KABANATA 6: MULA NGAYON
MULA NGAYON BY CARL BELEYISANG Linggo bago magsimula ang second semester namin sa Ardano University. Nandito ako kasama sina Valeen at Jaypee para mag-apply sa private institution na sinabi ni Valeen. Nagbabaka sakali kami na maihabol pa sa second sem 'yong tulong na maiga-grant nila pero kung hindi man... okay lang naman kahit sa second year college na maibigay.
Ang importante lang ngayon ay makakuha ako ng scholarship para makabawas sa gastos nila Mama. "Dala ninyo ba 'yong mga documents na sinabi ko. Xerox ng id, grades, saka birth certificate?" tanong ni Valeen sa amin.
Chineck ko ang hawak kong folder para masigurado na nandoon ang lahat na kailangan na dokumento.
"Basta kapag in-interview kayo kung bakit kailangan ninyo ng scholarship ay sabihin ninyong normal na mamamayan lang kayo ng Pilipinas." Payo niya sa amin. Binilin niya nga sa akin na huwag ko raw sasabihin na may ari kami ng hotel sa El Nido. Ang sabihin ko raw ay small business at sapat lang ang kita para maka-survive sa araw araw. Sabi niya pa na baka kapag nalaman daw nila na may kaya ang pamilya namin ay maligwak na ako agad sa scholarship.
Mukhang batak na batak si Valeen sa ganito dahil ang dami niyang tips na ibinigay.
Habang nasa pila kami ay nag-uusap-usap lang kami ng mga random na bagay. Especially 'yong mga naging highlight namin sa bakasyon nila sa El Nido.
"Alam mo, mag-a-anim na buwan na tayong magkakasama, ni-minsan ay hindi kami nakatambay sa condo mo, Kelvin." Sabi ni Jaypee sa akin.
"Magulo." Tipid kong sagot. "Saka nakakahiya sa roommate ko."
"Kumusta naman 'yong roommate mo? Baka guwapo 'yan, ah! Pakilala mo naman ako!" Biro ni Valeen.
"Anong pakialam ko kung guwapo siya o hindi?" Natatawa kong balik sa kaniya. "Basta magka-room lang kami, hindi kami magkaibigan."
"Ay wow, may cold war kayong dalawa samantalang ang tagal ninyo ng magkasama." Komento ni Valeen. "Bakit, kumusta ba siyang rooommate?"
Saglit ako napatigil dahil kung alam lang nila 'yong pagtitiis ko sa lalaking iyon.
Minsan ay hindi naghuhugas ng pinagkainan, ako pa ang gumagawa pagkauwi ko sa hapon. May mga pagkain din sa sala na itinatapon niya lang sa ilalim ng couch. Makalat sa gamit. Akala mo ay wala siyang kasama sa kuwarto sa pagiging balahura niya.
Kapag nainis ako ng gagong 'yon ay ipo-post ko talaga sa social media kung gaano siya kabalahura para malaman ng tao kung gaano kapangit na ka-room ang hinahangaan nilang basketball player.
"Sakto lang, magkaiba lang kami ng ugali saka schedule kaya hindi kami close." Paliwanag ko. Ayoko naman siraan pa rin siya sa ibang tao dahil may reputasyon pa rin naman siya sa school.
Mahaba ang naging pila namin at bandang alas-dos na noong natapos kami. Pagkatapos namin pumila sa scholarship ay tumungo naman ako sa College of Home Economic building para tumulong kay Miss Cheska.
Marami rin kasi siyang inaasikaso lalo na't magpapasukan na.
***
SIMULA na ng second semester at as usual,ganitong unang linggo ay hindi gaano nagtuturo ang mga professors. Pero karamihan sa kanila naman ay nag-heads up na mas mapapadalas na raw ang pagluluto namin kung kaya't maghanda na kami na posibleng maging magastos ang sem na ito.
Mabuti na lang talaga at nakapag-ipon naman ako kahit papaano sa pagsa-sideline ko kay Miss Cheska bilang SA.
"Ang dami-daming puwedeng PE ngayong sem! Bakit Volleyball pa!?" Mahinang reklamo ni Valeen habang naglalakad kami patungo sa gym. Wala naman akong problema kung Volleyball ang PE namin, ang kaso... Summer na ngayon at ang taas pa ng heat index. Ang init-init maglaro ng mabigat na pisikal activity.
BINABASA MO ANG
The Story of Unit 24-C
Teen FictionKelvin moved to Manila to pursue his study in Ardano University. During his college years, he will share a room with Noah Faustino- a rising basketball player. Can they live together peacefully if Kelvin has a bad first impression to Noah? Or will t...