango naman ako at iniwas ko ang tingin niya sa akin, hindi ko ba alam bakit meron pagdudua sa tono ng boses niya
"Kung malaman ni Nic iyan aber? Tsaka nasaan ba siya? At bakit nag cocommute ka pumapasok?" At pinagkrus niya ang kanyang kamay sa kanyang dibdib, huminga naman ako ng malalim at pinaikot ko yung pasta sa tinidor ko
"Nasa Paris siya ngayon, hindi nga siya makakauwi para makanood ng kompetisyon ko, at na meet niya na din si Justin sa bahay" sagot ko naman habang patuloy ko padin nilalaro ang tinidor ko
Narinig ko siyang at suminghap at bumagsak ang kanyang balikat "ano ba yan best friend talaga tayo, aalis din si Raf next week pupunta din daw siya sa Paris, meron din sila kasi nilalakad ni daddy doon, at talaga Paris pa sila lahat pumunta ah. Wala din siya sa cheerleading competition ko niyaya ko din siya"
"Hmmm kaya pala malungkot ka nuh?" Haist I know the feeling bestfriend! Niyakap naman ako ni Bella
"Alam mo Reize I really do love Raf, hindi ko ba alam parang sanay na ako na lagi siya nangdyan sa tabi ko" mahina niya sinabi, I looked at her and shrugged my shoulders, sanay na din ako na andyan si Nic sa tabi ko, iniisp ko nanaman ang sinabi ni Bella sa akin
"Magkakilala na sila ng daddy mo?" Gulat ko na sinabi, tumango lamang si Bella sa akin at mas lalo niya pa hinigpitan ang yakap sa akin, sabagay baka gaya siya ni Nic na nagpakilala din kay mama.
"Siya yung sinasabi ko sayo na meet ko, na half pinoy" aniya, tumingin ako sa food namin na pareho na hindi pa nagagalaw. Tapos bigla tumunog ang cellphone niya
"Raf!" Maligaya niyang sinambit parang hindi siya nagdradrama kanina lang ah "sige...oh! I like that" mas mahina niya sinabi tapos binaba niya na ang phone niya
YOU ARE READING
LEAF OF FAITH
RomanceAnong gagawin mo kapag na in love ka sa daddy ng iyong best friend? Ito ang tanong ni Reize sa kanyang sarili. Lalo pa hindi ito ang goal niya sa buhay, not until she met Nic. He is caring, loving and everything she ever hope as a boyfriend, but as...
