Kabanata 33: Pwede ba

326 40 6
                                    

KABANATA 33: PWEDE BA
PWEDE BA BY LOLA AMOUR

MATAPOS kumalat ang balita tungkol sa aming dalawa ni Noah ay para akong nag-shutdown sa mundo. Hindi ko na alam kung ano ang mukhang ihaharap ko sa mga tao, sa mga kaibigan ko, sa pamilya ko at lalong-lalo na kay Papa. Dalawang araw na akong nagkukulong dito sa kuwarto at hindi pumapasok.

"Kelvin, nandito ang dinner, ilalapag ko na lang ulit sa tapat ng kuwarto mo." Narinig kong sigaw ni Klent mula sa labas pero hindi ako kumibo. "Siya nga pala, hinahanap ka na sa akin ni Miss Tanya. Ang sabi niya ay siya na ang pupunta sa 'yo rito kung hindi ka pa makapapasok ngayong linggo."

Sigurado naman ako na nakarating ang balita kay Klent dahil taga-Ardano University din naman siya pero buti na nga lang at inuunawa niya ang sitwasyon ko at hindi ako sapilitan pinapalabas o hindi ako sinasabihan na ang arte ko. It's just... ang overwhelming sa akin ng mga nangyayari.

Ako 'yong tipo ng tao na hindi nga pala-post ng mukha ko sa social media. All of a sudden, biglang sunod-sunod na litrato ang kumalat sa kung saan-saang platform na may libo-libong share dahil na-link ako kay Noah na isang UAAP Basketball celebrity. The worst part, parehas kaming lalaki kung kaya't unusual ito sa karamihan... especially sa matatanda.

Wala akong lakas na kinuha ang cellphone ko na nakapatong lang sa kama. Tiningnan ko ang oras at 7:13PM na pala. Natapos ang maghapon ko na nakahiga lang ako sa kamang ito.

Pagbukas pa lamang ng screen ay tumambad na sa notification ang 32 missed calls galing kay Noah. Tadtad din ako ng chat mula sa kaniya sa IG, Facebook, at maging sa iMessage. Kung normal na senaryo ito ay baka nainis na ako sa sandamakmak na message niya pero hindi ko pa siya kayang kausapin.

Hindi ako okay. Hindi nagpa-function ang utak ko at hindi ko alam kung ano ang magiging next move ko.

Lately ay parang nagkakalakas na ako ng loob na sabihin sa lahat ang tungkol sa amin. Especially I received a good support from my Tito's at kay Dom na isa sa mga kaibigan ko. The moment that I slowly opened the closet... I was drag out and exposed.

Saktong may message mula kay Noah galing sa Imessage.

From: Noah
Hey. I hope you are doing better right now and I missed you. Sorry if I suddenly drag you in this mess. Huwag kang mag-alala, hahanapin ko kung sino ang may pakana nito and will fix everything.

From: Noah
Also, may mga reporters na lumapit sa akin kanina kung totoo ang tungkol sa atin... don't worry, I didn't say anything. I don't want to say that we are in a relationship without your consent and hindi ka pa ready. And I do not want to deny it because I might hurt your feelings. Will wait for your response and action first.

From: Noah
Kaya natin 'to. Planning to go to Boracay this weekend to see you.

Naramdaman ko na lang na may luha sa pinsgi ko. "Hindi ko na alam." Ang clouded ng utak ko. Ang daming tumatakbo na nakakapagpraning sa akin.

Oo, gusto kong makasama si Noah dahil siya naman din ang kailangan ko para malampasan ito pero natatakot ako na kapag nagkita kami ay baka mas ma-confirm lang sa ibang tao ang issue. I mean, totoo naman... pero natatakot ako.

Naputol ang malalim kong pag-iisip noong marinig ko na bumukas ang pinto. Napatingin ako kung sino ito— si Klent. "S-Sorry kung binuksan ko 'tong pinto without your consent. Two days ka na kasing hindi lumalabas. Just checking kung okay ka pa... definitely, hindi ka okay. Just checking kung buhay ka pa."

Napaupo ako sa kama. "Galit ba sila Miss Tanya sa akin?" Tanong ko dahil ilang araw na nga kasi akong hindi pumapasok.

"Hindi sila galit. Nag-aalala sila sa 'yo. Ako man nag-aalala sa 'yo. Baka sa hindi mo pagpasok na ginagawa ay bumagsak ka sa internship. You will take this again next sem, made-delay ang pag-graduate mo." Paliwanag niya sa akin at hawak niya ang pagkain. "Kumain ka muna. Ayos ka lang ba?"

The Story of Unit 24-CTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon