Kabanata 14: Hayaan

450 42 19
                                    

KABANATA 14: HAYAAN
HAYAAN BY CHRSTN

HINDI ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip ni Noah kahapon kung bakit niya ako nagawang halikan? Dahil ba epekto ng alak? Apat na bote ba naman ng smirnoff ang sinarili niya, eh. Kahit nga siguro 'yong endorser sa LED billboard kagabi ay hindi inasahan ang ginawa niya, eh.

Hindi ko naman unang halik si Noah dahil nagna-night out din naman ako sa El Nido noong nandoon pa ako. Minsan ay may nahahalikan ako dahil sa dare, minsan ay may humihigit na lang sa akin at hahalik. Pero hindi naman umaabot na mapupunta kami sa sitwasyon na gagawa kami nang kababalaghan. Alam ko naman ang limitasyon ko sa mga ganoong bagay.

Pero iba 'to, eh! Lalaki si Noah! Siya ang unang lalaki na humalik sa akin.

"Huy." Nabalik ako sa huwisyo noong marinig ko ang boses niya. Magkatapat kaming dalawa sa lamesa para kumain ng binili kong lugaw. "You are spacing out for a while now. Did I do something dumb yesterday?" Kunot-noo niyang tanong habang pilit inaalala ang mga nangyari kagabi.

"Wala, no'ng tumayo ka para maglakad ay natumba ka na lang. Perwisyo ka talaga kapag nalalasing." Sabi ko at kumain. Well, totoo naman 'yon dahil ako mag-isa ang kumaladkad sa kaniya pababa sa Unit 24-C. Nakadalawang balik pa ako dahil una ko siyang hinatid tapos ay bumalik pa ako para kuhanin ang mga pinagkainan namin.

"Sorry na nga. Aray." Napakapit siya sa ulo niya noong makaramdam ng kirot.

"Alak pa." Sagot ko. Ipinagsawalang-kibo ko na lang ang nangyari kagabi lalo na't dala lang ito ng kalasingan ni Noah.

Kumuha si Noah ng tokwa bago sumubo ng lugaw. "But you know, I had a weird dream yesterday na parang totoo." Sabi niya at napatigil ako. Hinintay ko talaga ang mga susunod niyang sasabihin. "I kissed Sarah yesterday. Weird. It feels like real."

Nakahinga ako ng maluwag. "E 'di balikan mo. Inaalala mo pala, eh."

"Why are you so grumpy this early morning?" Kunot-noo niyang tanong sa akin. "Isipin na lang natin na goodbye kiss ang nangyari kahit sa panaginip man lang." He smiled again.

"Nabaliw ka na diyan." Mahina kong sabi.

"Anong sinabi mo?"

"Sabi ko pagkatapos kumain ay ikaw na ang magligpit dahil ako ang bumili sa baba kanina. At saka, 10AM klase ko." Paliwanag ko.

"Oh, sakto, sumabay ka na sa akin. 10AM din ako papasok."

"May jeep naman na no'n."

"Oh come on, Kelvs. Pambawi ko sa perwisyo ko sa 'yo kagabi." Hindi na ako kumibo dahil sayang din 'yon. Libreng sakay, aircon pa. Bakit ako mag-iinarte pa? Siya itong mapilit, eh.

Mabilis lang akong gumayak at maging si Noah. Isinukbit niya ang T-square at duffle bag sa balikat niya. "'Yong jersey mo, nakasampay pa sa veranda." Paalala ko sa kaniya

"Shit. Oo nga pala." Sabi niya at pumunta sa veranda. "Thanks for reminding me, Kelvs."

"Sino bang mapeperwisyo kung maiwan mo 'yan? Ako rin naman." Sagot ko sa kaniya.

Naglakad na kami pababa sa basement parking para kuhanin ang sasakyan niya. Masasabi ko naman na hindi barumbadong driver si Noah dahil mapagbigay naman siya sa daan. Kung gago 'to sa kalsada ay hindi naman ako sasakay sa kotse niya ng paulit-ulit.

Tanging tugtog ng Silent Sanctuary ang maririnig sa sasakyan. He is humming it while driving, pangit ng boses. Buti na lang at nag-basketball player.

"Wala kayong lulutuin ngayon?" Tanong niya. "No free cupcakes? Or any luto tonight?"

"Hilig mo sa libre. Wala kaming baking ngayong araw. Akala mo naman ikaw ang nagbabayad nang pinangbibili ko ng ingredients. Hilig magpauwi." Sabi ko sa kaniya.

The Story of Unit 24-CTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon