KABANATA 5: LIFE'S A BEACH
LIFE'S A BEACH BY NAMELESS KIDS & JEREMY GMABILIS na lumipas ang araw. Christmas break sa school namin at sa buong dalawang linggo ng break ay nandito ako sa condo unit nila Tito Vince at Tito Drew para maki-celebrate ng pasko at Bagong taon. Pinilit nga ako nila Mama na umuwi ngayong break pero sinabi ko na next month na lang ako uuwi.
Next month kasi ay tapos na ang first semester namin sa Ardano University. Magiging magastos lang kung uuwi ako ngayong Christmas break tapos ay uuwi din ako next month. Magastos. Afford naman ng pamilya namin pero nanghihinayang ako sa pera.
Nilalaro ko lang si Hershey sa hita ko habang nakatambay kaming dalawa sa sala. Pumasok sina Tito Drew at Tito Vince sa unit na may dalang maraming paper bag. "Nakaka-stress talaga mag-grocery ganitong malapit na ang pasko. Nagkakaubusan ng stock at ang haba lagi ng pila sa counter." Reklamo ni Tito Vince.
Growing up, hindi ako fan ng pasko o bagong taon. Ganitong Christmas break ay sobrang busy namin sa business namin dahil doon dagsa ang turista sa Palawan, ang pinaka na-e-enjoy ko nga lang ng ganitong panahon ay ang firework display sa Tabing dagat sa El Nido... the rest, sakit na sa ulo at katawan dahil sa pagka-busy.
"La Salle pala ang nanalo sa UAAP this season." Kuwento ni Tito Drew habang inaayos niya sa fridge ang ilang pinamili. "Pumasok ba sa Quarterfinals ang Ardano?" Tanong niya sa akin.
"As usual, talo." Sagot ko sa kaniya. Kahit hindi naman ako fan ng mga sport-sport na 'yan ay nakarating sa akin ang balita dahil sa kadaldalan ni Valeen, pumupunta pa siya sa MOA para manood ng laban. Nandoon nga siya noong moment na nalaglag na ang Golden Bears sa laro, eh.
"Ay, Kelvin, may ilang friends kaming pupunta tonight para maki-celebrate ng pasko. You can invite your friend din kasi marami naman itong lulutuin namin." Sabi ni Tito Vince sa akin.
"Walang kaso po sa akin. Tulong na lang po ako sa inyo sa pagluluto, I can make chicken wings po inspired sa restaurant ni Kuya." Pagpiprisinta ko. Para saan pa na Culinary student ako kung hindi ako tutulong sa kusina sa ganitong season?
"Wala ka bang school friends na puwede mong ma-invite?" tanong ni Tito Vince sa akin.
"They are on vacation din po." Si Valeen ay nasa Taiwan kasama ang pamilya niya. Habang si Jaypee naman ay nasa Baguio raw.
"How about your roommate? Puwede mo siyang i-invite dito, siguro naman ay friends kayo." Pag-a-aya ni Tito.
Saglit akong natahimik dahil matapos ang suka incident at ang pagsabi niya sa akin ng tungkol sa relasyon ni Eya at nang kaniyang ka-team ay wala na kami naging interaction na dalawa. Naiinis ako sa fact na tama siya, saka naiinis din ako na sinukahan niya ako. At saka... hindi ko naman din siya gusto maging kaibigan.
Civil lang kami. Wait, civil nga ba kami, eh, wala nga kaming interaction na dalawa?
"Kelvin." Nabalik muli ako sa huwisyo noong tinawag ako ni Tito Vince.
"Ah, wala din po diyan. Nagbakasyon po sa ibang bansa. Alam ninyo naman, mga burgis ang mga nag-a-aral sa Ardano University, kung saan-saang bansa nakakapunta." Pero sa totoo lang ay wala naman akong ideya kung nasaan si Noah. At wala akong pakialam.
"Sad. Next time ay invite mo na lang sila dito, gusto rin namin ma-meet ang mga kaibigan mo." Tito Vince said.
Kinagabihan ay dumating nga ang mga kaibigan nila from work. Kahit mas bata ako ay hindi naman ako na-out of place sa kanila dahil mga kalog ang kaibigan nila Tito at sinali pa nila ako sa beerpong at uno nila. Overall, it was a nice experience to spend my Christmas and New Year here in Manila.
BINABASA MO ANG
The Story of Unit 24-C
Teen FictionKelvin moved to Manila to pursue his study in Ardano University. During his college years, he will share a room with Noah Faustino- a rising basketball player. Can they live together peacefully if Kelvin has a bad first impression to Noah? Or will t...