Nakahawak kamay lamang kami ni Nic the whole time habang lumilipad ang eroplano, nasa may window seat ako at mangha mangha ako sa ganda ng kalangitan na magtatakip silim pa lamang, nagaagawan ang kulay asul at kahel sa kalangitan at ang ganda lang pagmasdanPrivate plane nila Raf at Nic ito, binili pala nila ito three years ago, at usually pag nagsasabay sila pumupuntang Paris ito ang ginagamit nila. Dalawang oras lang ang byahe ng maynila to Taipei, at pagkalapag namin may sumundo agad sa amin na limousine at hinatid kami sa isang hotel dito sa Taipei
"So how's your first airplane ride Reize?" Tanong ni Raf sa akin habang naka ngiti nakatingin si Bella sa akin
"Okay lang sa akin, ayaw ko lang iyon sa parte na pa take off na" sagot ko
"Ayaw ko din iyon noon first time ko, seven years old ako noon Reize, pero masasanay ka din naman, kasi alam ko iispoil ka ng travel ni daddy" saad naman ni Bella
"Of course I will" seryosong sagot namin ni Nic sa anak niya, at humagikgik na lamang si Bella sa sagot ng daddy niya.
Nag stop kami sa isang magandang hotel dito sa Taipei, grabe maghanga mahanga ako sa exterior ng hotel, agad kami pumasok at agad pumunta sila Nic at Raf sa receptionist at naiwan kami dito sa may waiting area ni Bella
"After ba tayo kumain dito, uuwi tayo agad sa Pilipinas?" Tanong ko kay Bella, tumawa naman si Bella at umiling at tinignan ako
"Uuwi din tayo ng Sunday ng after lunch Reize, sympre andito na tayo sa Taiwan, sulitin na natin dito lalo pa first international travel mo ito"
"Pero wala akong damit Bella, ito lang ang meron ako" sabay turo ko sa damit na suot ko ngayon, ngumuso naman si Bella at siniko ako
"Ikaw ha, hindi mo sinasabi sa akin na meron ka na pala mga damit sa penthouse ni dad?" Malandi niya sinabi sa akin
"Huh?"
Anong koneksyon yung mga damit ko na andoon sa penthouse ni Nic ngayon? Eh sinasabi ko lang naman sa kanya na wala akong damit pamalit, tsaka gabi na din alangan naman na mag shoshopping pa kami eh magdidinner pa kami
"Don't worry Reize, pinag empake ako ni dad ng mga damit mo, kaya nga nakita ko ang mga damit mo sa penthouse niya eh, grabe ang gaganda and very complete ha! Parang mag asawa na kayo ni dad ah?!" at siniko niya ako, umiling na lamang ako sa kanya at sumulyap
"Talaga pinagkaisahan niyo ako mag ama huh"
Tumawa naman siya at inakbayan ako "Ganyan talaga, binoyfriend mo ba naman ang daddy ko eh, so paano yan mommy na ba ang tawag ko sa'yo?" Pang aasar niya
"Sira ka talaga" at hinila ko ang kanyang buhok, tumawa naman siya at naglakad na kami papunta kina Nic ng tawagin na nila kami
Hinawakan ni Bella si Raf sa kanyang bisig, at ganoon din ako kay Nic "Hindi talaga ako nagsasawa dito sa Mandarin Oriental Hotel, buti naisip mo dito Raf" narinig ko na malambing na sinabi ni Bella sa kanyang boyfriend, hindi ko naman narinig ang sagot niya dahil bumulong sa akin si Nic
"Nagustuhan mo ba ang surprise namin ni Bella?" Malambing niya sinabi, tumango naman ako at sumulyap sa kanya
"Sobra, ang galing niyo mag ama, pinagkaisahan niyo ako" sago ko, tumawa naman si Nic at pinisil ang kamay ko.
Dito kami nag dinner sa Ya Ge restaurant ng hotel, nag seserve sila ng authentic chinese food, at buti na lang talaga medyo pormal ang damit ko ngayon, kasi halos lahat formal ang kasuotan nila. Ang inorder nila Raf at Nic ay yung Michelin Signature Menu nila at sympre kumuha din sila ng dumplings.
Hindi ko first time kumain sa isang ganitong klaseng restaurant, ever since na naging kami ni Nic dinadala niya ako sa mga ganitong restaurant din sa Manila, and it is not also my first time to eat a dimsum, pero grabe yung dimsum dito napakasarap, parang meron silang secret ingredient na nilagay para mas lalong sumarap ito.
![](https://img.wattpad.com/cover/376384956-288-k490670.jpg)
YOU ARE READING
LEAF OF FAITH
RomanceAnong gagawin mo kapag na in love ka sa daddy ng iyong best friend? Ito ang tanong ni Reize sa kanyang sarili. Lalo pa hindi ito ang goal niya sa buhay, not until she met Nic. He is caring, loving and everything she ever hope as a boyfriend, but as...