Kabanata 31: Marilag

467 54 17
                                    

Few more chapters~

Vote, comments, and sharing the story is highly appreciated. Thank you!

———————

KABANATA 31: MARILAG
MARILAG BY DIONELA

NAGTATAGO kaming dalawa ni Klent sa likod ng fridge ng kitchen area at tutok na tutok sa live broadcast ng UAAP. Parehas kaming kinakabahan sa laban ng FEU at Ardano. Pabor ang puntos sa Ardano University ngunit limang puntos lang naman ang lamang nito sa FEU at may isang minuto pa ang natitira sa fourth quarter ng laro.

"Tangina, Faustino. I-shoot mo!" Mahinang bulong ni Klent habang 'di naaalis ang tingin niya sa game. Mukhang sineryoso ni Noah na focus siya sa laro ngayon dahil palong-palo ang ipinapakita niyang laro. Noah got the ball and mula sa three points line. He threw the ball at suwabe itong pumasok sa ring. "Yes!"

Pagka-shoot niya ay biglang nag-pan ang camera sa ex niya— kay Sarah na nanonood ng live ng laro sa MOA. Biglang lumakas ang hiyawan ng mga tao at bumalik ang camera kay Noah. Anong kagaguhan 'yon?

Natapos ang laro in favor of Ardano University. "Pasok sa semis!" Parehas kaming napasigaw ni Klent Makalipas ang ilang taon ay ngayon lang ulit nagkaroon lang ulit nakapasok sa semifinals ang Ardano University. This is a big achievement for us already dahil ilang taon na kaming nauunang nalalaglag kapag ganitong UAAP.

Biglang pumasok sa kitchen area si Kuya John at mabilis kaming napaayos ng tayo ni Klent. "Aba ayos, nandiyan lang pala kayo sa likod ng ref. Kelvin, kailangan ng staff sa counter. Klent isang Aglia Olio."

"Yes po." Mabilis kaming kumilos ni Klent pero tuwang-tuwa pa rin kaming dalawa.

Dati-rati ay wala naman akong pakialam sa basketball, volleyball, o kahit anong sports na 'yan. Minsan lang ako sumali diyan noong highschool, Chess pa. Talo pa agad. Pero sa Ardano University ay malaking balita ito dahil Semifinals iyon! Kabilang kami sa last four standing na mga university na maglalaban para sa championship.

Masasabi kong hindi kami sinuwerte dahil alam kong pinaghirapan nila Noah para maipasok ang school namin sa Semifinals. He even sacrificed his own birthday para sa training. I-celebrate na lang daw namin ang birthday niya pagbalik ko sa Manila. Ganiyan kadedikado si Noah para sa UAAP season na ito.

Habang nasa counter ay may dalawang foreigner na um-order ng kape. "One large Caramel Macchiato and Signature coffee." Pagkumpirma ko sa order nila. "That will be 350 pesos po."

Iniabutan ako ng isang foreigner ng bayad. "I received 500 pesos. Kindly wait for the change and receipt." Magalang kong sabi. Ilang segundo ang lumipas ay inabot ko ang sukli nila.

Hinulog pa nga nila sa tip jar ang 100 pesos at parang pumalakpak ang tainga ko dahil doon. Kung may isa akong napansin sa mga turista dito sa Boracay... hindi sila madamot sa tip. Sa isang araw ay nakakamahigit 700 pesos ako dahil lang sa tip na 'yan. Partida hati-hati pa kaming lahat doon.

Noong medyo natapos dugso ng customer at wala ng masyadong tao ay lumapit ako kay Miss Tanya.

"Hello po, Miss Tanya." Ngumiti ito sa akin.

"Yes, Kelvin, may problema ba?" She sweetly asked. No wonder bakit kahit late 30's pa lang si Miss Tanya ay sobrang successful niya  sa career niya. She really treat us na parang big sister namin siya.

"Magpapaalam lang po sana ako kung puwede akong mag-leave sa Friday." Balak ko kasing surpresahin si Noah sa laro niya this weekend. Semifinals 'yon, big game na sa amin 'yon.

She checked her tablet. "Kasabay mo si Nica na mag-leave this friday, eh. Nauna siyang magpaalam kahapon." She informed me at nalungkot naman ako. "But since maganda ang feedback sa 'yo lagi ng customer. Tingnan natin, ang magagawa ko, ha."

The Story of Unit 24-CTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon