Votes, comments, and sharing the story is highly appreciated, thank you!________
KABANATA 21: SELOS
SELOS BY THE VOWELS THEY ORBITNASA loob ako ng gym habang pinagmamasdan ang application form para sa internship. It's a program sa Ardano University na kung saan ilalakad nila for internship ang mga students sa Boracay. Although, next year pa naman ito magaganap pero mas maaga mag-register ay mas mainam.
Puwede naman din ako sa El Nido na lang mag internship pero pakiramdam ko ay wala akong growth dahil sanay na sanay ako sa environment doon. Iyon ang comfort zone ko.
"Ang seryoso mo, ah." Pawisang sabi ni Noah dahil katatapos niya lang sa push up reps niya. Uminom siya ng protein drink at tumingin sa akin. "It's still about the internship program?"
Itinago ko ang cellphone ko at naglakad sa mga dumbell. "Oo, mga high performing student lang kasi ang posibleng ipasok sa program. Kinakabahan pa ako sa grades ko." Although, matataas naman ang nakukuha kong marka. Aba siyempre! Sa dami-dami ng estudyante sa course ko ay paniguradong may mas matalino sa akin.
"You can do it. Kung hindi ka naman matanggap, ang dami dito sa Manila na high-end restaurant o hotel. For sure they will accept you. Consider that as your backup." Sagot niya sa akin.
I started my bench press at agad naman akong ini-spot-an ni Noah dahil dinagdagan ko ang bigat ng binubuhat ko. I took a deep breath before I started. "One... two... three..."
"You know what, coach wants to train me to become the Captain of Golden bears next year. He saw my potential daw on how I managed and get along with the team—"
"Tangina naman, nagbubuhat 'yong tao, oh." Reklamo ko sa kaniya dahil nawala ako sa bilang. Napakadaldal, puwede naman ikuwento pagkatapos ng reps ko.
Natawa lang si Noah. "Sorry," he chuckled.
I finished my three reps at uminom ng tubig. "I-ga-grab mo 'yong opportunity?" Tanong ko sa kaniya.
"What do you think? Should I?" Tanong niya sa akin.
"Hmm... Siguro mas hihirap ang buhay mo next year kung sakali. Especially engineering ka. Pero kung gusto mong makapasok kamo sa PBA after college, dagdag credential 'to sa 'yo." Paliwanag ko sa kaniya. Madalas man kaming magbangayan dalawa pero kung tungkol naman sa future ng isa't isa ay maayos naman kami magbigay ng feedback. Sadyang nakukuha lang ni Noah ang pikon ko minsan.
"I will consider it." Sagot niya at nagpatuloy na siya sa workout niya.
Halos isang oras lang kami nag-workout bago kami umupo sa isang gilid para magkuwentuhan. Tinatamad pa kasi kaming bumalik sa unit.
"Ang sarap nang cheesecake last time na inuwi mo." Sabi niya.
"Ahhh, si Dom ang gumawa no'n. Mas magaling siya sa akin pagdating sa pastries." Paliwanag ko dahil may bakery business sila na may mga franchise na sa iba't ibang mall. E 'di sila na mayaman ang pamilya.
"The one na naghatid sa 'yo last time?" He asked curiously. "Are you friends with him or a random group mate? Kapag nakikita kita kasi sa university sila Althea lang ang kasama mo."
"Irreg student 'yon. Madalas tambay ng mga computer shop. Minsan sumasama sa amin." Paliwanag ko at inubos ko na ang tubig.
"Are you close with him?" Kunot-noo niyang tanong.
"Sakto lang." Bumaling ang tingin ko sa kaniya. "Teka nga, bakit ba pinapakialamanan mo 'yong mga kaibigan ko. Para kang si Tito Boy kung magtanong-tanong ka diyan."
"Wala." Napailing siya. "New face and hindi mo naman naikukuwento most of the time."
"Basta, kaibigan." Sagot ko.
BINABASA MO ANG
The Story of Unit 24-C
Teen FictionKelvin moved to Manila to pursue his study in Ardano University. During his college years, he will share a room with Noah Faustino- a rising basketball player. Can they live together peacefully if Kelvin has a bad first impression to Noah? Or will t...