Kabanata 22: Lanamantayo

429 41 23
                                    

KABANATA 22: LANAMANTAYO
LANAMANTAYO BY KENANIAH

BUKAS na ang birthday ni Noah pero ito ako, namomroblema sa kung anong ireregalo sa kaniya. Para kasing hindi naman na kailangan ng materyal na bagay ng mokong na iyon. He can easily buy it kung gugustuhin niya. Saka nakahihiya na bigyan ng murang regalo dahil mukhang expensive na tao si Noah.

"Ano ka ba, feeling ko naman ay hindi maarteng tao si Faustino. It's the thought that counts." Sabi ni Valeen habang sinasamahan niya akong mamili sa mall na maaaring iregalo. "Saan ba gaganapin ang birthday ng UAAP celebrity mong roommate?"

"Isang bar daw sa Pobla, eh." Sagot ko sa kaniya. Ayan na naman nga si mokong sa bar-bar niya at kapag napahamak na naman ay iyak-tawa na naman siya.

Binalaan ko naman siya pero ang sagot niya lang ay nandoon naman daw ako. Hindi ko naman daw siya pababayaan. Talagang pinanindigan ni gunggong na magiging bantay niya ako sa birthday niya.

"Mayaman talaga." Sagot ni Valeen sa akin at napunta kami sa funko pop na store dito sa mall. "Puwede naman i-celebrate na lang sa condo ninyo tapos ikaw na lang magluluto sa mga bisita niya."

"Ay hindi. E 'di dinagukan ko siya. Gagawin pa akong alila kung magkataon. Mas okay nang sa bar siya mag-salubong ng birthday." Paliwanag ko. Ini-imagine ko pa lang ang hassle nang pagbili ng mga sangkap at maghapon na magluluto sa kusina ay nararamdaman ko na agad ang sakit ng likod at pagod ko. Asa siya.

Bigla kong naalala na isa sa mga paboritong series ni Noah na napanood ay Stranger Things. Masuwerte na nga lang na mayroon din sa sila sa funko pop store dito. Sa tingin ko naman ay ma-a-appreciate niya naman kung bilihan ko siya nito. Kung hindi... e 'di dadagukan ko siya.

Pinili kong bilihin si Dustin at si Eleven dahil kapag nagkukuwentuhan kami tungkol sa Stranger Things ay bukambibig niya ang dalawang characters na ito.

Tiningnan ako ni Valeen. "Laruan talaga, Kelvin?"

"What?"

"Wala sa mukha ni Noah ang mahilig mangolekta ng ganiyan."

"Akala mo lang. Mas isip bata pa sa 'yo 'yon." sagot ko. Aminado naman din ako na iba ang awra ni Noah kung hindi mo siya nakakausap dahil parang ang sungit ng vibes niya (Dito papasok ang first impression ko). Pero kapag nakausap mo naman siya, mas ulol pa sa mga ulol. Lahat ng kagaguhan alam.

"Sa bagay, live-in naman kayong dalawa. Mas kilala mo siya kaysa sa akin. Argh! So Domestic." She rolled her eyes at napailing na lang ako.

"Gusto mo palit na lang tayo." Biro ko.

"Oh sige!" Walang alinlangan sagot ni Valeen. "Sarap kaya ni Faustino. Akitin ko pa 'yan, eh."

Matapos namin mamili ay tumuloy naman kami sa meat section ng supermarket para mamili para sa nalalapit na naman naming pagluluto. Walang kamatayang luto na lang. Kaunti na lang ay magiging toyo o suka na ko.

Pagkauwi ko sa Condo ay buti na lang at wala pa si Noah. Hinayaan ko na lang sa paperbag ng funko pop nakalagay ang regalo ko pero tinanggal ko ang presyo siyempre. Itinago ko iyon sa aparador ko upang hindi niya makita. Alam niya kasing ayokong pinakikialamanan ang mga gamit sa puwesto ko.

***

NASA sasakyan na kaming dalawa at papunta na sa Bolthole kung saan magaganap ang birthday salubong niya. Medyo kinakabahan pa nga ako dahil hindi ko naman kakilala halos lahat ng kaibigan niya. Baka ma-OP lang ako pero dahil birthday niya naman. Pagbigyan na. Ngayong araw lang naman.

"Siguraduhin mong makakapag-drive ka pa pauwi at hindi ka masosobrahan sa alak." Paalala ko sa kaniya.

"Oh come on, Kelvs. Sa 'yo na rin nanggaling na tumataas na ang alcohol tolerance ko. And you are there, pretty sure you will never neglect me kung malasing man ako." Nakangiting sabi niya habang tutok ang mata niya sa pagda-drive.

The Story of Unit 24-CTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon