Nasa restaurant muli kami para sa dinner party ni tita, inexclusive niya talaga ito para sa amin. While we are eating nakita ko tumayo si Nic at Bella at lumabas mula sa restaurant, busy si tita na nageentertain ng mga kamag anak niya kaya hindi niya napansin ang paglabas ng mag daddy."I heard nagkabalikan na kayo ni Nic?" Bulong ni Raf sa akin, sumulyap ako sa kanya and naka lean siya sa akin, naka smirk pa siya habang pinagmamasdan niya ako. Kami kasi ang magkatabi ngayon
"Do you think it is too early na nakipagbalikan sa kanya?" Pabulong ko na sinabi din, umiling naman siya at umayos siya ng upo
"Nearly seven months kayo nagkahiwalay Reize, I think it is not early, and besides hindi naman talaga dapat kayo nagkahiwalay at the first place" ngiti niya sa akin, nag pakawala ako ng hangin at seryoso tinignan siya
"It was necessary at that time Raf" sumulyap ako kay tita Irene and I can see how happy she is laughing with some of her aunts "look at the sacrifice we made, tita Irene is now okay" at binalik ko ang tingin ko kay Raf
"So now she's okay, sasabihin niyo na ba kay Nic ang totoo between the two of you?" Seryosong tanong ni Raf, nagbuntong hininga ako at uminom ako sa baso ko
"We will but not now, we will take our time, ayoko biglain si tita" at napakagat ako ng labi ko, tumikhim naman si Raf at uminom din sa wine glass niya. Alam ko meron pa siya gustong sabihin pero mas pinili na lang niya tumahimik.
Bumukas ang pintuan ng restaurant at pumasok sila Nic at Bella na may hawak ng isang two tier na cake, sa likod nila ay yung banda na nagpeperform kanina sa labas, kumakanta sila ng Happy Birthday habang naglalakad sila patungo kay tita
Nakita ko ang pagkabigla ni tita, naka awang ang bibig niya, pero tinakpan niya agad ito gamit ang kanyang kamay, ng nakalapit na sila Bella at Nic, I saw how happy tita Irene is, everybody now is standing to sing
"Happy Birthday to you. Happy Birthday to you..."
Nic is smiling as he sings as well, tinapik ni tita si Nic at may binulong siya sa kanya, umiling naman siya at tumawa at tinuro si Bella, at ng matapos ang kanta, pumikit si tita maybe she is wishing then hinipan niya ang kanyang kandila.
Nilingon agad ni tita si Nic nang may mga ngiti sa kanyang mukha, at bago pa man meron nagsalita ay mariing siniil ni tita ng halik si Nic
Oh Shit! Pinikit ko ang aking mga mata, habang pinapakinggan ko ang mga hiyawan at palakpakan ng mga tao. Pagkadilat ko ay tapos na ang halikan ng dalawa. Huminga ako ng malalim at napatingin ako sa sa banda nila Nic, nakita ko ang naka awang pa ang bibig ni Nic, habang kagat labi naman si tita na tila ba nahihiya
"Oh baka sa susunod na pagtitipon tipon natin kasal niyo na ha, Irene at Nic!" Sigaw ng isang kamag anak nila.
Naghiyawan naman ang lahat at pinatunog nila ang ang mga baso nila gamit ng kutsara o tinidor nila, naririnig ko ang pag sigaw nila ng "kiss!kiss!kiss!"
Mabilis kong tinakpan ang bibig ko. Thinking about it makes me cry. Naiiyak ako kasi alam ko akin siya at gusto ko akin lang siya, naiiyak ako kasi I was hurt seeing them kiss, and it hurts more that peope are encouraging it.
Ito yung nakakainggit kay tita Irene, kapag sila ang magkatuluyan maraming matutuwa, walang hadlang sa kanila, malaya sila gawin ang mga gusto nila.
Isa isa sila pumunta ang mga bisita kay tita para batiin at ibigay ang regalo nila. Dapat gumalaw na din ako, pero I can't it seems my feet is glued on the floor.
I looked at tita and she looks so happy, and I am really happy for her and hindi ko maialis sa isip ko na masasaktan siya kapag nalaman niya ang totoo, and hindi lamang siguro siya. I looked at Nic at nakatitigan kami, why does it hurt to love him? It will just be easier that we just let go of each other? Siya para kay tita, at ako naman will find eventually someone na hindi kumplikado?

YOU ARE READING
LEAF OF FAITH
RomanceAnong gagawin mo kapag na in love ka sa daddy ng iyong best friend? Ito ang tanong ni Reize sa kanyang sarili. Lalo pa hindi ito ang goal niya sa buhay, not until she met Nic. He is caring, loving and everything she ever hope as a boyfriend, but as...