KABANATA 1 : OTW
OTW BY KYLU & YAMADANAGMAMADALI akong bumaba sa eroplano dahil kanina pa ako hinihintay nila Tito Vince. Mabilis akong naghahanap ng CR dahil sa ere pa lang ay ihig-ihi na ako. Hindi ko nga alam kung anong air traffic ang nangyari dahil halos 30 minutes nga yata kami paikot-ikot na lang sa ere at naghintay maka-landing.
Pagbaba ko sa hintayan ng maleta ay may namataan akong Comfort room. Medyo mahaba ang pila pero ang mahalaga ay nakaihi rin ako. Hinintay kong lumabas ang maleta ko sa conveyor bago tuluyang lumabas ng airport.
To: Tito Vince
Nasaan po kayo banda? Nakalabas na po ako ng airportAgad ko kinuhanan ang paligid ng NAIA para makapag-update ako kanila Mama na safe akong nakarating ng siyudad. Sobrang nakapaninibago ang maingay na mga sasakyan, traffic, at matataas na building sa paligid. Malayong-malayo sa El Nido na kinalakihan ko.
"Kelvin!" Isang malakas na sigaw ang narinig ko sa 'di kalayuan. Namataan ko agad si Tito Vince na nakasuot ng cream na polo shirt at maong na pants. Hawak-hawak niya ang aso niyang si Hershey na isang shitzu.
"Tito Vince!" Malakas kong sigaw pabalik at binigyan siya ng mahigpit na yakap. Ilang taon din kami mula noong huling kami nagkita ni Tito. Sa pagkakatanda ko ay fourteen years old ako noong huling beses na dinalaw namin siya rito sa Manila samantalang 18 years old na ako ngayon.
"Ang laki mo na! Kumusta ang parents mo sa El Nido? Malakas ba ang negosyo ngayon?" tanong niya sa akin at sinabayan ko siya sa paglalakad papuntang parking area.
"Nitong summer vacation, maraming booking 'yong airbnb namin pero ngayong July na ay medyo sakto na lang po. Tag-ulan na kasi." pagkukuwento ko at hindi pa rin talaga ako makapaniwalang nagawa kong bumiyahe mag-isa via air travel papunta rito sa Manila. Achievement. "Kumusta po pala si Tito Drew?"
"Nasa sasakyan na para magpa-aircon. Masyadong mainit sa hintayan. Alam mo naman ang Tito mo na 'yon ay walang tiyaga kapag naiinitan." Kuwento ni Tito Vince na mahina kong ikinatawa.
Si Tito Drew ay partner ni Tito Vince. Eight years na silang magkarelasyon. Ang alam ko rin ay binabalak na nilang lumipat sa UK para makapag-civil marriage. Ang cute nga nila tingnan dahil very chill lang ng relationship nila.
Pagkarating namin sa parking lot ay nakasunod lang ako kay Tito Vince sa paghahanap ng sasakyan nito. Huminto ito sa pulang civic at ipinasok niya muna si Hershey sa backseat bago ako i-assist na mailagay sa likod ng sasakyan ang maleta ko.
"Ang tagal ng biyahe mo, ah. Kumain ka na ba o nagmadali kang lumabas ng airport?" Tanong ni Tito Vince at sumakay kami sa kotse.
"Hello Tito Drew." Pagbati ko kay Tito na nginitian naman ako. Bumaling muli ang atensyon ko kay Tito Vince. "Na-traffic po yata kami sa ere kanina. Ewan ko ba ro'n Tito, basta ang tagal namin paikot-ikot. Hindi pa po ako nakakain kasi nahiya po ako sa inyo kasi kanina pa kayo naghihintay sa akin." Pag-amin ko.
"Sus. Sa amin ka pa nahiya." Natatawang sabi ni Tito Vince. "Love, daan tayo sa MOA para makapag-late lunch itong si Kelvin bago magbaba ng gamit niya sa Condo na titirahan niya."
"Walang problema." Sagot ni Tito Drew at nagsimula na siyang lumabas ng parking lot sa NAIA. "Saan mo gusto kumain, Kelvin? Gusto mo sa seaside?"
"Love, tanghaling tapat tapos seaside ka kakakain, Ang init doon. Sa loob na lang ng mall." Utos ni Tito Vince sa kaniya at bahagya akong napangiti dahil ang cute lang talaga nila pagmasdan. Although, marami sa kamag-anak namin (especially 'yong mga matatanda) ang hindi natuwa sa pagpatol ni Tito sa kapwa niya lalaki. Especially 'yong mga religious naming Tita.
Iyon nga yata ang rason kung bakit mas pinili ni Tito Vince na lumipad na dito sa Manila kaysa manatili sa Palawan. Well, look at him now dahil mukha naman masayang-masaya sila ni Tito Drew.
BINABASA MO ANG
The Story of Unit 24-C
Teen FictionKelvin moved to Manila to pursue his study in Ardano University. During his college years, he will share a room with Noah Faustino- a rising basketball player. Can they live together peacefully if Kelvin has a bad first impression to Noah? Or will t...