Kabanata XLIV

3.7K 47 2
                                        


Kinakabahan ako ng magising kinabukasan, kahit na walang media at camera sa loob ng ball room still nag aalala pa din ako, ayoko kasi malaman ni tita Irene ang tungkol sa amin ni Nic sa ganitong paraan, gusto ko na galing sa amin mismo.

Nalaman ko kung bakit hindi lumabas yung nangyari kagabi sa akin sa party, kasi meron mas malaking scandal ang nangyari, and I wish makamusta ko si Livia tungkol doon.

Nagsimula na din ang pasukan and since OJT ang first sem namin, kaya buong oras ko ay sa company ni engineer Prieto, need ko kasi icomplete yung six hundred hours, and for the first time after how many years, ito ang first day of class na hindi ako sinasalubong ni Bella.

Nabalitaan ko mula kay Nic ay maayos na ang kalagayan ni Bella doon, kinausap din ni Nic si tita Irene na kung pwede ipadala si Mang Sayong kung asan si Bella, para may makasama siya. Ayaw sana ni Bella pero mas mapanatag sila Nic at tita Irene pag meron siyang kasama kaya wala na din nagawa si Bella kundi sumunod sa gusto ng magulang niya

Nagoobserve lang muna ako dito sa may finance department, pero at the same time nagbabasa basa na din ako ng mga ibang lessons kasi hinahanda ko sarili ko para sa CPA board exam alam ko next year pa iyon pero mas maganda na ang mag advance reading.

Every weekend kay Nic na ako umuuwi, kaya lagi ko nilook forward ang weekends, isang araw tumawag ako kay Bella at nangumusta.

"Ang ganda ganda natin best friend ah, bagong dilig ba ni dad?" Bungad niya sa akin, tumawa naman ako at umiling iling, haist I really miss her. Ang sarap lang ng feeling na naibalik namin ni Bella yung pagsasama namin despite everything that happened, bitter sweet lang kasi nasa malayo siya ngayon

"Andyan ka na nga sa ibang bansa puro ganyan pa din ang nasa isip mo" sagot ko sa kanya, tumawa naman siya at kumuha ng crackers at kinain ito

"Good timing ang tawag mo, I want you to know uuwi na si mommy dyan sa Pilipinas next week" balita niya sa akin. Kung dati kinakabahan ako, ngayon hindi na, kasi I am so ready na harapin si tita Irene, sasabihin ko kay Nic ito after namin magusap ni Bella

"Finally, it's been long over due! Half a year din na wala siya, akala ko mag fofor good na siya sa New York" sabi ko kay Bella

"Hmmm..tapos na kasi yung bahay ni tita Irina, kaya uuwi na siya, miss daw niya ang Pilipinas" sambit niya nag buntong hininga siya at tumingin ng seryoso sa akin "ready ka na ba?" Tanong niya

"Of course Bella, ito na lang hinihintay namin ni Nic, dapat nga noon pa namin sinabi, pero pumunta naman siyang US, ayaw naman namin na through video call or what, and the truth will set us free, if hindi kami tanggap ni tita, mauunawaan ko naman"

Tumango si Bella habang ngumunguya ng crackers "Well you have my support Reize you know that, balitaan mo ako ha, once nakuha ko naman ang details ng flight ni mommy, I let you know"

Nagkwentuhan pa kami kaunti, at ng mag sawa kami ay pinatay na namin ang video call, pag baba ko ng phone ko agad naman tumunog ito kaya tinignan ko yung text message

Mama: Reize, kailangan natin umuwi ng probinsya, wala na ang lola mo...

Halos mawala lahat ng dugo sa katawan ko ng makita ang text message ni mama, hindi ako makagalaw sa couch, at hinahabol ko ang aking hininga, hindi ko akalain na huling pagkikita na pala namin ni lola noon bumisita ako kasama si mama, kung alam ko lang sana mas matagal ako nag stay sa probinsya

Nanginginig ang aking mga paa habang tumaas sa hagdan, agad ko pinuntahan ang opisina ni Nic at sumungaw ako sa pintuan niya, nakita ko na seryoso siya nag titipa sa kanyang laptop, ngunit sumulyap naman siya sa akin

"What do you need baby?" Malambing niya tinanong, dahan dahan ako pumasok ng opisina niya at pinakita ko yung text ni mama sa kanya kasi hindi ko kaya sabihin sa kanya. Narinig ko siya suminghap at tumayo siya at agad niya ako niyakap

LEAF OF FAITHStories to obsess over. Discover now