Kabanata 16: Dahan-dahan

514 44 10
                                    

KABANATA 16: DAHAN-DAHAN
DAHAN-DAHAN BY ROB & THE HITMEN

"MGA gago kayo, wala man lang akong oras para magpahinga." Reklamo ni Darius habang kinakabitan na siya ng safety gear sa gagawin naming Canopy walk. "Lumipad na ako ng eroplano ng isang oras. Nag-van na ako ng limang oras. Tapos ngayon babanatan ninyo ako ng magbubundok tayo agad-agad!?"

Tawa lang kami nang tawa ni Noah sa sunod-sunod na reklamo ni Darius kasi wala na siyang magawa. "Sabi ko sa 'yo sumabay ka na ng flight sa amin, eh."

"Matapos ninyo akong biglain ng El Nido. Kasalanan ko pa ngayon?" Maging ang mga staff nitong tour ay natatawa sa reklamo ng kaibigan namin. "Pasalamat kayo malakas kayo sa akin."

"It's okay, Darius. Food trip naman tayo pagkatapos nito." Paninigurado ko sa kaniya para naman ma-motivate man lang siya. Ramdam ko kasi 'yong pagod niya sa sunod-sunod na biyahe na ginawa niya ngayong araw.

"Ay dapat lang! Kung after nito ay mag-island hopping tayo agad. Iwan ko na kayo, uwi na akong Luzon."

"Iyon nga 'yong gusto ni Noah." Sabi ko at mabuti na lang tumutol ako. Palong-palo ang bakasyon na gusto ng mokong dahil gusto niya siksik sa activities ang bawat araw nila dito. E 'di sila na lang! May araw nga na gusto ko nga lang mahiga kaysa mag-entertain ng mga bisita.

"That's vacation should look like. Bumuo ng maraming core memories." Depensa niya.

Matalim siyang tiningnan ni Darius. "Ulol."

Matapos nang saglit na instruction at pagkakabit sa amin ng safety gear ay nagsimula na kami mag-trekking paakyat sa isang rock formation. Hindi na bago sa akin ito dahil ilang beses ko nang naakyat ang lugar na ito. Quick trail lang naman din ito.... Maximum na nga yata ang 30 minutes na lakad kung walang picture-picture na magaganap.

Tawang-tawa lang kami ni Noah sa mga reklamo ni Darius habang nagte-trail kami.

Napawi naman iyon dahil sa breath taking na view sa tuktok. Mula rito ay matatanaw ang kabuuan ng isla. Makikita ang mga barkong dumadaong, ang mga rock formation na nakapaligid sa dagat. Ang dagat na kumikinang kapag nasisinagan ng araw, Mabuti rin at nakisama ang panahon.

"Wow, this is beautiful." Sabi ni Noah habang kinukuhanan ng video ang view. "Sa mga textbook ko lang nakikita ang ganitong view sa El Nido. It's more prettier when you see it with your bare eyes."

Napangiti naman ako dahil kita sa mata nila ang appreciation sa lugar namin. Noong bata ako ay hindi ko talaga ma-gets bakit gustong-gusto puntahan ng mga tao itong El Nido kasi growing up... normal sa akin 'yong view. Pero ngayon na tumira ako sa Manila ng halos isang taon at bumalik dito, masasabi kong maganda nga rito.

"Kuya, puwedeng pa-picture kaming tatlo?" Noah asked sa tour guide namin na pinaunlakan naman nito.

"Ayoko sumama." Sagot ko. "Kayo na la—"

Hindi ko na natuloy ang sinasabi ko noong hinitak na ako ni Noah at pinagitnaan ng magpinsan.

"One... Two... Three." Bilang noong tourguide at wala na akong nagawa kung hindi ngumiti sa bawat shot na ginawa niya.

Sinulit namin ang view ng mga fifteen minutes at noong medyo sumakit na sa balat ang init ay napagdesisyunan na naming bumaba.

"You don't like taking pictures?" Tanong ni Noah habang naglalakad kami pababa.

"Hindi lang ako fan. I mean gusto kong kinukuhanan 'yong moment kagaya ng view, pagkain, event. Pero ako mismo na selfie? Hindi ako fan." Sagot ko sa kaniya.

"Why?" He curiously asked.

"Kailangan ba may rason? Feeling ko lang ay pangit ako sa mga litrato. Iyon lang 'yon." Paliwanag ko sa kaniya. "Don't get me wrong, dahil madalas naman din napupuri ako. Pero ako lang 'tong may self confidence problem."

The Story of Unit 24-CTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon