Kabanata 30: Alon

402 42 8
                                    

KABANATA 30: ALON
ALON BY SID LILY

SA Hennan Resort nag-stay kaming pamilya para sa bakasyon na ito. Ang mahal ng stay dito per night pero si Kuya naman ang may sagot kung kaya't hindi na ako umangal. Ang rason ni Kuya, minsan lang kami magbabakasyon mag-anak kung kaya't hindi dapat iniisip ang magagastos. Mas mahalaga daw ang comfort dahil may kasama kaming dalawang matanda at isang baby.

E 'di wow. Ang dami niyang alam.

Magkasama kami sa kuwarto ni Noah. Sa kabilang kuwarto ay sina Mama, Papa, at Ate. Sa huling kuwarto ay si Kuya at ang kaniyang mag-ina.

"Ilang araw ka pa lang dito pero parang mas naging moreno ka," Sabi ni Noah habang nag-u-unpack ng mga gamit niya. Isinusukbit niya sa hanger ang mga susuotin niya.

"Moreno naman talaga ako. Pauso ka." Sagot ko at umupo sa maliit na couch ng kuwarto. "Buti pinayagan kang magbakasyon? Captain ka pa naman ng Golden Bears ngayon."

"Binigyan kami ng three days off para raw okay kami mentally pagpasok ng bagong season. I do not waste any moment, nagpaalam ako sa lead ko sa firm na magbabakasyon ako at nag-book agad ako ng flight pa-Caticlan." He said and looked to my direction. "I bet you missed my face na kasi."

Napakunot ako ng noo. Nanaginip ng gising si Tanga. "Tibay ng mukha mo. Payapa ang mundo ko rito."

Napasinghal si Noah na parang nainis. "Yeah, right, the Dom guy is here nga pala."

"Si issue." Naiiling kong sabi. "Last week pa nga huli kong kita kay Dom. Saka may girlfriend 'yong tao, hayaan mo na siyang huminga ng matiwasay."

"Yeah. Whatever."

Naputol ang kuwentuhan namin noong kumatok si Ate Keanna. "Gusto raw umikot nila Mama sa D-Mall. Sasama ba kayo?" Tanong niya.

"Wow. Dami naman nilang energy." Sagot ko na lang dahil nag-land travel sila papunta sa Lio airport, nag-eroplano pa-Caticlan, boat ride papunta sa mismong Boracay. Tapos game pa din sila na mag-ikot.

"Epekto 'yan nang pagsama-sama ni Mama sa zumba sa baranggay. Mas humaba ang stamina niya." Sagot ni Ate. Atleast kahit kalahating tsismis ang ginagawa nila sa zumba ay umayos-ayos naman ang health condition ng nanay ko.

Tiningnan ko si Noah kung game ba siya. "Ayos lang sa akin. I am just staying here for three days so I will maximize the time."

"Hintayin namin kayo sa ibaba." Ate said at lumabas na ng kuwarto namin.

Saglit lang ako naghilamos at nag-toothbrush. Hindi na ako nagpalit ng damit dahil malinis pa naman ito. Si Noah naman ay walang hiya-hiya na naghubad sa harap ko at kumuha ng panibagong set ng damit na maisusuot. Punong-puno na kasi ng pawis ang damit niya kanina.

"Like the view?" Tanong niya habang isinusuot ang gray t-shirt niya. Kitang-kita pa ang well-built niyang katawan na bugbog sa kahit anong training at workout.

"Mayroon din ako niyan." Sagot ko. "Ang tagal mo gumayak tayo na lang ang hinihintay."

"So grumpy." He said at nag-spray na ng pabango. Bago kami lumabas ay binigyan niya muna ako ng mahigpit na yakap at halik sa pisngi dahil na-miss daw ako ni Noah. Sino sa aming dalawa ang naka-miss ngayon?

Hindi na sumama sila Kuya dahil nagpapahinga daw si Baby Ruan. Ito rin ang hirap kapag mga parents na may sanggol pa, eh. Sobrang restricted ng bawat galaw. Hinayaan na lang din namin dahil family bonding nila iyon.

Naglakad lang kami papunta sa D-Mall at itong si Noah ay parang nasa graded recitation dahil bibong-bibo sa pag-entertain kanila Mama. May ilang nakakilala sa kaniya at nagpa-picture. Aliw na aliw naman sila Papa dahil may kasama raw silang artista.

The Story of Unit 24-CTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon