Kabanata 9: Kapit Lang

471 40 5
                                    

KABANATA 9: KAPIT LANG
KAPIT LANG BY STEPHEN KU

PARANG kahit saan ka magpunta ngayon sa Ardano University ay usap-usapan ang cheating issue ni Noah. Paano ba naman ay gumawa siya ng ingay last year dahil sa pagiging guwapong athlete sa UAAP, hindi lang siya sa school kilala maging sa mga baby bra warriors sa social media.

"Sabi ko sa inyo. May tinatago rin 'yang baho si Faustino na 'yan!" Sabi ni Valeen na parang akala mo hindi niya tinilian ang gago last year. Nasa ibaba kami ng college namin at nakaupo sa mga table. Kumakain kami ng meryenda bago ang sunod naming prelims exam.

Parang kahit saan akong parte ng university mapunta ngayong linggo ay puro Faustino at Noah ang usapan. Kumbaga sa X na app, ito ang number 1 trending sa Ardano University.

"Parang wala naman sa mukha ni Noah na magagawa 'yon. He is loyal naman sa mga nakarelasyon niya noong senior high kami." Komento ni Aya habang kumakain ng fishball.

"Beh! Hindi porket good-good image siya noong Highschool kayo ay ganoon pa rin siya ngayon. Palibhasa nabarkada sa mga gago ng seniors na athlete. Baka nahawa, kita naman sa picture, hindi niya girlfriend 'yong kahalikan niya."

Nagbabasa ako ng notes ko at wala akong pakialam sa pagtatalo nila. Ang mahalaga sa akin ngayon ay maipasa ang prelims man lang, wala kasi akong opportunity na mag-review na malala these past few days dahil nandoon nga si Darius na daldalito. Speaking of Darius ay na-miss ko naman din bigla ang gago dahil wala ng hyper sa unit.

"Let us wait for his statement first." Eya said to her.

"Ay hindi! Lapat na lapat ang labi tapos may statement pa siyang ikakana? Cheating is cheating beh." Parang tanga ang dalawa na akala mo ay may plus points sila sa pagdedebate nila sa issue ni Noah. Bigla akong kinalabit ni Valeen at naputol ang pagsasaulo ko. "Ikaw, Kelvs, anong opinyon mo sa issue ni Noah?"

"Opinyon ko? Hmm..." Kunwari akong malalim na nag-isip at tiningnan ng mata sa mata si Valeen. "Wala akong pakialam."

She rolled her eyes at hinampas ang braso ko. "Whatever. Tipikal na lalaki na walang katsismis-tsismis sa katawan."

Kasi totoo naman na wala akong pakialam sa issue niya. Nagulat, oo. Pero halata naman din na party goer si Noah. Ang bobo nga lang niya dahil nakipaghalikan siya ng may girlfriend siya. Mas may pakialam pa ako ngayon sa prelims exam kaysa sa issue niya. Hindi naman ako ipapasa ng issue-issue na 'yan.

Kinagabihan ay nagluto ako ng adobong baboy dahil sabi ni Noah ay gusto raw niyang makatikim ng luto ko. Mag-isa akong kumakain habang nag-i-scroll sa Tiktok noong bumukas ang pinto ng unit. Napatingin ako sa kaniya at mukhang galing siya sa training dahil naka-jersey pa siya.

"Bango, ah." Komento niya habang nakatingin sa kusina.

"Nagluto ako. May sobra pa, puwede kang kumain." Hindi ko sinabi na para sa kaniya talaga 'yong natira dahil baka pumalakpak ang tainga ng gago.

Pakiramdam ko kasi ay naging pangit na araw 'to sa kaniya. Kahit sa pagkain man lang ay mabawasan ang bigat ng dibdib niya.

Wala akong pakialam sa kaniya, naaawa lang ako.

Ibinaba niya muna ang gamit niya bago kumuha ng kanin at ulam para kumain. Umupo siya sa tapat ko at tahimik lang siyang kumakain. Pansin ko rin ang pagtunog madalas ng cellphone niya dahil sa notification. Napatingin siya sa akin at sinilent ito dahil sa hiya. "Sorry. Busy lang ngayon."

"Wala naman akong sinabi sa notif mo." sagot ko sa kaniya.

"How's the prelims?" Tanong niya. "This was good by the way. Or baka ngayon lang ako nakatikim ng lutong bahay ulit."

The Story of Unit 24-CTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon