Kabanata 34: Mayroong Masasabi

227 37 9
                                    

Probably 3-5 chapters left before the story end

Votes, Comments, and sharing the story is highly appreciated. Thank you!

—————

KABANATA 34: MAYROONG MASASABI
MAYROONG MASASABI BY CALEIN

PAGKALAPAG pa lamang ng eroplano sa Lio Airport ay dama ko na ang bigat sa dibdib ko. Kinakabahan ako lalo na't sa ilang oras o minuto lamang ay makikita ko na sila Mama. Natatakot ako sa magiging reaksyon ng magulang ko sa oras na malaman nila na ganito ako. I am not the perfect son that they Imagined that I would be.

Agad kong tinext si Ate na nasa airport na ako at sinabi niya lang na papunta na siya sa Arrival area. Habang naglalakad nga ay may mga mata ngang napatitingin sa direksyon ko at mukhang kinukumpirma nila kung ako ba 'yong nai-issue kay Noah Faustino. Wala bang mga sariling buhay ang mga taong 'to?

Mga tuwang-tuwa sa pangingialam sa buhay ng iba.

"Caloy!" Tawag ni Ate sa akin noong makita niya ako. Binigyan niya ako ng mahigpit na yakap. "Ang payat mo na, Caloy. Kumakain ka ba?" Nag-aalala niyang tanong habang pinagmamasdan ang buong katawan ko.

I weakly smiled. Hirap na hirap ako makakain nitong mga nakaraang araw, para bang kapag naka-tatlong subo na ako ng kanin ay busog na busog na ko. Minsan isusuka ko pa. "Kumakain naman ako, ate. Stress lang talaga." Palusot ko na lang.

"Kumusta ka naman?" She asked at naglakad na kami papunta sa parking.

"Ito, pinagtsitsismisan pa rin." Pabiro kong sabi pero mas lalo lang nag-alala si Ate Keanna. "Nilalaban ko na lang din. Graduating naman na ako next year. Hindi puwedeng sumuko." Paliwanag ko.

"Basta huwag kang mahihiya na humingi ng tulong sa akin. Kakampi mo ako." She assured to me, inilagay namin sa backseat ng sasakyan ang mga dala kong gamit. Iilan lang naman ito dahil marami naman akong gamit dito sa El Nido.

"Definitely." I smiled pero sa totoo lang ay hindi ko alam kung kanino ako lalapit. Sanay na sanay akong sarilihin ang mga problema ko. I am always the listener, hindi ako sanay na problema ko ang pinakikinggan ng ibang tao. "Sila Papa, kumusta? Galit ba sila?"

Inandar na ni Ate ang sasakyan papalabas ng airport. "Siyempre, ang initial reaction nila is magalit sa 'yo kasi wala silang kaalam-alam sa nangyayari sa buhay mo. Nalaman na lang nila sa kung kani-kanino. Pero hindi ka naman matitiis ng mga 'yon."

"Ate natiis nga nila ako, ilang araw na nila akong hindi china-chat o tine-text."

"Baka kasi ikaw naman ang hinihintay nilang lumapit? Sila lagi ang nangungumusta sa 'yo." Natahimik ako dahil totoo naman. Kung hindi pa ako tawagan o i-text ay hindi naman nila malalaman ang nangyayari sa buhay ko sa Ardano University.

Binuksan ko ang radyo ng sasakyan para man lang may ingay o distraction man lang sa sasakyan.

"Si Noah, anong balita?" Tanong niya.
"Hindi ko alam. Ilang araw na kaming hindi nag-uusap simula noong pumutok ang rumored relationship namin." Paliwanag ko sa kaniya.

"Huwag mo sabihing iniwan ka sa ere ni Noah kaya hindi kayo nag-uusap?" Tanong ni Ate sa mas mataas na tono. Wow, lumabas bigla ang pagiging protective niya sa bunso.

"Hindi." Mabilis kong tanggi. "Ako ang nagdesisyon na hindi muna siya kausapin. Parang hindi ko pa kaya ate. Natatakot ako sa sitwasyon. In a snapped nagulo ang payapa kong buhay." Paliwanag ko. Although, nakita ko na rin naman ang possibility na ito lalo na't public figure si Noah. Pero ang hirap pala kapag nasa mismong sitwasyon ka na, nakakasira ng mental health.

"Alam mo Caloy, sa mga ganitong panahon ay hindi mo dapat pinuputol ang communication ninyong dalawa." Sermon ni Ate ngunit focus ang mata niya sa daan dahil sa pagmamaneho. "Kayong dalawa ang involve sa issue, kaya't kayong dalawa rin ang umayos nito."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: a day ago ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Story of Unit 24-CTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon