Kabanata 4: Namumula

531 40 5
                                    

KABANATA 4: NAMUMULA
NAMUMULA BY MAKI

"THAT'S it for our presentation for today. Do you guys have any questions or clarification regarding the topic that we discussed?" Tanong ko sa harap ng klase. Kukutusan ko talaga ang magtatanong ngayong araw.

Halos sampung segundo naging tahimik ang klase at mukhang naintindihan naman nila ang presentation namin. "Very good Mister  Santillanes and Miss Esquivel. Very detailed and the power point is very good." Nakangiti naming napatango-tango si Sir Ramos.

Nagkatinginan kaming dalawa ni Eya at pasimpleng nag-apir. Dapat lang talaga na ma-very good ako sa powerpoint na iyan dahil grabe ang pinagdaanan ko sa paggawa niyan.

Hanggang ngayon ay klaro ko pang naaalala kung paano ako sukahan ng gago kong roommate at kung paano ako magbasahan ng sahig. Nakakadiri, tangina! May mga buo-buo pang sisig at... ayoko na lang talaga ipaliwanag. Basta nakakadiri. Ang nakakabuwisit pa, ang sarap na nang tulog niya samantalang ako ay hanggang alas-kwatro ng umaga ay naglilimas ng suka niya para lang hindi kumapit sa unit ang amoy.

Isa-isang nag-present ang mga kaklase namin at isa kami ni Eya sa mga nakakuha ng mataas na points. Pakiramdam ko naman ay deserved namin dahil talaga naman pinaglaanan namin ito ng oras at maganda 'yong mga input namin na binato sa isa't isa.

Bago ang klase namin sa GE112 ay nakatambay kami nila Valeen sa table malapit sa classroom. May one hour vacant pa kasi kami bago ang sunod na klase namin sa math. "Nanonood ka ba ng UAAP?" tanong sa akin ni Valeen habang ginagawa niya ang assignment namin sa Math.

"Hindi, I rarely watch TV." Totoo naman dahil mas ma-netflix akong tao kaysa manood pa ng live broadcast ng mga laro sa TV.

"Sayang, hindi mo nakikita kung gaano ka-guwapo si Faustino sa camera. First year pa lang pero grabe, ang sarap na niya agad!"Komento ni Valeen.

"Diyan ka magaling, sa guwapo perfect score ka samantalang sa assignment ngayon ka pa lang gumagawa." Reklamo ni Jaypee sa kaniya.

"Mapapasaya ba ako ng assignment!? 'Di ba hindi!" Depensa ni Valeen.

"Maipapasa ka ba ng mga guwapo? 'Di ba hindi." Balik ni Jaypee sa kaniya.

"Hay naku, basher ka ng buhay ko. Hater." Valeen rolled her eyes at nagpatuloy na sa paggawa.

Grabe ang puri kay Noah sa social media pero hindi nila alam kung gaano kadugyot bilang ka-roommate ang gago na 'yan. Makalat sa gamit dahil 'yong mga pinaggamitan niyang damit ay nakakalat lang sa kama niya. Nakakalat lang ang gamit niya sa school sa study table, madalas puma-party tapos susuka pagkatapos.

Hay naku. Siya talaga ang nabubuhay na pruweba na hindi lahat ng nakikita mo sa social media ay totoo.

"Hello, guys," lumapit sa amin si Eya at instant na napangiti ako. "May assignment na kayo sa GE112? Puwede paturo, may certain topic kasi akong nahihirapan ako."

"Uhm..." Bumaling ang tingin sa akin ni Valeen at ngumisi. "Itong si Kelvin, free siya right now then tapos na siya sa assignment."

Napatingin sa akin si Eya. "Sorry ako ulit, puwede paturo. Promise, once na ma-gets ko na 'yong topic ay hindi na kita iistorbohin."

"Parang others naman ako sa 'yo." Biro ko at kumuha ng yellow pad sa bag. "Tara, turuan kita."

Medyo lumayo kami ni Eya para makapag-focus siya. Detailed kong ipinaliwanag sa kaniya ang bawat equation sa assignment and kung ano 'yong mga formula na dapat gamitin. Tinuruan ko rin siya ng mga shortcut para hindi na siya matagalan sa pagso-solve. Sobrang thankful si Eya dahil mas naintindihan niya raw ang topic ngayon.

The Story of Unit 24-CTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon