Kabanata 23: YK

502 50 23
                                    

KABANATA 23: YK
YK BY CEAN JR.

SA HINDI ko malamang dahilan ay buong birthday party niya ay ramdam kong parang may inis sa akin si Noah. Ano na naman bang ginawa ko sa lintek na 'to? Lumabas lang naman ako dahil sumasakit na ang ulo ko sa mga laser light at fog machine. Birthday na birthday ay gumagawa siya nang kaiinisan niya na siya lang din ang may gawa. Siraulo.

"Problema nito?" Tanong ko kay Eya habang nakatayo kami at itinuro si Noah. I am just nodding my head dahil sa malakas na tugtog at may hawak akong isang bote ng Smirnoff.

"Huh? He is okay a while ago noong sinundo ka sa labas." She explained to me. "Hindi ba kayo nagtalo nung nasa labas kayo?"

Itinaas-baba ko lang ang balikat ko para sabihing malay ko.

"Baka hindi lang siya pinapatulan ng trip niyang babae ngayong gabi." Bulong ko na lang at ipinagsawalang-bahala ang inis na nararamdaman ni Noah.

The night continued at unti-unti nang kumakaunti ang tao sa bar. Alas-dos na ng madaling araw at iilan na lang kaming nandito.

"Sure ka, kaya mo na si Ronn?" Tanong ko kay Eya habang nakaangkla sa balikat niya ang susuray-suray maglakad na si Ronn. "Anong sasakyan ninyo? Siya magda-drive?"

"Ako na ang magda-drive. Huwag kang mag-alala, Ronn has permission to be wasted this night. Ako na ang bahala dito." Sabi niya at pinagmasdan si Noah na nakaupo sa isang table at nakadukdok ang ulo sa lamesa. "Eh si birthday boy? Paano?"

"Ako na din bahala sa kaniya." Iiling-iling kong sabi.

Nauna nang umalis sila Eya habang ako na ang nagpaalam sa iilang mga kaibigan ni Noah na natira rito. Sinabi ko lang na uuwi na kami.

Kinalabit ko si Noah at namumula ang kaniyang mukha dahil sa alak. He smiled to me like a kid. "Why are you still here? Talk to your friend na."

"Wala na, nakaalis na sila Eya. Tara na." Pilit kong itinayo si Noah at hinayaan ko siyang maglakad mag-isa. Hawak-hawak ko kasi sa magkabilang kamay ang mga paperbags na regalo sa kaniya.

Side character moments talaga. Naging instang alalay ako dito.

Habang naglalakad kami ay kinakanta niya ang kanta ni Jay Sean na kanina'y tumutugtog sa bar. Buti na lang talaga ay nag-basketball player.

Naka-park ang kotse niya sa hindi kalayuan. Hirap na hirap ako sa dami ng dala ko. Siya na Mr. Congeniality na maraming nagregalo.

"Ang usapan natin ay seven shots ka lang ng JD. Pero tingnan mo, lumagpas ka nga yatang sampu." Reklamo ko at inilapag sa sidewalk ang mga regalo. "Buksan mo 'yong likod ng sasakyan para mailagay na 'to. Gusto ko na mahiga."

"It's your fault why I drink more than seven." Depensa niya. Binuksan niya ang likod ng sasakyan at pinalamig na rin ang aircon sa loob.

"Kasalanan ko? Ang sabihin mo, may alcohol problem ka. Hindi 'yong isisisi mo sa akin na wala kang kontrol sa alak." Sagot ko sa kaniya at padabog na inilagay isa-isa ang mga regalo, bahala na kung may babasagin dito. Makukuha pa ng gagong 'to ang inis ko, eh.

"Argh. Ewan ko na." Napasabunot siya sa ulo niya.

Napakunot ang noo ko." Problema mo?"

"Wala." He sighed.

Tumalikod siya sa akin. "Oh, saan ka pupunta? Huwag mo akong tinatalikuran Noah, mag-ga-grab talaga ako pauwi kapag ako nainis mo." Sabihin niya lang gawa.

"I need to pee." He said at tumapat sa gilid ng isang pader.

"Kaya mo bang mag-drive?" Tanong ko.

"Kaya ko." Sagot niya. "Susuka na lang ako para mabawasan ang bigat ng ulo ko."

The Story of Unit 24-CTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon