KABANATA 27: KURBA
KURBA BY MAKI"CAN you cook kaldereta tonight?" Tanong ni Noah habang hila-hila ang push card. Nag-iikot kaming dalawa sa hypermarket para mamili ng mga stock sa apartment. This is a bonding na every two weeks naming ginagawa ni Noah.
Noong bata ako ay inis na inis ako kapag ang tagal nila Mama mamili sa mga supermarket pero ngayong malaki na ako... gets ko na. Therapeutic mamili sa supermarket.
"Suntukin kita, ang trabaho lutuin no'n." Reklamo ko sa kaniya. "Magprito na lang tayo ng manok."
"We had that already yesterday." Sagot niya.
"E 'di we will have that again tonight. Bawal mag-ulit ng ulam?" Tanong ko at naglagay ng oatmeal sa push cart.
"Kelvs, ang hina ko naman sa 'yo." He said in a sad tone. Pa-cute amputa.
"Huwag ka ngang gumaganyan, sarap putulin ng nguso mo."
"Halikan mo na lang kaysa putulin." Biro niya.
Pinanlakihan ko siya ng mata dahil baka may ibang taong makarinig. "Bibig mo." Ipinagsawalang-kibo niya lang ito. "Ikaw ang bahala magbili ng ingredients."
"What?" He asked confusedly.
"Gusto mo ng kaldereta, 'di ba? Ikaw maghanap ng ingredients." Parang bata na natuwa si Noah habang sini-search sa phone niya ang ingredients ng Kaldereta. Ganyan 'yan, walang alam sa kusina. Marunong lang kumain.
Naging chill ang buhay naming dalawa ni Noah these past few days. In terms of academic naman, I think we are both safe na papasa naman ngayong semester. Paano kasi ay sumasabay din sa akin si Noah kapag nag-aaral ako sa study hall sa condo. Ang ending, mas kabisado ko pa 'yong lesson niya sa Advance Calculus dahil sa akin siya nagpapaturo kung paano mag-solve.
Partida! Ang layo ng course ko sa engineering. Hanep na 'yan.
Matapos mamili ay hila-hila ko ang push cart habang papunta sa food court. Wala na kaming budget ngayong araw para pumunta sa mamahaling restaurant. "Wait lang mag-ikot lang ako sa mall, may bibilihin lang ako." Paalam ni Noah sa akin.
"Anong ibibili ko sa 'yong pagkain?" Tanong ko.
"Sisig."
Ako ang um-order para sa aming dalawa at inabot ng ilang minuto si Noah sa pag-iikot. Pagbalik niya naman din ay saktong dumating na ang in-order namin at mabilisan lang din kaming kumain para makabalik sa condo.
Pagkabalik sa unit ay inilapag ko ang karton sa sahig na naglalaman ng grocery namin.
"Gusto mo tulungan kita na mag-ayos ng mga pinamili nati—"
"Ayoko." Mabilis kong tutol dahil last time na tumulong siya ay maisuksok niya lang kung saan-saan ang mga pinamili namin. Ako kasi ay gusto ko nasa ayos ang lahat para kapag hinanap ko ay alam ko kung saan ko makikita.
"Sungit kahit kailan." Padabog siyang umupo sa couch habang nakahalukipkip ang kaniyang mga braso na parang bata.
"Nagtatampo ka?" Maangas kong tanong pero hindi niya ako pinakinggan at tumalikod pa. "Gusto mong ikaw ang magluto ng kaldereta mo?"
Mabilis siyang tumayo. "Joke lang. Hindi ka mabiro." Ipinalupot niya ang kaniyang kamay sa aking baywang at hinalikan ako ng ilang beses sa pisngi.
"Maglinis ka muna ng katawan bago ka gumanyan-ganyan. Galing kang labas." Sabi ko sa kaniya.
"Okay," he smilingly said. "I will make sure na hindi lang kiss ang gagawin ko once na nakapaglinis na tayong dalawa." He wiggled his brows at napailing na lang ako. Asa 'tong kupal na 'to.
BINABASA MO ANG
The Story of Unit 24-C
Teen FictionKelvin moved to Manila to pursue his study in Ardano University. During his college years, he will share a room with Noah Faustino- a rising basketball player. Can they live together peacefully if Kelvin has a bad first impression to Noah? Or will t...