Kabanata XLI

1.4K 18 2
                                        


"Hello tita Anne, kamusta ang pakiramdam mo?" Tanong ni Nic, ng masundo na kami sa ospital, binuksan ko ang back door habang inaalalayan ni Nic si mama pumasok sa loob

"Okay lang naman, talaga hindi ka ba magpapagupit ng buhok mo?" Tanong ni mama habang sumasakay siya sa loob ng sasakyan, nagkatinginan kami ni Nic, naka man bun siya ngayon, hindi ko pa kasi sinasabi na magpagupit na siya, agad naman sumunod si ate Sarah sumakay sa likod, at sumakay na din kami ni Nic sa loob.

"Depende kay Reize kasi tita, siya ang dahilan bakit nagpahaba ako ng buhok, kaya siya din ang magsasabi kung kailan ako magpapagupit" natatawa niya sinabi kay mama, umiling naman si mama at tinapik ang balikat ko

"Wala ka ba balak na utusan si Nic magpagupit?" Tanong naman niya sa akin, to be honest lihim ako nanood sa you tube ng tutorial kung paano mag gupit ng buhok ng lalaki, nag order na din ako sa online ng mga kagamitan at nasa bag ko ngayon gusto ko kasi ako mag gupit kay Nic

"Basta mama, ineenjoy ko muna ang long hair ni Nic, ang gwapo niya kaya" sabay sulyap ko sa kanya, ngumisi siya at tinapik tapik lamang ang manibela niya

"Gwapo din naman si sir Nic pag naka clean cut maam" paghagikgik ni ate Sarah sa tabi ni mama, nakita ko na nag apir pa silang dalawa sa likod, umiling na laman ako at tumingin sa bintana.

Papunta kami muli sa Tagaytay, meron kasi conference si Nic doon ngayon, buti na lang bakasyon namin kaya pwede ako sumama, and of course sinama na din namin si mama at ate Sarah.

Constant naman ang communication namin ni Bella, hindi ko na din sinabi ang pagmamakaawa ni Raf sa akin, alam ko naman na ayaw niya din pagusapan si Raf, nakita ko naman na masaya si Bella ngayon. Parang mas naging mas mature na nga siya, siguro dahil na din sa sitwasyon niya at nakatulong din siguro na mag isa siya sa ngayon sa isang banyagang lugar.

"Grabe namiss ko dito" aniya ni mama ng bumaba na kami sa kotse, pinalibot naman ni ate Sarah ang kanyang paningin sa kapaligiran niya

"Ang ganda dito, aling Anne, ang ganda din ng bahay mo sir" papuri naman ni ate Sarah habang papasok na kami sa loob ng town house ni Nic.

Nasa loob na kami ng kwarto habang nagpapahinga sila mama at ate Sarah sa kwarto nila, andito muli ako sa may balcony habang tinitignan nanaman ang panaromic views ng golf course

"Bukas maaga ako aalis, pero nag hire ako ng driver niyo para samahan kayo maglibot dito sa Tagaytay, binilin ko na din siya kung saan kayo dadalhin" at niyakap niya na ako sa likod ko

"Hmm kung turuan mo kaya ako mag drive?" Tanong ko sa kanya, hinigpitan niya ang kapit sa akin

"Gusto mo ba talaga?" Malambing niya sinambit, ngumiti naman ako at tumingin sa kanya

"Of course, para pag pagod ka ako naman mag drive if ever" at hinaplos ko ang buhok niya at tinanggal ko ang tali niya and I run my fingers through his hair

"Pagupit ka na" mahina ko sinabi, tinaas niya ang kilay niya sa akin at kinuha ang kamay ko

"Akala ko ba you find me hot kapag long hair ako?" Tanong niya, tumawa naman ako at tinampal ang dibdib niya

"Even other women find you so damn attractive" bulong ko sa kanya, at nilaro ko ang kwelyo niya "pero for me kahit ano naman you still look drop dead gorgeous"

He smirked at me at hinila niya ako para halikan ako, then when our lips parted hinaplos niya ang kanyang daliri sa bibig ko "samahan mo ako mamaya after natin mag lunch"

Umiling naman ako at hinila siya papunta sa bathroom "ako gugupit sa'yo" tumigil siya sa paglalakad at namilog ang kanyang mata

"Baby, wala naman akong alam kasalanan para parusahan mo ako ng ganito ah" aniya, tumawa ako at tinampal ko ang kanyang dibdib

LEAF OF FAITHWhere stories live. Discover now