KABANATA 20: TAGUAN
TAGUAN BY JOHN ROAHINDI ko pinansin kung ano man ang nararamdaman ko kay Noah dahil baka sa dalas namin magkasama ay kung ano-ano nang naiisip ko. I mean, we are together for a year now under the same roof. Marami pa sa mga activities na ginagawa namin ay lagi kaming magkasama kagaya ng jogging, workout, panonood ng movie, pagtambay sa cafe, and he even spent his summer vacation sa lugar namin.
Iyon lang siguro marahil ang dahilan kung bakit may mga diablong thoughts na tumatakbo sa utak ko paminsan-minsan. Masyado na kaming dikit sa lahat ng bagay.
"Hey," Nabalik ako sa huwisyo nang ikaway ni Noah ang kamay niya sa mukha ko. "I thought you are gonna be late with your first subject. And yet, here you are... staring blankly at my face. Napopogian ka na 'no?" He chuckled.
"Kapal mo, mukha kang bola na pabigat sa buhay ko." Naiiling kong sagot at kumain na ng egg sandwich.
"Ouch. So grumpy. Aga-aga." Hindi naman din dinidibdib ni Noah ang mga lumalabas sa bibig ko dahil alam niya naman na ganoon lang talaga ako magsalita. Blunt. But I don't mean it.
Sumubo siya ng egg sandwich niya at mata sa mata akong tiningnan. Kumunot ang noo ko sa pagtataka.
"Problema mo?" Tanong ko.
"Did I do something off these past days? Dahil ba 'yon sa nilanggam na isang baso ng ice cream na naiwan ko sa lamesa last time?" He curiously asked. Wow, naalala niya pa 'yon samantalang nakalimutan ko na 'yong bagay na 'yon.
"Wala naman problema. Nababaliw ka lang." Sagot ko sa kaniya.
"No. There is really something off. You are aloof these past few days." He gazed to me like he is analyzing my actions.
Umiwas ako ng tingin at lumingon sa sala. "I don't know what you are talking about."
"Hindi ka pumayag na mag-movie night tayo, dalawang araw na." Sabi niya.
"Eh may quiz ako no'n. Nakita mo pa ko na nagre-review sa study table ko." Depensa ko.
"How about when I invited you na may newly discovered akong cafe sa QC, you declined it."
"Eh may groupings kami no'n tapos kailangan namin bumili ng ingredients. Alangan namang sumama pa ako sa 'yo kakasimula pa lang ng sem." Depensa ko ulit. Ako naman ang tumingin sa kaniya. "Teka nga, bakit ba pinapalabas mo na iniiwasan kita?"
"That's what I felt that time. I am just being vocal." Sagot niya sa akin.
Well slightly true naman na hindi ako sumasama o sumasabay niya sa trip niya lately. It just, ayoko lang magkaroon ulit ng mga weird thoughts na parang gusto siyang halikan o kaya naman ay kiligin sa mga simpleng words na lumalabas sa bibig niya. Tangina, hindi normal 'yon sa magkaibigan.
"Napa-praning ka lang. Kapag may free time ako ay sasamahan naman kita, hindi naman kita pagdadamutan ng oras. Masyadong busy lang this sem." Sagot ko at napatingin sa orasan. "Male-late na ako, kailangan ko nang maligo."
Kinain ko ang sandwich at nagmamadaling naglakad papasok sa kuwarto para kumuha ng damit para makaligo
***
MATAPOS ang araw ay bumawi naman ako kay Noah. Inuwian ko siya ng macaroons na ginawa namin ngayong araw at pumayag akong manood ng movie. Baka umiyak na kakatampo, eh. Daig pa batang nagmamaktol dahil panay pagpupumilit sa akin kanina sa chat. Muntik ko pa ngang i-block sa buwisit.
"What do you think about the movie that we watched?" He asked habang nakaupo na lang kaming dalawa at inuubos ang mga natirang tsitsirya. We decided to watch a Filipino movie titled Dead Kids.
BINABASA MO ANG
The Story of Unit 24-C
Teen FictionKelvin moved to Manila to pursue his study in Ardano University. During his college years, he will share a room with Noah Faustino- a rising basketball player. Can they live together peacefully if Kelvin has a bad first impression to Noah? Or will t...