Wala na ako nagawa kundi pumayag sa sinabi ni tita Irene, kaya andito ako ngayon sa bahay naka shorts at thin straps blouse karga ko ang duffel bag ko habang hinihintay ko si Benj. Nang malaman kasi na pumayag ako na sumama kay tita ay sinabi niya na sa kanya ako sasakayAyaw sana ni tita, ngunit mapilit itong si Benj na sinang ayunan naman ni Bella kaya wala na nagawa si tita kundi pumayag. Narinig ko na bomisina na siya kaya lumabas na ako ng bahay at nilock ito, agad naman kinuha ni Benj ang duffel bag ko at nilagay sa likod ng sasakyan niya
"Alam mo Reize ang simple lang ng suot mo pero litaw na litaw kaseksihan at kagandahan mo" sambit ni Benj habang tinatahak na namin ang daan papunta sa beach resort kung saan gaganapin ang party ni tita
"Alam mo Benj gutom lang iyan" pangbasag ko sa kanya, tumawa naman siya at kinuha ang kamay at hinalikan niya ito, hinila ko agad ang kamay ko na mas lalo pa niya kinatuwa
"Bakit kasi ayaw mo magpaligaw sa akin, we are compatible naman and comfortable with one another" aniya na natatawa pa
"I date to marry Benj" seryoso na sinabi ko, humalaklak naman si Benj
"That's bull Reize, twenty one ka palang hindi fourty one! Habang bata ka dapat you need to enjoy first"
Sabi ko naman masaya kasama si Benj pero if I am going to date him, baka sex lang din ang habol niya sa akin, though he is gentleman to me, pero iba kasi kapag lumaki ka sa ibang bansa, they view dating as a game and call me old fashioned pero ang gusto ko yung susunod ko na boyfriend eh siya na ang magiging asawa ko.
But it is hard siguro to look for a man who is greater than Nic, siguro makakahanap naman ako, pero not now, and until that time come I will guard my heart first.
"Benj I know time changed now, but yun ang principle ko eh" pagtatanggol ko sa sarili ko, tumawa naman siya at sumulyap sa akin
"Eh FUBU ayaw mo?" Casual na tanong niya sa akin, namilog naman ako sa tinanong niya sa akin
"Are you offering me to be your fucking buddy?!" Singhal ko, and I swear gusto ko na bumaba ng kotse niya ngayon! Inirapan ko siya at tumingin sa bintana, pinipigilan ko ang ang sarili ko na magsalita ng masasama sa kanya
"Hey I am just joking okay! Ang cute mo kapag naiinis ka kasi!" Sabay kurot ng pisngi ko, tinampal ko naman ang braso niya at tumingin muli sa bintana
"I am not that kind of girl Benj, kung mga ibang babae napapayag mo, ibahin mo ako. Sex is sacred to me, at gagawin ko lang iyon sa taong mahal ko" to be honest kahit joke lang I feel offended on what he just said, hindi siya umimik pero hinawakan niya muli ang kamay ko
"Hey Reize I am sorry okay? Don't worry hindi ko na uulitin pa" seryoso niya sinabin, tumango na lamang ako, pero hindi nag tagal biglang umusok ang sasakyan niya at tumirik kami sa kalsada
"Dammit!" Sabi ni Benj, dali dali naman kami bumaba, at nagpatulong sa tao na nasa gilid ng kalsada para itulak ang sasakyan ni Benj para ilagay sa road side
"Saan po pinaka malapit na talyer dito?" Tanong ni Benj sa isa sa mga tumulong sa amin, ng nasa side na ang sasakyan ni Benj tinignan niya agad ng makina nito, at bumungad sa kanya ang napakalaking usok
"Naku sir! Sa bayan pa po, mga isang oras ang layo dito" sabi ng matanda, nagbuntong hininga si Benj at sumulyap sa akin
"Nag over heat yung makina ko at the same time clogged ata ang fuel filter nito, tatawag lang ako kina Bella andoon na kasi sila" at binunot ni Benj ang phone niya at lumayo sa akin. Ang aga ko nagising dahil dito kasi may tatlong oras ang resort na pupuntahan namin pero masisiraan pala kami ni Benj along the way.

YOU ARE READING
LEAF OF FAITH
RomantizmAnong gagawin mo kapag na in love ka sa daddy ng iyong best friend? Ito ang tanong ni Reize sa kanyang sarili. Lalo pa hindi ito ang goal niya sa buhay, not until she met Nic. He is caring, loving and everything she ever hope as a boyfriend, but as...